Chapter 40

7.9K 254 76
                                    

Chapter 40

I tried calling Olzen multiple times but his number can't be reached.

Kahapon pa 'yong text niya! Ang oras ay no'ng nakarating ako sa bahay nina Meana. I was busy all day that I forgot about my phone!

Ako:

You're in Cagayan? I'm sorry, I didn't tell you I'm going back to Parañaque. Nasa Parañaque ako ngayon. Call me when you see this.

I feel so bad! Nagkasalisi kami. He should have told me earlier that he's going back, para hindi ako nagmadaling pumunta rito. Pero hindi rin naman niya kasalanan iyon.

Masakit ang ulo ko habang palabas ng kwarto. Dala ko na ang cellphone para agad kong makikia kung tatawag ba o magte-text si Olzen.

The house is unusually quiet when I went out of my room. Hindi pa ba gising ang dalawa? Magtatanghali na, ah.

Bumaba ako at wala akong nakita na anino nina Cheste at Meana sa living room. I proceeded to the dining area. Naabutan ko ang isang kasambahay doon.

"Good morning, Ma'am." She smiled.

Bumati ako pabalik at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Kumain na rin ako at uminom ng pain reliever dahil masakit talaga ang ulo ko.

After that, I went to the living room and took a seat on the sofa. I tried dialing Olzen's number again but it's still the same.

Sinandal ko ang ulo sa backrest ng sofa at pumikit. Hindi ko alam kung gaano katagal na gano'n ang pwesto ko pero napamulat na lamang ako nang makarinig ng yapak.

Dumilat ako at nakita si Meana na bagong ligo, pababa sa hagdan. She was massaging her nape and her arms. Nagkatinginan kami nang mapasulyap siya sa gawi ko.

"Puyat? You had too much yesterday." I smiled teasingly.

She looked away for a second. Huminga siya ng malalim at nang bumaling sa akin ay may ngiti na sa labi. Nagtaas ako ng kilay.

"Kanina ka pa gising?" Her voice trembled a bit.

"Yeah." I nodded. "Kumain ka na."

Ngumiti siya at dumiretso sa may dining area. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makapasok do'n.

I busied myself on watching videos on Youtube while waiting for Olzen's text or call. Medyo matagal akong nagbabad sa panonood at hindi pa rin siya tumatawag.

Saktong pagtayo ko nang nakita kong pababa ng hagdan si Chester na bagong ligo rin. Nang makita niya ako ay napakurap siya at napaiwas ng tingin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Kamusta? Masakit ba ang ulo mo?"

Umiling siya at ngumiti nang sinulyapan ako. He scratched the back of his head and looked around the house.

"Kumain ka na. Nasa dining area si Meana, hindi pa yata tapos." I said to give him a warning.

Natigilan siya at nilingon ang patungong dining area. He looked at me again.

"How about you? Kumain ka na?"

Tumango ako. "Kanina pa. You should join her but beware. Para naman hindi kayo palaging nag-aaway."

He swallowed and looked away again. Kumunot ang noo ko pero sa huli ay tumawa na lang ako at iniwan siya ro'n para umakyat na sa taas.

I went up to my room to get my laptop. I want to check on something, tungkol do'n sa huling pinagtrabahuan ko. May Wifi sina Meana kaya hindi problema ang connection.

Bitbit ko ang laptop nang muli akong bumaba. Nasa gitna pa lang ako ng hagdanan nang makita ko ang nagmamadaling paglabas ni Meana mula sa dining room. Namumula ang mukha nito at mukhang galit.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now