Chapter 6

5.6K 168 12
                                    

"Ma'am Tina,nailabas ko na po lahat ng stocks na kapareho nung napili niya pero wala pa rin po siyang napili",reklamo ni Jen sa kanya.Pang ilang balik na nito sa opisina niya dahil sa customer nilang hindi matapos tapos sa pagpili.Masyado yatang maarte."Kung hindi lang po gwapo,kanina ko pa yun sinukuan"

"Gwapo?Ibig mong sabihin lalaki ang customer natin sa labas?",takang tanong niya.

"Opo, regalo daw niya sa kanyang friend.I bet hindi lang ordinary friend yun,ang hot po kaya ni Sir...Kung ako po ang babae hindi po ako papayag maging friend lang kami",daldal nito.Napailing na lang siya sa karupukan nito pagdating sa mga gwapo.Iniwan na lang niya ito at pinuntahan ang lalaking tinutukoy nito.Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mamataan niya ang likod nito.Hindi siya nagkakamali.Likod iyon nang kapitbahay niyang pinaglihi sa aphrodisiac dahil sa katakawan sa sex.

"What are you doing here?",pinamaywangan niya ito nang humarap ito sa kanya.

"Oh,you work here?",gulat na tanong nito nang makaharap siya.Tumaas ang isang kilay niya dahil sa reaksyon nitong over acting. Exaggerated ang pagkakagulat nito.Halatadong nagkukunwari.

"Ay hindi...nandito lang ako para tanungin ka kung anong ginagawa mo dito",sakrastikong sabi niya.

"Hey,hey hey.... you don't have to be sacrastic.This is a store so obviously I'm here to buy some clothes",depensa agad nito.

"Ganun?Okay po Ser....May napili na po ba kayo sa mga pinalabas nang assistant ko?Kasi kung wala pa po,malaya po kayong makapaghanap sa ibang store", malumanay ngunit may diin ang bawat bigkas niya nang mga salita.

"Is that the way you treat your customers here?",nakataas ang mga kilay na tanong nito.Aba iniinsulto yata siya nito.

"Are you here to questioned me?Sa tingin mo matutuwa ako sa ginawa mo?Pinapagod mo ang assistant ko."

"That's her work,is she complaining?", nakangising sabat nito.Ang mga ngising lalong nagpapakulo sa dugo niya.

Napabuga na lang siya nang hangin saka mapagkumbabang hinarap ito.Alam niyang pinagloloko lang siya ng lalaki.Pag lalo niya itong patulan hindi ito titigil.

"I think you are just waisting our time Mr Russo", malumanay niyang wika."Thank you for coming".
Saka ito tinalikuran.

"Fine! I'll buy all of those",sukong sabi nito na ikinalingon agad niya.

"Ay,hindi ko tatanggihan yan.Jen!",tawag niya agad sa assistant na nasa likod lang pala niya at nakamasid sa kanilang dalawa ng lalaki.

"Ma'am",

"Ibalot mo lahat ng inilabas mo,bibilhin daw lahat ni Sir",

"Lahat po Ma'am?", alanganing tanong nito

"Lahat",may diin niyang sabi at lihim itong pinandilatan nang mata para sumunod agad.

Hindi na niya binigyan nang pansin ang titig nang lalaki.Alam niya ang larong gusto nito.

"Twenty thousand?",nakangangang wika nang lalaki pagkatapos niyang iabot ang credit card nito at resibo."For this clothes,twenty thousand pesos?!"

Hindi niya pinansin ang reklamo  nito.Sadyang mamahalin ang dresses na iyon dahil sa ganda nang quality at hindi ordinaryong brand lang.

"Salamat po Sir...Sa uulitin",sa halip na sabi niya saka tumalikod na at bumalik sa loob.Pinipigil lang niya ang sariling singhalan ito at itaboy.

"I can't believe this",narinig niya pang wika nito.

---

Napakunot ang kanyang noo nang mapansin ang mga shopping bags na nasa paanan nang kanyang pinto.Kagagaling lang niya sa kanyang boutique at ito kanyang naabutan.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now