Prologue

14.3K 225 7
                                    

"I hate you, Daddy!",naiiyak na sigaw ni Bettina sa Ama.Nasa loob siya ng kwarto at nakadapa sa kanyang kama.Kanina pa siya nito kinakatok.

"Bettina! Don't be a brat!",sigaw nito mula sa labas."Open this goddamn door!Or else gigibain ko to!".

Marahas siyang bumangon at tinungo ang pinto.Hindi na niya pinagkaabalahang pahirin ang luha sa kanyang mga mata.Gusto niyang ipakita rito na nasasaktan siya sa ginawa nito.
Padarag niyang binuksan ang pinto at hinarap ang ama.

"Ako pa ngayon ang brat Dad?Kung kay Kuya okay lang,sa akin hindi!",humihikbing sumbat niya dito."How dare you to do this to Mommy?"

"Tina!Matagal nang wala ang Mommy mo!" Sabay alog nito sa kanyang  magkabilang balikat.

"Matagal?Wala pang isang taon Daddy nang mawala siya!Para sayo matagal na yon?Ni hindi pa nga ako nahinto sa pagluluksa!"

Hindi siya makapaniwala sa lumalabas sa bibig nito.Wala pang isang taon ang kanilang pagluluksa pero nagawa na nitong mag uwi ng babae sa bahay nila.Hindi siya makapaniwalang natanggap agad iyon ng kapatid niyang si Xander.She felt betrayed.Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng lahat.
Selfish siya,oo.Pero maiintindihan naman niya ang ama niya kung lampas na sana ng isang taon mula ng mamatay ang Mommy niya.Palagay niya,ni hindi siguro ito nagluksa.Pitong buwan?Ilang buwan na lang sana ang at hindi na ito makapag hintay.Hindi na nakatiis.Nagawa agad nitong magmahal ng iba bukod sa mommy niya.
   

"Tina,hindi ibig sabihin na may kakasamahin na akong babae ay hindi ko na mahal ang mommy mo",pagpapaintindi nito sa kanya."Kahit papano napunan ng Tita Mara mo ang pangungulila ko sa mommy mo.Kaya please lang anak, can't you understand me? She's a nice woman,and I'm sure magkakasundo kayo."

"No,Dad.",pagmamatigas niya."Kung ipipilit niyong itira siya dito sa bahay, it's better for me to leave.No one can replace Mommy Dad,No one".

"Ngayon lang naman ako humingi ng pabor sayo Bettina,alin ba mahirap intindihin don?",nauubos ang pasensyang sabi nito sa kanya."At hindi ibig sabihin na ayaw mo,ikaw na ang masusunod.Ama mo pa rin ako, respetohin mo ang desisyon ko".

Respeto?Ang respetong iniukol niya dito ng matagal na panahon ay biglang nawala.Hindi siya makapaniwalang siya pa ang hirap umintindi.Anong klaseng pangungulila ba ang hanap nito at hindi siya naging sapat?Sinarado niya ang boutique niya para masamahan lang ito dahil pareho lang silang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina.Pero nang ganito kaaga?Hindi man lang ba nito inisip ang magiging damdamin niya.Uuwi ito sa bahay na may bitbit na babae?Saan nito napulot ang babaeng iniuwi nito?

"Sige Dad," suko niya.Marahas na pinahid ang mga luha"Pagbibigyan ko na kayo sa gusto niyo.Pero babalik ako sa condo unit ko".Hindi ko ho kayang makipagplastikan sa babae niyo."
May condo unit siya sa Ortigas.Naiwan lang niya iyon ng mamatay ang Mommy niya sa sakit sa puso.Parang ninakaw ang buhay nito dahil wala silang kaalam-alam na may dinadamdam pala itong seryong sakit.

"Hindi ko siya babae lang,Bettina",matigas na sabi nito."May balak kaming magpakasal at magiging bahagi siya ng pamilya natin".

Parang sinaksak ang puso niya sa deklarasyon ng ama.Nasasaktan siya para sa ina.Galit siya dito,galit siya sa kapatid niya.Mas lalong galit siya sa babae nito.

"Okay Dad", mahinang sabi niya.Baka kung ano pa ang lalabas sa bibig nito at mas lalong ikasama ng loob niya."You can do what you want,and I'll be out of your life".

"Bett--"

"No Daddy",pigil niya sa anumang sasabihin pa sana nito."I will not dare to bother you,and I want you to do the same. I'm old enough to handle myself.And you know that".

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now