CHAPTER 16

5.3K 168 5
                                    

Halos mabinat ang kanyang labi sa pagkakangiti ng ipakilala ng ginang ang dalawa.  Hindi pwedeng magkaron ng ideya ang pamilya niya na kilala niya ang mga ito.
Ngayon niya lang nakilala ang babaeng lumapit sa kanya sa store. She's Sheerina. At kababata pala ito ni Giuseppe.  They look like perfect lovers.

Sigurado siyang hindi na siya galit sa lalaki. Pero bakit ganoon? Bumalik ang pait na nararamdaman niya noon? Parang asido iyon na binubuhos sa kanyang puso. Hindi maipaliwanag na kirot.

"Sheerina, bakit ba kasi hindi mo matali-tali itong si Giu? Para magkaron na rin ako ng sariling apo? Naiinggit ako kay Alexander sa totoo lang, days from now makikita makakarga na niya si Baby girl."

"Oh, you're having a baby girl?" Bulalas ni Sheerina. May kislap ang mga nito habang nakatingin sa kanyang tiyan. Iniwasan niyang magkasalubong ang tingin nila ni Giuseppe. Ayaw niyang mabasa ang reaksyon nito. Saka niya napagtanto, hindi pa pala siya handang makaharap ang lalaki.

Akmang tatayo sana siya nang malakas na sumipa ang kanyang baby. Napabalik siya sa pagkakasanday at hindi na niya mapigilan ang mapahagikhik dahil nakikiliti siya sa kalikutan nito.

"OMG! She's moving! Giu look, her baby is moving!" Tuwang tuwang bulalas ni Sheerina.  Ito yata ang unang beses na nakakita ito nang gumagalaw na tiyan ng isang buntis. Ang hagikhik niya ay nauwi sa panunubig. Ganoon ang nangyayari sa kanya kapag malikot ito. Lagi siyang naiihi.

"Oh... Naaalala ko tuloy si Giu ko nong nasa tiyan ko pa lang. Napakalikot. Lalo pa kapag nararamdaman niya ang presensya ng daddy niya. Naku maiihi na lang ako sa kalikutan niya."

Sukat sa sinabi ng ginang ay hindi niya naiwasang bigyan ng sulyap si Giu. Tiim ang bagang nito at hindi hinihiwalayan ng tingin ang kanyang tiyan.

"Ahm, excuse me. I just need to use toilet",mabilis na paalam niya. Dahan-dahan siyang tumayo dahil may kabigatan ang kanyang tiyan. Totoong naiihi siya at magandang dahilan iyon para makaiwas siya sa nagtatanong na mata ng binata. Hindi siya magsasalita. Hindi niya ito kakausapin. Wala siyang dapat ipaliwanag dito.
She and her baby deserve better.

Nang makapuslit ay hindi na siya bumalik kung nasaan ang mga ito. Ayaw niya ng ganong pakiramdam. Ayaw niyang madama ng anak niya ang paghihirap niya. Bakit napaka wrong timing naman ng pagkakataon? Kung kailan manganganak na siya ay saka naman ito sumulpot. Sana saka na lang ito nagpakita kapag okay na talaga siya. Malakas siyang bumuntung-hininga. Nagbakasakaling tawagan si Rafa. Kailangan niya ng makausap. Ito lang ang nakakaalam sa totoong sitwasyon niya.

"Kung nandyan lang sana ako may makakasama ka sana diyan",tila nakokonsensyang sabi nito. Nasa facetime sila at nagawa niyang ikwento dito ang pagsulpot doon ni Giu.

"It's okay Rafa. Talking to you right now is more than enough. Kahit papaano gumagaan ang loob ko. I don't need stress now, you know. Kailangan kung magpakalakas para sa paglabas ni baby."

"Yeah right. I am excited for her coming!" May galak sa boses nito. "I'll be the badass ninang."

Napangiti  siya. Kahit siguro wala si Giu hindi makaramdam ng kakulangan ang anak niya dahil maraming nagmamahal dito.

"Absolutely."

______
Giuseppe

"Mom, can I ahm", tumikhim siya. "Can I talk to you?" Tila nahulaan naman nitong gusto niya itong makasarilinan. Pinauna na niya si Sheerina na umuwi. He need to clear up things. Kung sana hindi siya nagdalawang isip noon na tingnan ang naging appointment ng dalaga sa St. Benedict,ay hindi siya naguguluhan ngayon. He was tempted to check it but he choosed to shrugged it off. Pinaniwala niya ang sariling wala na siyang pakialam dito.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant