Chapter 29

5.6K 209 28
                                    

Chapter 29

I put down the bouquets of flowers beside the monuments. The wind blew and hugged me. I smiled and wiped the drop of tear.

"I miss you..." I whispered to the warm wind.

Tumingala ako sa kalangitan, sinasangga ng suot na sunglass ang sinag ng tirik na tirik na araw. Huminga ako ng malalim at pumikit, pagkatapos ay tahimik na nagdasal.

"Let's go?" Anyaya ni Meana nang makitang tumayo na ako mula sa pagkakaluhod.

Tumango ako habang dinudungaw ang mga puntod sa harapan. Kararating lamang mula sa Canada, nagtungo ako kaagad dito kasama si Meana.

I fulfilled my promise to her. I promised I will come back and after more than five years, I made it.

Pero hindi kagaya ng huli kong punta rito, hindi na balot ng lungkot ang aking puso. I fee lighter, more alive and hopeful. The pain of loss is still there but I have acknowledged that once again, this is reality. This is life and we have no control over the things that are already destined to happen.

It's not easy to cope up with the pain of losing important people. It damaged me and it's not easy to fix a broken self. I realized that allowing the pain to embrace you is fine, but letting it consume you entirely is suicide.

Ako rin ang napagod sa dilim. Kaya naman ginawa ko ang lahat para maghilom. I want to live happily for the people I lost. I want to continue seeing life as a beautiful voyage in their stead.

"I know a high-end salon here in Makati or gusto mo sa Parañaque na lang. Ano? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Meana nang nasa byahe na ulit kami.

Sinuklay ko ang tuwid na tuwid na buhok. Binago ko ang istilo ng aking buhok dalawang taon na ang nakalilipas, pagkatapos kong magtapos sa pag-aaral.

Ang dati na hanggang baywang ang haba at umaalon sa dulo, ngayon ay tuwid na tuwid at hanggang saktong balikat na lamang.

My hair is shiny black highlighted with silver balayage. May bangs na rin ako na hanggang itaas ng mata ang haba at itim na itim. Gusto kong ibalik sa kulay ang dating buhok ngunit nagdadalawang isip ako.

"What do you think? Should I change my hairstyle again?" I touched my bangs.

Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light. Siya ang nagmamaneho at ako ang nasa tabi niya.

"You look mature and cold in that cut, but I love it. It's sexy." Ngumiti siya.

I sighed and raked a hand through my straight silky hair. Iyon ang medyo hindi ko gusto, mukha akong masungit sa istilo ng buhok ko ngayon. But honestly speaking, I love this style too.

"Huwag na lang pala, kung gano'n. Next time na lang, kapag buo na ang desisyon ko."

"Sigurado ka? Where should we head then?"

Tiningnan ko ang cellphone. May missed calls doon galling sa mga magulang ko at kay Chester. Nagtipa ako ng mensahe para kay Papa.

"Let's just rest for today. I don't have any plans." I responded.

Ako:

Pa, I arrived early this morning. I went to the cemetery with Meana. Pauwi na po kami ng Parañaque. I'll call you back later.

Wala ang mga magulang ni Meana kaya naman kaming dalawa lamang ang naro'n sa bahay nila, maliban sa mga kasambahay. Nasa Canada sina Tito at baka matagalan pa ang uwi. Si Meana naman, pagkatapos mag-aral sa Canada ay dito niya mas piniling magtrabaho. She's been here for the last three years and travels to Canada only for vacation.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now