Chapter 9

7.1K 239 26
                                    

Chapter 9

Malakas akong humugot ng malalim na hininga. Ano mang pilit kong magpatuloy sa pagbabasa ay hindi ko na kayang intindihan lahat ng nasa libro. Lumilipad ang isip ko sa ibang bagay.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan na nagkokonekta sa kwarto ko at sa katamtaman na balkonahe. May dalawang upuan doon at halos manginig ako sa lamig ng panggabing hangin. Kumuha muna ako ng makapal na jacket sa loob bago bumalik sa balkonahe.

I stared at the dark sky with only the moon as its ornament. It looks mysterious but satisfying. For a long time, I only gazed at it silently. I wonder what the feeling of being able to reach the moon is? What did Neil Armstrong and Buzz Aldrin felt? I want to know.

Pumikit ako ng mariin nang muli kong maalala ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-review ng maayos. Kinagat ko ang labi para pigilan ang inis sa sarili. Hindi ko kayang tanggapin. Gusto kong i-tanggi ng husto sa sarili.

Tumingin muli ako sa buwan. Kagaya ng pagiging misteryoso nito ay misteryo rin sa akin kung sa paanong paraan humantong sa ganito ang nararamdaman ko. Nasaan ang mga pinanghahawakan kong salita?

You can still stop it, Era. You can still deny it. You're not sure. You have never been there before. Maybe you're just mistaking it for something.

"Apo?"

Suminghap ako at nilingon ang nakabukas na pintuan. Nakita ko si Lola sa tabi ng lamesa ko at nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Sa loob na tayo, Lola. Malamig po rito." Ani ko.

Umiling siya at ngumiti. "Dito na tayo at gusto ko rin ng preskong hangin."

I sighed and nodded. I guided her towards the chairs. Sunod akong umupo pagkatapos niya.

"Anong ginagawa mo rito at mukhang malalim ang iniisip mo?" She asked.

Ngumuso ako at tumingin sa buwan na unti-unting tinatakpan ng makakapal na ulap. That's it. Cover it. Cover your feelings with your principles.

"Wala po. I'm just trying to breathe in fresh air so that I can continue my review."

Tumango si Lola at muling ngumiti. Sumulyap siya sa langit bago bumaling sa harap, kung saan halos kita na ang syudad ng Tuguegarao. We were silent for a minute not until she asked me a question I was not expecting.

"May nanliligaw ba sayo, Era?"

Umawang ang labi ko. Bakit pakiramdam ko may ibang pahiwatig ang tanong ni Lola? Bakit pakiramdam ko may alam siya? O talagang sobrang gulo lang ng isip ko ngayon? I bite my lower lip and pinched myself for thinking too much.

"Wala po, Lola. Pag-aaral po na muna ang priority ko ngayon." I said firmly.

Humalakhak si Lola. I pouted at her. Sumulyap siya sa akin at kinuha ang isang kamay ko. I stared at my grandmother.

"Apo..." pauna niya, "hindi naman kasalanan ang pagbigyan ang puso sa gitna ng pag-aaral."

Kumunot ang noo ko. Nanatili akong tahimik. Hinaplos ni Lola ang kamay ko.

"Oo, importante ang pag-aaral pero huwag mong masyadong paghigpitan ang puso mo. Minsan, kahit papaano, subukan mo namang dinggin kung mayro'n itong binubulong." Ngumiti siya at humagikhik.

I smiled and shook my head. "I'm not still ready for it, Lola. At para sa akin, mas mabuting magmahal kapag handa na ako sa lahat para iisang tao lang ang dadaan sa buhay ko. I want a relationship that will last. Gusto ko pong 'yong una ko ay panghuli ko na. Ayoko pong masaktan sa maling tao."

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now