CHAPTER 22(SPG)

6.9K 195 35
                                    

Hindi lang ilang beses siyang pinagtatabuyan ni Giu tuwing may pagkakataon ito. Ngunit katulad ng ipinangako niya sa sarili, mananatili siya sa tabi ng lalaki kahit ipagtabuyan siya nito ng ipagtabuyan. Ayaw niya nang magsisi pa ulit. Tama na ang sakit. Ang mga pasakit na binigay niya rito noon ay doble-dobleng sakit ang balik sa kanya. Kapag wala si Xandra,kinukuha ng ina nito ay sinisinghalan siya ng lalaki.

Ilang araw na siyang nandoon ay ni anino ng ama ay hindi niya pa rin nakikita. Marahil ay malaki pa rin talaga ang tampo sa kanya. Kailangan niyang magtiis. Kailangan niyang makipagsapalaran ulit. Kung mabibigo man siya sa huli ang mahalaga sumubok siya.

Saka lang tumimo sa kanyang isip. It's better to be failed repeatedly than not trying at all. Kasi pagsisihan mo sa huli na hindi ka sumubok. Sometimes we think that we are strong enough but it isn't. Dahil kung matapang tayo bakit tayo natatakot mabigo? A strong person would never be afraid of rejection and failure. At susubukan niyang hindi matakot. Kung masaktan man siya sa huli at least she tried and fight for it.
But she just hope that all the pain they have been through will be worth it. Hindi lang para sa kanya kundi para sa anak nilang si Xandra. Pinakaunang rason kung bakit kailangan niyang magtiis. Kahit na minsan binabagsakan siya ni Giu ng gamit kapag kausapin niya ito ay pikit mata lang siyang bubuntunghininga at iiyak sa isang tabi.

Inisip na lang niya, she deserved those. Dahil kung tutuusin mas nahihirapan ito kesa sa kanya.

"What's that smell?" Kunot noong tanong nito. Gusto niyang matawa sa paglukot ng ilong nito ngunit pinigil niya.

"She made a poop",tukoy niya kay Xandra. Kinuha niya ito sa crib para dalhin sa banyo.

"Can I wash her?" Natigilan siya.

"Paano mo gagawin? Uhm, I'm sorry",mabilis ding bawi niya. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa tabas ng kanyang dila. Napaka insensitive non. Napalunok siya ng hindi na ito umimik.
"Giu, I'm sorry I didn't mean that",aniya.

"It's okay, I know that I'm useless",mapait nitong tugon saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin nito. Kung tutuusin ito rin naman ang nagpapahirap sa sarili nito. Malaki ang tsansa nito na makakita ngunit parang pinaparusahan nito ang sarili at ayaw magpa opera.

"It's not like that Giu...." Malumanay niyang wika.

"Quit it,Bettina",tiim bagang na tugon nito. Wala siyang nagawa kundi tahimik na dinala ang anak sa banyo. Nag iisip siya ng ibang paraan kung paano ito mapapaamo. Kung paano niya maibabalik ang mga pilyong ngiti nito sa kanya.
She missed those playful smirk.

Paglabas niya ng banyo ay naabutan niya ang madrasta na kausap nito si Giuseppe. Nasa tabi nito ang kanyang ama na seryoso ang tingin sa kanya.

"Dad...." Mahinang tawag niya dito. Ngunit umiwas agad ito ng tingin. Lihim siyang napangiwi. Ang laki nga ng tampo sa kanya.

"I'm here for Xandra. Not for you."

Alam niyang hindi totoo sa loob nito ang mga sinabi. Nagtatampo lang ito dahil napalayo ito sa pinakamamahal nitong apo.

"Ahm, hija hihiramin sana namin si Xandra. Kahit ilang gabi lang",anang kanyang madrasta. Natigilan siya. Tapos maiiwan silang dalawa ni Giu? Malaya na ang lalaking sigaw-sigawan siya dahil wala ang anak nila kung sakali. Kaya lang naman ito hindi makakapagtaas ng boses dahil nandoon si Xandra. Pero anong magagawa niya? Kung tatanggi siya sa mga ito ay baka tuluyan na talagang magtampo ang dalawa sa kanya.

"You better go with them. I don't need anyone here",singit ni Giu na ikinatigil ng ina nito at nagtatanong ang tinging bumaling sa kanya. Wala kasi itong alam tungkol sa pakikitungo ng anak nito sa kanya. Nahihiyang yumuko siya.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now