Chapter 23

5.4K 180 18
                                    

Chapter 23

Kailangan kong bumawi. Kailangan kong mag-pokus ng husto.

Iyon lamang ang nasa isip ko sa mga sumunod ng araw. Marami akong kailangang habulin. Halos hindi na ako nagte-take ng break kahit sa free time dahil puspusan ang pagbabasa ko at paggawa ng reviewers.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Nag-angat ako ng tingin kay Gio na tumabi sa akin. Tiningnan niya ang librong binabasa ko at ang mga drafts ko ng solution para sa sinasagutan na problems. Umiling ako at ngumiti, naiintindihan ko naman.

"You missed something. Here..."

Pinatong niya ang kamay sa likuran ng aking upuan at tinuro ang draft ko. Tiningnan ko iyon, iniisip kung anong nakaligtaan.

"You should first get the average. Iyon ang idadagdag mo sa rounded na sagot ng una mong solution." Paliwanag niya.

When I noticed that he's right, I pinched my nose. Hinilot ko ang sentido at tumango.

"Salamat. Hindi ko napansin."

"Tulungan na kita para mas mabilis mong makuha." Aniya at nanghila ng upuan para makatabi sa akin.

Hindi na ako tumanggi dahil sa totoo lang ay mas maganda nga iyon. Sila ang nakarinig ng eksplanasyon ng instructor kaya mas alam niya. Matalino si Gio at kasali siya sa Dean's List kaya alam kong maasahan ko siya.

"Maraming salamat, Gio." I said when we're finished.

He smiled and stood up before tapping my back lightly.

"I'm just here whenever you need help, Era." He nodded and went back to his chair.

Huminga ako ng malalim at niligpit ang mga gamit at binalik ito sa loob ng bag. Sa paghugot ko ng ibang libro ay napansin ko ang aking cellphone. Kinuha ko ito kasama ng libro.

Bumuntong hininga ako nang makita ang isang missed call at tatlong mensahe mula kay Olzen. Hindi kami masyadong nakakapag-usap sa mga nakaraang araw. I couldn't even reply to his messages even at night. Minsan ay mag-isa akong pumupunta sa memorial park dahil mas nauunang natatapos ang klase ko.

He told me to wait for him but I couldn't. Sinusundo niya na lamang ako at kaunting oras lang ang mayro'n kami dahil ihahatid niya rin ako kaagad. Alam niyang abala ako at aniya'y naiintindihan niya.

Olzen:

Did you eat your lunch?

Olzen:

It's lunch time. Where are you?

Olzen:

Huwag kang magpapalipas ng gutom kahit marami kang ginagawa.

My heart tugged and typed my reply.

Ako:

I'm sorry. I had to finish something. Mamaya na ako kakain.

I still have thirty minutes before the next subject but I want to spend it on making another reviewer so my load will be lessened. Wala akong natanggap na reply mula kay Olzen kaya binalik ko na ang cellphone sa bag.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang may tumawag sa pangalan ko.

"Era, may naghahanap sayo sa labas." Si Mica.

Nag-angat ako ng tingin. Sa labas ay nakita ko ang nakatalikod na si Olzen. Kilala ko ang likuran niya, ang tangkad, tindig at buhok niya. Kumurap ako at tumayo para puntahan siya.

Nahagip ko ng tingin si Gio na mataman na pinapanood ako. Umiwas ako ng tingin at lumabas na ng klasrum.

"Olzen," I called.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now