Ultimate Chapter

10.8K 345 230
                                    

This is the ultimate chapter. Be warned that this is a long narration ahead and I did not proofread. I just need a lot of words to express what's in my mind and I feel like this is still not enough. I even wanted to stop writing this chapter because I feel like I can't end it but here we are! Thank you and I hope you're patient enough to read every line.  Epilogue will be posted after some days. Maraming salamat!

Ultimate Chapter

Ayaw niya sa akin. Alam ko iyon pero hindi ko alam kung bakit.

"Excuse me." Marahan kong sinabi nang makalapit sa kaniya.

Hinahanap ko 'yong restroom nila rito, kaso nga lang hindi ko alam dahil baguhan ako sa lugar na 'to. Ayaw din naman akong samahan ni Kuya Tyrell. Siya ang nilapitan ko dahil sa tingin ko ay alam niya dahil taga-rito naman siya.

"Yes?" Malamig ang boses niya at bahagya pang umangat ang kaniyang kilay.

The wind blew and her long wavy hair danced. Her porcelain skin reddened at the touch of the scorching sun rays.

I licked my lips and looked away to stop myself from staring. She's beautiful, alright... but it's not like this is my first time seeing a gorgeous woman. Her beauty is not the typical. She looks foreign in some ways.

"Alam mo ba kung nasaan ang..." tumigil ako sa kunwaring pagtingin tingin ko sa paligid nang lingunin ko ulit siya.

This time, she was busy tying her hair. I feel ridiculous for being amazed just because of watching her tie her hair. Anong nakakabilib do'n sa pagtatali ng buhok?

Nang matapos siya ay malamig siyang tumingin sa kaniya. Ramdam ko na agad na hindi niya ako gusto.

"Alin?" And ever her soft voice was cold.

"Ang comfort room nila rito?" Tanong ko.

Iritado siyang tumingin sa akin. Tangina, ano bang ginawa ko rito at bakit parang ang init ng dugo sa akin?

"I'm new to this place so I don't know. Magtanong ka sa iba." Masungit niyang sinabi.

Tinitigan ko siya. Baka mamaya nagpapakipot lang 'to? Baka mamaya gusto pala ako nito tapos pa-hard to get lang? Napangisi tuloy ako.

Hindi naman na bago sa akin 'yan, e. Well, she's really beautiful but I don't fancy probinsyana girls. Baka mamaya isipin nito may may gusto ako sa kaniya, ah?

"You're too cold, lady. Maybe I can do something about that, huh?" I tried to flirt with her so I can see her reaction.

Natigil ako sa paglapit nang makita ang matinding iritasyon sa mga mata niya. Her thick brows arched as she stare at me with obvious annoyance.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka pinapatapon dito sa Cagayan? Aside from playing with girls, ano pa?" I can hear the slight tremble of her voice.

Mas lalo tuloy akong napangiti. Gusto ako nito, nagpapakipot lang. Gano'n naman talaga ang mga babae minsan, 'tsaka sanay na ako sa ganito. Sa huli, bumibigay pa rin sila sa akin. Anong pinagkaiba niya?

And she even accused me of playing with girls! Napaka-judgemental! Kakikilala lang namin no'ng nakaraang linggo, ah? Paano niya nasabi 'yon?

"Hmmm. You're interested with me now?" I nibbled my lip to stop myself from smirking.

Napa-irap siya sa sinabi ko. "No. You are exactly not my type."

Umiling siya pagkatapos akong pasadahan ng tingin. Nagtaas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

Wow, akala niya rin siguro ang ganda ganda niya e, 'no?

"You're not my kind of girl too." I mocked.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now