CHAPTER 24

11.2K 325 84
                                    

Giu

Gusto niyang madismaya sa kawalan nito ng tiwala sa kanya ngunit hindi niya magawa. Mas natutuwa pa nga yata siyang nagseselos ito.

"You're getting married, but you have all the guts to kissed me", mahinang usal nito. Magkatabi silang nakaupo habang tinatanaw ang mga bituin sa langit. Iniisip pala talaga nitong kay Sheerina siya magpapakasal.

"Can you honestly tell me what you're exactly thinking right now?" Pigil ang tawang utos niya dito. Imbes na masaktan siya sa paiyak iyak nito ay gusto niyang kurutin ang pisngi nito at pugpugin ng halik.

"Ikakasal ka na."

"Yeah?"

"Iiwan mo na kami ng anak natin. Kung liligaya ka, sa piling ng iba mapipigil ko ba?"

Hindi na siya nakapagpigil pa at bumunghalit na siya ng tawa. "It's supposed to be a song. Bakit iniba mo ang dulo?"

Napaangat ang tingin niya ng galit itong tumayo. "You're the most heartless person that I've ever known!"

"What?" Natatawa pa ring sambit niya. "What I have done?"

Namumula na ang ilong nito. Malakas niya itong hinila paupo sa kanyang kandungan. Kahit nagpupumiglas io ay hindi niya pinagbigyan.

"Sa tingin mo, magagawa kong magpakasal sa iba pagkatapos mo akong baliwin ng husto?"

Naramdaman niyang nanigas ito. Hinaplos niya ang buhok nitong parang buhok ng manika. Everytime he sees here, lagi niya naalala ang manikang si hetty. Her hair is exactly looks like the doll.

"Pagkatapos mong pagsamantalahan ang kahinaan ko? Aba, dapat lang na panagutan mo ako."

Napasinghap ito. "Hindi kita pinagsamantalahan! Alin ang kahinaan doon? Yung halos magiba mo ang higaan dahil sa lakas mong magtrabaho?"

God! Kapag talaga ito napipikon hindi niya maiwasang matawa.

"Ang galing mong mang akit e."

Saka lang siya nabahala nang tuluyan na itong humagulhol.

"Hey",ang tangi niyang nasambit. Masisira yata ang plano nila. Bahala na.

Mabilis niyang kinapa ang bulsa ng kanyang slacks. Hindi nito napapansin ang kanyang galaw dahil nakatakip ang mga palad nito sa mukha.

Nang mailabas ang bagay na iyon ay pasimple niya iyong isinilid sa palasingsingang kanang kamay nito. Napatigil ito bigla sa paghikbi at unti-unting inangat ang tingin sa kanya.

Malakas siyang bumuntung-hininga. "It should be in romantic way you know. Pasorpresa sana e, but you spoil it."

_____
Tina

Hindi siya nakaimik. Parang himalang tumigil ang kanyang pagluha nang maramdaman ang bagay na iyon na isinuot ng binata sa kanya.

"It's just you that I want to spend my life with. No other girls fitted in my heart but only you. I don't know how to erase any doubts from your heart but I promise you that it was only you. Just you Bettina. Hindi na ako magtatanong kung gusto mo ba akong maging asawa. Because I don't give you any choices but to marry me, again."

"Romantic pa rin naman", naluluhang wika niya. Kanina lumuluha siya sa tindi ng panibugho ngunit agad iyong napalitan nang luha ng kaligayahan.

"Please stop doubting me. And Sheerina."

"Hindi mo ako masisi, siya lagi ang sumasagot sa tawag ko. Hindi ka nagparamdam ng isang buwan",sumbat niya na ikinatawa lang nito. "At nagawa mo pa akong pagtawanan."

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now