Chapter 28

5.3K 179 33
                                    

CW: mental health

***

Chapter 28

I refuse to believe it. I don't want to believe it. I will only believe it if I see it myself.

"Era, let's go?" Meana smiled warmly at me.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Akala ko masaya akong babalik sa Pilipinas. Akala ko pipintig ng malakas ang puso dahil sa saya kapag aapak ulit ako sa bansang ito. Akala ko lang pala lahat.

I silently watch the changing of scenery as the car moves towards our destination. I can feel my phone vibrating in the pocket of my coat. Now that we're in the Philippines, my body feels a bit heavy and hot. I should remove my coat once we arrive at Parañaque. Naninibago ako sa klima.

Binalik ko ang cellphone sa bulsa nang makitang ang mga magulang ko ang nagtetext sa akin. Nagtiim bagang ako at pumikit ng mariin.

"Era, magpahinga ka muna ngayong araw. I'll update your parents. Please take a rest, okay?" Tinapik ni Tita Rosario ang aking balikat.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Inilibot ko ang paningin sa bahay nilang katamtaman ang laki. Dalawang palapag ito at nakatirik sa isang subdivision. Inaantok ako at masakit ang aking ulo. Nilapitan ako ni Meana at hinawakan ang aking kamay.

"Let's go to my room." She urged.

Malinis at malawak ang katamtaman ang laki ng kwarto ni Meana. Kapag nasa ibang bansa sila ay isang kapamilya nila ang nangangalaga dito sa bahay kaya naman nananatili itong maaayos.

"Tell me if you're hungry, okay? Matutulog ka ba?"

Huminga ako ng malalim at tumango. Hinaplos ko ang malapad niyang kama at unti-unting humiga doon. Maraming bumabagabag sa akin at mabigat ang aking pakiramdam pero himalang nakatulog ako kaagad. Kumpara sa mga nakaraang araw ay pakiramdam ko wala akong pahinga.

Hindi ko matandaan kung may maayos pa ba akong tulog simula nang malaman ko ang nangyari. Pero kagaya ng sinabi ko, ayaw kong paniwalaan. Maybe it's stupidity or I'm feigning ignorance... I don't know, I don't care. I don't want to believe any of it.

"Era..."

Nag-angat ako ng tingin kay Tita. She sighed and tried to smiled.

"Hindi mo raw sinasagot ang tawag ng mga magulang mo. They're worried."

Sinulyapan ako ni Meana. Bumagsak ang tingin ko sa aking plato na hindi masyadong nabawasan. Wala akong ganang kumain pero pinipilit ko dahil nakakahiya kina Tita.

"Ako na ang kakausap kay Elicia. Let her," tumango si Tito at ngumiti sa akin.

"Kumain ka pa. Ang kaunti ng nabawas sa pagkain mo." Udyok ni Meana.

I don't want to be a burden in their family but in my condition, I just can't pull myself to be at least responsive. The more I force myself, the more I lose interest.

"Pasensya na, Tita. Kakausapin ko po si Papa mamaya." Mahina kong sinabi.

Tita shook her head and smiled assuringly at me. "We understand, Era. Nakausap mo na ba iyong sadya mo rito?"

Nagbara ang aking lalamunan at marahan na umiling.

"Hindi pa po."

"Sige. Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi ha. Sabihan mo si Meana o kami na mismo." Si Tito.

Malamig ang panggabing hangin pero hindi nito mapapantayan ang klima sa Canada. My eyes darted to the city lights and the lofty buildings. Kitang kita ang ibang parte ng syudad mula sa rooftop ng bahay nina Meana.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now