Chapter 21

6.4K 243 15
                                    

Chapter 21

May mga estudyante pa rin na nagkalat lalo't may mga iba't ibang booth na itinayo sa loob ng pamantasan. Nasa parking lot ako at hindi pa nakakalayo nang may humablot sa aking siko. Nahigit ko ang hininga nang makita si Olzen na hindi ma-ipinta ang mukha.

Bakit siya narito? Wala pang limang minuto nang umalis ako pero narito na agad siya. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako o mag-aalala na baka umalis siya ro'n at iniwan ang mga kasama niya.

Naka-igting ang panga at namumula ang mata, hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Hindi na ako nag-reklamo nang hinila niya ako papunta sa sasakyan niya. Nanghihina ako at hinayaan na lamang siya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tahimik akong pumasok nang seryoso niya akong nilingon. Akala ko'y isasarado niya rin ito pero nagulat ako nang ipatong niya ang isang paa sa sahig ng sasakyan at ang isang kamay ay dumapo sa head rest ng upuan ko.

Walang masyadong estudante sa parking lot. Malayo rin kami sa poste ng ilaw pero sapat na ang liwanag para makita ko ng klaro ang mukha ni Olzen.

His bloodshot eyes made my lips tremble. His jaw clenched as he watch me closely. He's so close to me, taking my breath away.

"Bakit ka umalis do'n?" He asked in his deep baritone.

Hindi ako maka-sagot. Bakit nga ba ako umalis do'n? The place is suffocating me and I needed air.

"Akala ko ba mag-uusap pa tayo? Bakit ka umalis?"

Umiwas ako ng tingin. Humugot siya ng malalim na hininga nang hindi ako sumagot.

"Talk to me please..." nanginig ang boses niya.

My heart stopped beating, it's clenching too much and it hurts. Umiling ako at kinagat ang labi, nanatiling nakayuko. Masuyo niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa aking hita.

"I'm sorry if I made you feel bad. I won't talk to her anymore." Aniya at pinisil ang kamay ko.

Nag-angat ako ng tingin. Seryoso siya at gustong gustong makarinig ng sagot mula sa akin.

"It's not good to be possessive..." nanginig ang malamig kong boses.

Napatitig siya sa akin. Unti-unting namungay ang kaniyang mga mata. Kinagat niya ang pang-ibabanng labi at hindi ko alam kung guni-guni ko bang ang multo ng ngiti sa kaniyang labi.

"But I want you to be possessive of me," he drawled huskily.

Napasimangot ako at umiling. Gusto kong maiyak sa pinaghalo-halong emosyon. How could he sound happy when I feel so bad inside? I don't want to be possessive of him, that's not healthy!

"Hindi iyon maganda! You're not even my boyfriend! I don't want to stop you from entertaining those girls just because..." umiwas ako ng tingin.

"Because?" Mas lalo siyang lumapit sa akin.

Mas lalo akong napa-simangot. Marahas akong umiling at sinubukang bawiin ang kamay pero hindi niya ako pinagbigyan.

"I'm not entertaining those girls. I'm sorry, it won't happen again. And to me, I am your boyfriend... it's just the label that is missing."

Ikiniling niya ang ulo para silipin ang reaksyon ko. Kinagat ko ang labi dahil sa gitna ng kirot ay ang galak dahil sa sinabi niya. Mas lalo akong nainis sa sarili. How he can control my heart like this is beyond me!

"Thinking of you being possessive of me is driving me crazy," bulong niya.

Pumulupot ang kamay niya sa aking baywang. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat siya nang makitang naluluha ako. Kinagat niya ang labi at masuyo akong niyakap. Bumaon ang mukha ko sa leeg niya.

"I won't give you any reason to be jealous again. I'm sorry." He said tenderly and kissed my temple.

Kinagat ko ang labi at pumikit ng mariin. That night, he whispered sweet sweet words to me until I calmed down. Ang yeah, maybe I'm possessive and I won't be able to help it.

They say, time flies fast when you're happy. And it's terrifying how fast time flies by especially in those moments you want to last.

