CHAPTER 18

5.4K 168 4
                                    

Parang himalang biglang gumaling ang kanyang ama kinabukasan. Bakit pakiramdam niya nagkunwari lang itong nagkasakit para masunod ang gusto nito?
Nang sabihin nang kanyang biyenan na lumipat na sila sa bahay ng mga ito   ay hindi na siya nagdalawang isip na pumayag. Naso-suffocate siya sa presensya ng kanyang ama at hilaw niyang biyenan. Hindi niya feel ang pagiging asawa sa anak nito dahil una sa lahat labag iyon sa kanyang kalooban. Pero ang malayo sa dalawa ang magpapaginhawa sa kanyang pakiramdam ay titiisin na niya. Dibale na si Giu dahil may trabaho ito at hindi sila araw-araw magkikita.

Umalis siya sa mansyon nilang walang kinausap sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nabawas-bawasan ang sama ng kanyang loob. Mabuti na lang hindi na nakikisabay ang kanyang tiyan. Marahil ay hindi na siya napupwersang gumalaw o magsalita.

"You want to take a rest now?" Malumanay na tanong ni Giuseppe nang nasa loob na sila ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi niya pinagkaabalahang ikutin ang tingin sa paligid dahil ayaw niyang may makitang maganda sa pagkatao nito. Dahil para sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol dito ay pangit.

"I'll just bring your things in our room", pahayag nito mula sa kanyang likuran na ikinatigil niya sa paghakbang.

"Our room?" Nanunuyang tanong niya. Nilingon niya ito at binigyan ng nanunuyang ngiti. "I can't breathe the same air with you Giu. Nagsisisi akong pinatawad kita noon kahit hindi mo deserve. I don't deserve this kind of life. You are manipulating me!"

"I'm not manipulating you Bettina", malumanay pa ring sagot nito. Naiinis siya sa tono ng boses nito. Gusto niyang magalit ito. Gusto niyang sagutin siya nito sa parehong paraan nang pagsasalita niya.  "I am just doing the right thing."

Umiling siya. "You didn't make it right Giu. You've just made it worst. And I hate you all because of that!"

Sapo ang tiyan na naglakad siya papasok. "Can you at least do me a favour?"

"Sure. What is it?"

"Please let me stay in another room. Not beside you. And I don't want to see your face everyday. It makes me sick!"

Napasinghap ito. Akala marahil nito ay makikisama siya nang maayos dahil sumama siya rito.

"Okay",sambit nito pagkatapos nang maikling pananahimik. "I will not show my face everyday. But at least give me a exact time to check you up. It's not just you. It's not just all about the two of us. Just think about our baby inside your womb."

"Our baby? It will never be our's Giu. She's just mine!"

Pagak itong natawa. "You are selfish."

"Yes I am. I am selfish. Who was not by the way? What you did to me was selfishness too."

______

Kasunod na mga araw ay sumunod naman ang lalaki sa gusto niya. Nararamdaman lang niya tuwing gabi ay papasok ito sa silid niya at kakausapin ang batang nasa tiyan niya. Minsan natutukso na siyang imulat ang mga mata at sapakin ito. Kung ano-anong sinusumbong nito sa walang kamuwang muwang na bata sa kanyang sinapupunan. Kesyo pinapahirapan niya raw at hindi pinapansin. Minsan napapairap nalang siya sa inis kapag lalabas na ito sa silid niya at lilipat sa guestroom. Doon ito natutulog at pinaokupa sa kanya ang master's bedroom.

Nagbulag-bulagan siya tuwing nakikita niyang may binibili itong gamit para sa magiging anak nila. Pinilit niyang huwag i appreciate ang mga effort nito. Para sa kanya,obligasyon iyon ng lalaki.

Kapag nakikita niyang wala ang sasakyan nito ay saka siya bababa. Wala ring palya ang pagsulpot ni Sheerina roon na pilit niyang inignora. Kanina nga, magkasabay ang dalawang lumabas at hindi niya alam kung saan pupunta. Nakasilip lang siya sa may bintana.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now