Chapter 2

7.2K 192 13
                                    

Dahan dahan naman sa mga ngiti mo sa akin Doc.Buti na lang bago ang suot kong panty,di nalaglag😂


Habang hinihintay na bumukas ang elevator sa 5th floor bahagya niyang sinuklay ng kamay ang kulot niyang buhok.Bagong paligo siya at Hindi na nag abalang magsuklay dahil para ano pa.Pinaglihi yata siya kay Hetty nung pinagbubuntis pa siya ng mommy niya.Naalala naman niya ang naiwang ama,kahit umalis siya sa bahay nila alam niyang lihim pa rin siya nitong pinababantayan.Lalo na ang Kuya niya.Ni isa sa mga tawag ng mga ito ay di niya pinansin.
Natigil ang daloy ng kanyang isip dahil sa pagtunog ng elevator.Pagbukas ay agad siyang humakbang papasok,para lang mapaatras.

'Ang lalaking matakaw sa kabibe!'

At may kahalikan na naman ito.Ilang araw na ba niya itong nasasalubong sa ganitong tagpo?At take note,ibang mukha na naman ang kasama nito.Parang nagpapalit lang ng damit ang lalaki kung magpalit ito ng babae.
Nitong nakaraang araw sikat na modelo ang kasama nito.Tapos ngayon iba na naman!

Notorious f*ckboy!kakadiri!

Mas lalong nanlaki ang kanyang mga bata ng nagkiskisan ang harapan ng mga ito.Saka niya napansin ang kamay ng lalaki na nasa dibdib ng babae.At ang kamay ng babae humahaplos sa harapan ng lalaki.

Mga walang kahihiyan!

Magkaka-highblood talaga siya pag ganitong tagpo lagi ang makikita niya tuwing umaga.Ke' aga-aga!Kay sarap paliguan ang mga ito ng fire extinguisher na nasa gilid lang ng elevator.Talagang walang balak tumigil ang mga hay*p!
Tumikhim siya ng pagkalakas-lakas.Muntik pa siyang masamid.

"Baka naman pwede na ninyong ituloy yan sa kwarto ninyo", hindi niya mapigilang sabi.Namimisaha na ang lalaking ito.Nung nakaraan may kahalikan din ito sa kotse!Walang pinipiling lugar.Hindi ba ito nahihiya, routine na nito ang magdala ng babae tuwing umaga sa unit nito.Wala ba itong trabaho?O baka naman macho dancer at nag uwi ng customer sa bahay?Pero wala sa itsura nito ang pagiging macho dancer o call boy.May model nga itong nadala doon diba?Walang model na papatol sa macho dancer.
"Because if you don't mind, i want to go down.I want to use the elevator", she grimly said.

Parang walang ginawang lumabas ang mga ito ng elevator.Ang babae kagat pa ang labi nito at malanding nakatingin sa kasama.Nang tingnan niya ang lalaki nakangising nakatingin ito sa kanya.

F*ckboy!!! gusto niya sanang isigaw sa pagmumukha nito.Ngunit nagpigil siya.Inis siyang humakbang papasok ang galit na diniinan ang ground floor button.Sa papasarang elevator nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki ng nakaloloko.

"Pig!", hindi niya mapigilang singhal.Hindi siya sigurado kung narinig ba nito ang sinabi niya.Parang natutuwa pa ito na may audience ito habang gumagawa ng milagro.

Kahit nang makarating na siya sa kanyang boutique ay hindi pa rin maalis alis ang kanyang inis.Nauna na ang kanyang assistant na si Jen.

"Good morning Ma'am", nakangiting bati nito sa kanya.Nawala ang ngiti nito ng mapansing hindi maganda ang kanyang umaga.Parang nag aatubili itong harapin siya.

"Anong meron Jen?",nakasimangot na tanong niya.