Katatapos ng finals nang muli akong imbitahan ni Olzen sa bahay nila, to have lunch together with his parents. Ilang beses na itong nangyari sa mga nakaraang buwan kaya naman ay nasanay na ako. No'ng una, ay hindi ko maiwasang mahiya lalo't alam nila kung anong namamagitan sa amin pero kalaunan din ay naging komportable na ako.

Kagaya nang napagkasunduan, susunduin niya ako sa bahay. Tulad ng palaging ginawa, si Olzen ang nagpaalam sa akin at pumayag si Papa. Palagi niya kaming pinagbibigyan na dalawa lalo na kung si Olzen mismo ang magpapaalam. May pakiramdam akong malaki ang tiwala niya rito kaya naman palaging sumusunod si Olzen sa oras na kailangan na niya akong ihatid.

"Kamusta kayo ni Olzen, apo?" Tanong ni Lola.

Magkatabi kami sa sofa at nanonood ng TV habang hinihintay si Olzen. Ngumiti ako sa kaniya at sumandal sa kaniyang balikat.

"Okay naman, Lola."

"Hay, nagagalak ako sa tuwing nakikita ko kayo. Batang bata ang pag-ibig at masaya." Humagikhik siya.

Mas lalo akong napangiti at hinaplos ang kamay niya. Nangungulubot na ito, senyales na mas lalo siyang tumatanda.

"Ganito rin ba no'ng kayo ang nagmahal, Lola?"

"I'm too old to remember how young love felt like but one thing is certain, it's magical." She said softly.

I closed my eyes and nodded silently. Indeed... it's magical.

Nang marinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa labas ay umayos ako sa pagkakaupo. Hindi rin nagtagal ay sumulpot si Olzen sa pintuan. Lumawak ang ngisi ni Lola nang makita niya ito.

"Magandang araw po, Lola." Lumapit siya sa amin.

He grinned when he saw me. Umaalingasaw na naman ang pabango niyang rumehistro na sa pang-amoy ko. Nakasuot siya ng maong at simpleng t-shirt, pakiramdam ko tuloy masyadong magarbo itong dress na suot ko.

"Olzen! Napaka-gwapo mo talagang bata ka!" Binalot ng tawa ni Lola ang buong bahay.

Mas lumawak ang ngisi ni Olzen kaya napa-irap ako. Tumayo ako at hindi alam kung magpapalit ba ng damit. Hindi ako mapakali habang tinitingnan ang simpleng suot ni Olzen.

"At paganda rin po kayo ng paganda, Lola." Segunda niya.

Mas lalong humalakhak si Lola. I can't help but to smile watching how happy she is. Gusto niya palaging bumibisita si Olzen dito.

"Aba'y dapat lang. Nagmana kaya sa akin ang apo ko." Pagyayabang ni Lola.

Umupo si Olzen sa kabilang bahagi ng sofa at sinulyapan ako. Ngumuso siya, pinipigilan ang pag-ngiti. Kinuha niya ang kamay ni Lola at minasahe ito.

"Manang mana, Lola. Sobrang ganda."

"Tss." I scowled at him.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Olzen nang makita niyang papunta ako sa hagdan.

"I'm going to change my clothes." I said and looked away.

"Why? You look good in everything. Huwag na." Aniya at tumayo na.

Ngumuso ako at tiningan si Lola na nangingiti habang pinapanood kami. Huminga ako ng malalim at kinuha na ang sling bag ko.

"Lola, gusto rin po kayong makita ni Lolo Ben. Gusto niyo po bang sumama?" Si Olzen.

Umiling si Lola at itinaas ang kamay. "Sa susunod na, hijo. Medyo masakit ang balakang ko ngayon at mas gusto ko munang magpahinga."

Humalik ako sa pisngi ni Lola bago kami umalis ng bahay. Pagkarating namin sa mansyon ng mga Rosales ay agad kong nakita si Kuya Tyrell na pinapaliguan ang Hammer niya sa may garahe. He smirked when he saw us. Kasama niya ang mga magulang nilang dumating kahapon mula Manila.

"My brother looks so whipped beside you, Era." Puna niya at tumawa.

"Don't listen to him," kunot noong suway ni Olzen.

Napangisi ako. It's not like I don't know that, Rosales.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now