Chapter 7

5.2K 173 8
                                    

Papalabas na ng Hospital si Giuseppe para sa lunch break nang may tumigil na BMW sa harap nang hospital at hindi na naayos ang pagkakapark nang sasakyan.Napakunot ang noo niya nang bumaba ang driver.Familiar sa kanya ang babae.She had seen her before but he couldn't remember.

"Oh God!", tarantang sambit nito saka binuksan ang backseat."Please help us!"

Umiiyak na ito at natataranta.Agad namang may lumapit na staff galing sa ER.Mula sa backseat ay inilabas nila ang tao mula sa loob.

"Oh my God Tina, please hold on",naiiyak na sabi ng babae.

Bigla siyang natigilan.Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito at napagtantong si Bettina nga ang tinutukoy nito.Lupaypay ang dalaga at nagiging iba ang kulay ng balat nito.

"H-hindi ko na k-kaya....",nanghihinang sabi nito saka ito unti-unting nawalan nang malay.Walang pagdadalawang isip na binuhat niya ito at itinakbo sa emergency room.Hindi na siya pinansin pa ang reaksyon nang mga staff dahil kinain na siya nang matinding pag aalala.
Pagdating sa ER siya na mismo ang naglagay ng oxygen dito habang tinutusukan ito nang nurse para sa dextrose.

-----
Bettina

Puting kisame ang agad na namulatan niya nang buksan niya ang kanyang mga mata.Agad na napabaling ang kanyang tingin sa kaliwang kamay dahil sa pakiramdam na may nakadikit doon.Saka niya napagtantong nasa hospital pala siya.

"You're awake",bigla siyang napabaling sa kanan nang marinig niya ang nagsalita.Anong ginagawa nito dito?Nasaan si Rafa.
Lihim niya itong napuri sa kanyang isip dahil mas lalo itong gumwapo sa suot na puting scrub.

"Your friend went out to buy some food and your stuff as well", paliwanag nitong mukhang nahulaan agad nito ang nasa isip niya."How do you feel?"

Parang bigla'y hindi siya naging komportable sa boses nito.Tama ba ang naririnig niya?Nag aalala ito sa kalagayan niya?

"I'm fine",mahinang sagot niya.Medyo masakit pa ang tiyan niya ngunit hindi na katulad kanina na halos mamatay siya sa sakit.Baka tinurukan agad siya ng pain reliever pagdating niya doon.Saglit siyang napapikit at napaisip sa sitwasyong kinasusuungan.Sa lahat nang pwdeng makakita sa kanya sa ganoong siywasyon bakit ang lalaki pa.

"Rafa said it usually happen on you every month,but this is the worst",

Marahan siyang tumango." This is the first time I fainted"

"And you never consulted a doctor?", naninitang tanong nito.

"Who told you I haven't?In fact this is the third time I get admitted in just the same reason,the same hospital too,i guess",sagot agad niya."Kung ikaw ang doctor na nakatoka sa akin dapat nakita mo ang previous record ko sa hospital na to".

Saka inikot ang tingin sa paligid.Hindi nga siya nagakakamali.Nasa St.Benedict hospital siya.At sigurado,pareho lang din nung una papauwiin siya at pagsasabihan na naman siya ng Ob-gyne na "get rid of it".
Hindi pa man,alam na niyang magsasayang na naman siya nang dugo at ihi para ipasa sa laboratory dahil puru negative na naman ang resulta.

Hahayaan na lang niya.Hiling lang niya na kung sakaling ipapa-ultrasound siya sana hindi si Doctora Cynthia ang susuri sa kanya dahil sigurado siyang sesermunan lang siya nito.

"Siguro dahil napadami ang inom ko kagabi", huli na para bawiin niya ang sinabi.Dapat hindi niya iyon sinabi sa lalaki lalo pa at ito ang dahilan nang paglalasing niya kagabi.Ginulo nito ang sistema niya dahil lang sa mapangahas nitong halik.

"You get yourself drunk?"
Tumaas ang sulok ng bibig nito na para bang nanunuya.

"It's none of your business",mabilis niyang tugon.Saka mabilis itong tinalikuran.Napalatak na lang ito sa inasal niya.Bakit ito nakikialam sa personal issues niya?Anong kinalaman nang pag iinom niya sa pagiging doctor nito?Kung umakto ito'y parang walang ginawang masama sa kanya kagabi.Masama nga ba iyon para sa kanya?
Agad niyang sinaway ang sarili dahil iba na naman ang tinatakbo nang kanyang isip.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now