Chapter 7

7.7K 305 56
                                    

Chapter 7

Sa sobrang pagod ay tanghali na nang magising ako kinabukasan. Dalawang mensahe na galing kay Olzen, anim kay Kruise at iilang unknown number ang bumungad nang buksan ko ang aking cellphone. Kagat ang labi habang binubuksan ang text ni Olzen, hindi ko maiwasang balikan ang pag-uusap namin kagabi.

Olzen:

Morning, we'll be traveling to Manila today. Rest well.

Olzen:

I hope you reply to me this time.

Suminghap ako at tinitigan lamang ang mensahe niya. He kept his promise that he'll regularly text me from now on. Hindi klaro kung anong ginagawa niya at kahit na may ideya ako, ayokong pangunahan. They'll be gone whole summer since they will travel abroad.

Malalim ang paghinga ko habang nag-iisip ng isasagot. Should I reply? Hindi naman kailangan 'di ba? Pakiramdam ko dadami lang ang iniisip ko kapag ni-replyan ko pa siya. Pero nangangati ang mga daliri kong magtipa ng sagot...

Ako:

Ingat kayo.

I kept it short and plain to prove to myself that it was nothing. Ginulo ko ang sariling buhok at tumayo na sa kama. I read Kruise's messages too and form the unknown numbers.

Kruise:

Pagbalik namin, magkukwento ako sayo ng buo. Sa ngayon, I want you to know that... I said 'yes' to James already. Talk to you soon. I love you.

Ako:

Wala akong problema sa relasyon niyo, Kruise. Magkakaproblema lang kung sasaktan ka niya. Have a safe travel. I love you.

Kumukunot ang noo ko habang binabasa ang iilang mensahe sa mga hindi ko kilalang number. Yes, I do have some few admirers, and some who bravely tried to court me personally but I turned them down.

Unknown Number (1):

Hi, Era! Ang ganda mo kahapon, lagi naman. I really want to get close to you.

Unknown Number (2):

Congratulations, Elais! Si Josh nga pala ito, malamang hindi mo ako kilala dahil college na ako. I went to your graduation yesterday to see you. Sayang at hindi kita nabati ng personal, nahihiya kasi ako. Sana sa university ka pa rin mag-aral sa college.

Unknown Number (3):

You are so beautiful, Era. I like you, and I hope I can know you more. Sincerely from your future Nurse and boyfriend... kung papalarin.

Halos sumakit ang ulo ko sa kakabasa ng mga mensahe kaya naman ay itinigil ko na. Gusto ko mang mag-reply at magpasalamat man lang pero hindi ko na ginawa dahil baka humaba ang usapan kapag gano'n. Wala pa naman akong balak mag-reply maliban sa guso ko lang magsabi ng 'thank you'.

Naabutan ko si Lola na nanonood ng TV habang kumakain ng mansanas. Lumapit ako sa kaniya para magmano at nang makitang maganda ang pinapanood niya ay umupo ako sa tabi niya.

"Maayos ba ang tulog mo?" Malambing niyang tanong sa akin.

Sumandal ako sa kaniya at ngumiti. "Nakabawi naman po sa pagod, Lola."

"Nasa trabaho na ang Papa mo. Wala ka bang lakad ngayong araw?"

"Wala po 'tsaka nakaalis na po sina Kruise. Maybe I'll just rest the whole day, Lola."

"Sa susunod na Linggo ba ang pagpunta nila ng Chile?" Tanong ni Lola.

Tumango ako. Iyon ang sinabi ni Kruise sa akin. Doon nagtrabaho ang Daddy niya rati bilang isang Engineer at ang alam ko'y naro'n rin ang ibang anak ni Lolo Ben. Walang natira sa mansyon nila ngayon kundi ang mga trabahador lamang at matalik na taga-bantay.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now