CHAPTER 20

5.5K 171 12
                                    

Nagawi ang tingin niya kay Giu nang tumikhim ito. Alanganin itong ngumiti sa kanya.

"Ahm, can you at least add something on her name? I mean from our name maybe?"

"No", seryosong sagot niya. "Kung gusto mo gumawa na lang kayo ng babae mo ng sa inyo tapos ikaw ang magpangalan",walang prenong wika niya. Wala itong karapatang magdemand kahit asawa na niya ito.

"Nambabae ka Giu?" Nangongomprontang tanong ng ina ng lalaki.

"Mom, of course not!" Tanggi naman ng asawa na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Anong hindi? Hindi nga ba hindi ka umuwi kagabi dahil kasama mo ang babae mo? At ako, mag isa sa bahay tulog ang katulong!"

Napasapo na lang sa ulo ang lalaki. Akmang bubuka ang bibig nito para magpaliwanag ay siya namang pag iyak nang sanggol sa kanyang tabi. Marahan niya itong tinapik-tapik ngunit hindi pa rin tumatahimik.

"I think she's hungry", masuyong wika ng asawa.
Asawa. Kahit ayaw niyang tanggapin,nagsusumigaw pa rin ang katotohanang kasal siya sa lalaki lalaki at mag asawa sila. "You need to feed her."

Napatikhim siya. At sa harap nito magpapadede siya? Aba masaya ito. Nakaramdam marahil ang dalawang kasama nila na aalma na naman siya kaya madaliang nagpaalam si Rafa ng hindi pa niya ito nakakausap. Kasunod naman nito ang ina ni Giu na nagbilin pang kailangan niyang ipahila kay Giu ang kanyang utong para umano maayos ang pagkakadede ng kanilang anak.

"Is it really necessary?" Kagat labi niyang tanong. Ang tinutukoy niya ay ang paghila na sinasabi ng ina ito.

"Yeah... Because it's your first time. Baby girl could not suck the whole thing."

Huminga muna siya ng malalim bago inayos ang pagkakatagilid saka itinaas ang blusa. Kung mag iinarte pa siya magugutom na ang kanyang anak. Ang lalaki na ang nagtanggal ng pagkakahook ng kanyang bra.
Nang hawakan nito ang kanyang utong ay sabay silang napaigtad. Ang hatid na init niyon ay pamilyar.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo at pilit na itinuon ang pansin sa sanggol na umaatungal na kanina pa.

"I think she's really hungry",nasambit niya. Mabilis itong kumuha ng tissue at binasa ng tubig saka ipinunas sa paligid ng kanyang dibdib.

"Now, you can feed her", masuyong sabi nito.

Unang lapat ng bibig ng anak ay mainit lang sa pakiramdam. Naluha siya dahil sa hindi maipaliwanag na ligaya. She's having her baby now. And happiness is overloading deep within her heart.

"What is the complete name of your mom?" Nagawa niyang itanong sa lalaki na hindi tumitingin dito.

"Tanya Amelia",sagot nito.

"Let's name her Xandra Amelie then", mahinang sabi niya.

"A-are you sure?" May galak sa boses nito. Marahan siyang tumango at marahang ipinikit ang mga mata.

"I wasn't home last night because I was trying to finish all my work and transfer it to Sheerina", pagkuway basag nito sa katahimikan. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi naman siya humihingi ng paliwanag dito kung tutuusin. "I didn't sleep the whole night just to finish it until dawn. I want to focus on you that's why. Gusto ko kasi pagkapanganak mo ako lang yung mag aalaga sayo at kay baby. Please stop thinking that I am womanising."

Nakonsensya naman siya sa akusa niya rito. Ngunit hindi kasi mabura sa isip niya ang sinabi ni Sheerina.

"Kahit sino pwede mong pagdudahan but not Sheerina please", pagpapatuloy nito. Doon na napaangat ang tingin niya rito.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now