Chapter 8

7.4K 254 63
                                    

Chapter 8

Nakasimangot na ibinagsak ni Kruise ang libro niya sa itaas ng lamesa ko. I stopped writing and gave her my attention.

"What's with the face?" I asked.

Nasa learning hall ako, mamayang ala una pa ang susunod na klase at si Kruise naman ay may one hour break.

"May quiz na naman kami bukas! God, I think I'm starting to have acne outbreak dahil sa kakapuyat ko!" Naiiyak niyang sinabi.

Ngumuso ako at tiningnan ang makinis niyang mukha. Lumalaki lang ang eyebags niya pero hindi na ako nagkumento dahil baka tuluyan na siyang umiyak. Tiningnan ko ang makapal na libro niya. Anatomy and Physiology.

"You're beautiful, Kruise. And there's no sign of acne outbreak. Rest and review later."

"Pakiramdam ko ang bobo ko! Imagine, we had a surprise moving quiz this morning and out of 40, I got 13! I have never felt so dumb in my whole life!" Namumula na ang mga mata niya.

I sighed. I heard her laments before, even when college life had just started. That it's not easy in the Health and Allied Sciences. Kahit ako rin naman ay medyo nahirapan sa pag-adjust sa college. But then, it's in the middle of the first trimester, so I've gotten used to it.

"Hey, cheer up. Mahirap talaga ang kurso mo. You need to practice and develop your reading habit. Wala sa talino 'yan Kruise, nasa sipag magbasa 'yan. Bumawi ka sa quiz niyo bukas. Come on, I'll buy you your snack. What do you want?" Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.

Nakasimangot pa rin siya. I smiled more at my best friend. Tumayo na ako para bilhin ang paborito niyang snack. Habang pumipila sa canteen ay nakita ko iyong mga kaklase ko. I smiled at them pero lumapit si Gio sa akin. Galing siyang ibang university. He's my seatmate kaya naman madali kaming naging komportable sa isa't isa.

"Era, anong bibilhin mo? Treat ko na," he smiled.

Tiningnan siya ng ibang nakapila. I shook my head and smiled a little.

"Hindi na, Gio. I'm done with my snack. I'm just buying for my best friend." I said politely.

"Gano'n ba? Anong oras ka papasok mamaya? Sabay na tayo?"

I pursed my lips. Olzen told me to wait for him dahil 12 matatapos ang klase niya. Aniya'y sabay kaming kakain ng lunch.

"Uhm, I'm not sure. Mas mabuting mauna ka na lang," I replied.

He smiled and nodded. "Sure. See you later, Era."

Tumango lang ako at iniwas na ang tingin nang umalis siya. Gio is handsome, reason why half of the girls in our class have a thing for him. Pagkatapos kong bumili ay binalikan ko si Kruise na nakasimangot na nagbabasa. Ngumiti ako at ibinigay sa kaniya ang binili ko.

"Learn to deal with the pressure, Kruise. At magbasa ka lang ng magbasa. I'll tell James to stop calling you every night so you can read," matalim ang tono ko sa panghuli.

Ngumuso siya sa akin habang umiinom ng Real Leaf. I glared a bit at her. Akala niya yata ay hindi ko alam. Hindi ko kaklase si James ngayon kahit pareho kami ng kurso.

"Anong oras pasok mo today?"

"Ala una." Tugon ko.

"Buti ka pa. Tapos mamaya, major na naman namin. Chemistry! Kaunti na lang talaga!" Reklamo niya.

"Kumain ka na ng lunch ngayon." Ani ko.

"Huwag na. Ikaw?" Isinara niya ng libro at tumitig sa akin.

Tumikhim ako at ibinagsak ang tingin sa notes ko. It's been months but I couldn't get to tell Kruise about his brother. Madalas kaming kumain ng lunch na magkasama ni Olzen pero madalas din ay kasama namin si Kruise kaya hindi siya nagtatanong. And now I feel like she deserves to know kahit hindi naman importante.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now