34 : The Jaguar

101K 3.1K 475
                                    


Siya nga ba talaga ang lalaking minahal ko? - Iza

-----

Iza

PINATULOY ko siya sa loob ng bahay kahit na nagdadalawang isip ako. Hindi ko naman kase siya matandaan. Paano kung masama pala siyang tao? Paano kung may masama pala siyang balak?

Pero hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa kaniya.

" Uhm pasensha ka na uhm Sir Gigs hin-hindi kami gumagamit ng ilaw sa gabi. 'Tong lampara lang ang ginagamit namin" Paumanhin ko. Hindi ko alam kung galit ba ang nakikita ko sa mga mata niya pero pansin ko na nakakuyom ang mga kamao niya.

" Babe Gigs lang. Huwag na iyung sir" Ulit niya ulit sa akin ng tawagin ko na siya sa pangalan niya pero may Sir parin.

Tumango ako

" Babe ba talaga ang tawag mo sa akin?" Hindi ko na napigilan pang itanong sa kaniya. Nakakapanibago lang kase na may nagtatawag sa akin ng Babe.

" Babe ang tawagan natin." He sighed. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero mukhang ang lalim nito.

" Mama tignan mo. Mama" Kuha ng anak ko sa pansin namin ni Gigs. Pinapakita niya kase sa akin iyung kinulayan niyang cartoon character. I saw Gigs approached my son and sat beside him.

" Hello po ulit" Magalang at nakangiting wika sa kaniya ni Savi.

" Hello again son" He acknowledged my son. Mukhang naguluhan naman iyung anak ko sa sinabi ni Gigs. Kahit papaano ay marunong din namang magEnglish iyung anak ko. Ewan ko ba at kay bilis niyang natutong magsalita ng salitang ingles.

" Ang sabi po sa akin ni mama hindi po niya kilala ang daddy ko. Bakit po son ang tawag niyo sa akin? Kayo po ba ang daddy ko?" Agarang tanong ng anak ko na ngayon ay tinigilan muna ang pagkokolor. Agad akong naalarma at tumingin kay Gigs.

Tumingin din siya sa akin.

" Mama siya po ba ang Daddy ko?" Tanong sa akin ng aking anak. Sa pagkakataong ito hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala akong matandaan sa nakaraan ko. Siya nga ba ang ama ng anak ko?

Ngumiti si Gigs sa anak ko bago niya ako binalingan ng tingin.

" Oo. Ako ang daddy mo." His voice was broken. Pinipigilan niyang umiyak pero nang yakapin siya ni Savi ay agad na bumuhos ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.

" Daddy?" Savi said. Kinusot kusot pa nito ang mga mata niya habang nakayakap kay Gigs.

" Oo anak. Ako ang daddy mo" Gigs muttered. Ang hirap sa parte ko dahil ako ang ina pero hindi ko kilala kung sino ang ama ng anak ko.

And here is this man introducing himself as the father of my son.

Tumingin sa akin si Savi na tila ba naghihingi ng kumpirmasyon.

" Oo anak, siya ang Daddy mo" I voiced out. Sa pagkakasabi ko ay parang bang walang bahid ng pagdududa sa boses ko.

Niyakap ng mahigpit ni Gigs ang anak ko at hinalik halikan pa ito sa pisngi at sa noo.

" Savi what's your complete name?" Makalipas ang ilang minuto ay tanong ni Gigs kay Savi.

" Timothy Savier Legazpi po" Masayang sagot ng anak ko. Gigs looked at me.

" You gave our son a nice name, Babe. At pinalaki mo siya ng maayos." His voice was so soft while his eyes were watery. Pinahid niya ang luha mula sa kaniyang mga mata at binuhat ang aming anak.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now