"Ahm, Ma'am si Ma'am Rafa po nasa loob ng office niyo",ang tinutukoy nito ay ang kanyang mini office sa kanyang boutique.Ang boutique na iyon ay para lang sa mga damit pambabae at naipundar niya dahil nanghiram siya ng kapital sa kanyang kapatid.Ayaw kasi siyang payagan ng ama dahil may sarili naman daw silang negosyo para magtayo pa siya ng sarili.Kung tutuusin,tama ito.Ngunit gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.Bente uno anyos lang siya ng simulan niya ang munting negosyo.At limang taon na rin iyon. Kahit buwan buwan siyang nagbabayad ng renta sa kanyang pwesto,hindi na naging mahirap sa kanya.Lumago iyon dahil sa tulong ng kanyang kaibigang si Rafaela o Rafa.Isa itong clothes designer.Karamihan sa laman ng kanyang boutique ay purung gawa nito.
Hindi siya kasing tanyag nito.Wala siyang hangad kundi ang simpleng buhay.Ika nga,less money less complication.Para sa kanya pag marami kang pera,mas marami ka ring problemang iisipin.Kaya kontento na siya sa kung anong meron siya.May nabili na siyang condo at may sariling sasakyan.Ngunit pinipili pa rin niya ang maglakad galing sa tinitirhan papunta sa kanyang boutique.Ilang minuto lang ang lalakarin hanggang sa mall na kinaroroonan ng kanyang boutique.

"Hey bestie,ke aga aga nakasimangot ah", natatawang sabi agad nito ng mapasukan ito sa loob.
Hindi niya maiwasang magkwento na naman dito.Halos alam na nito ang sirkulo ng buhay niya.Habang nagkukwento siya tawa naman ito ng tawa.

"I can't imagine your face while looking at them",saka ito tumawa ng pagkalakas lakas.Wala ito sa poise pag siya ang kaharap.Parang hindi ito sikat na designer.

"Tawang-tawa Rafa?",naaasar na singhal niya dito.

"Paano ba naman kasi my friend",nakahawak sa tiyan nito habang pinipigilan ang tawa habang nagsasalita."Everytime we talk, 'mr patay gutom sa kabibe' is always part of our topic".
Saka ito tumawa nang pagkalakas lakas.

"Sige tumawa ka lang,at baka mainis ako sayo papakain ko sayo ng buo itong papel sa mesa ko",inis na banta niya rito.Lalo lang itong tumawa ng tumawa."Tuwang tuwa ka yata sa disaster na nangyayari sa buhay ko."

"You called it a disaster?Buti ka pa nga bestie araw-araw kang nakakapanood ng live porn.Samantalang ako hanggang video lang".

"Kadiri ka Rafa,ang tanda mo na para manood ng pornography!",pinadilatan niya ito ng mata.

"Tanga neto' eh bawal nga sa mga minors yun!",rason nito.

"Alam mo,hindi talaga magandang impluwensiya yang pagboboyfriend mo, you're disgusting!"

''Naku naman ale,pag natikman mo na ang luto ng langit baka masabi mong---"

"Mas maigi sigurong mapag isa ako ano?",putol niya sa sasabihin nito.Inaasar talaga siya nito.
Nakataas ang dalawang kamay nito habang tumatawa.Kunwari'y sumusuko na.

"Sige na nga,aalis na ako", sabi nito ngunit nandun pa rin ang panunukso."Pero samahan mo ako mamaya sa The hidden.Tagal na nating hindi nakabalik don".

"Shoot",sang ayon niya.
Pagkuway tumayo na ito at akmang bubuksan ang pinto ngunit binalingan ulit siya.May pahabol pa yata itong pang aasar sa kanya.

"Baka lang kasi don mo ma meet ang tagadilig mo",sabay bukas sa pinto at lumabas.

"Tsee,babaeng patay gutom sa hotdog!"

Natatawa lang itong umalis ng boutique niya.Talagang pag naumpisahan nitong asarin siya ay lagi siyang dehado.Napapailing na lang siya habang inaayos ang mesa.

Parang kapatid na niya ito.Gusto niya sana itong maging hipag.Sayang nga lang at nagbreak ito at ang kanyang Kuya Xander.Ang kapatid niyang dakila ding palikero at hindi marunong makontento sa isa.
Naalala na naman niya ang disaster na nangyayari sa kanya.

Pero mas patay gutom ang kapitbahay ko!

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now