CHAPTER 21

5.4K 196 47
                                    

One year later.....

TISSUE PLEASE!!!

Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon bigla. Walang emosyong anyo ni Rafa ang bumungad sa kanya. Dahan-dahan niyang inilapag si Xandra sa crib at kunot-noong hinarap ito.

"What's wrong?" Mahinang tanong niya.

"You have a visitor", maikling sagot nito. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa mukha ng kaibigan. Naghatid iyon ng kakaibang kaba sa kanya. Sa loob ng isang taon na magkasama sila sa condo unit nito sa Spain ay yun ang unang beses niyang nakitaan ito ng ganoong emosyon.
"She's in the living room."

She?
Babae ang bisita niya. Hindi naman siguro ang madrasta niya dahil masama ang loob nito sa kanya dahil sa paghiwalay nila ng anak nito.

"Labasin mo na. Mukhang importante."

Lumabas na lang siya at ito ay nagpaiwan sa loob.

Natigilan siya nang mapagsino ang bisita. Ito ang pinakahuling taong inaasahan niyang bibisita sa kanya. Mabilis naman itong napatayo nang makita siya.

"Hi",kiming bati nito. Nakangiti ito ngunit hindi abot sa mga mata.

"Why are you here, Sheerina?" Walang preno niyang tanong. Kung nandito ito para galitin na naman siya ay hindi niya ito uurungan. Lumayo na nga sila, nakasunod pa rin pala ang anino nito.

Hindi niya inaasahan ang paghikbi nito. Anong drama nito? Pupunta doon at iiyakan siya? Kung akala nito naantig ang puso niya sa paiyak-iyak nito ay nagkakamali ito. Hinding-hindi pa rin nabubura sa isip niya ang halikan nito at ni Giu. Ngayon, anong iniiyak-iyak ng babae? Diba dapat masaya ito?

"Ang lupit mo Bettina! Napakalupit mo!"

Napasinghap siya. Anong gusto nitong palabasin?

"Isang beses lang nagkamali si Giu pero habang buhay mo siyang pinaparusahan! Ang lupit mo!"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Matigas niyang wika. "Kung nandito ka lang para sumbatan ako,makakaalis ka na? Di ba dapat masaya ka? Dahil sayong-sayo na siya!"

Ang galing naman. Pumunta lang ito ng Spain para dramahan siya? E di wow!

"Nandito ako hindi lang bilang kaibigan niya Bettina. Nandito ako para sana matauhan ka na kailangan ng ama ng anak niyo. Please nakikiusap ako, kahit para man lang kay Xandra. Just go home and see him."

Napakurap-kurap siya. Hindi ito nagdadrama lang. May malalim na dahilan ang ipinaroon nito. Biglang sumibol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

"He got an accident month ago",naupo ito at tiningala siya. Wala sa loob na napahakbang siya papunta sa kaharap nitong sofa at naupo para matamang makinig sa sasabihin nito.
"He get himself drunk the day you left. Hindi na siya yung Giu na kilala ko. He's lost and broke. I tried to comfort him but it's just you're name he kept on uttering. I let him, we let him. But one night as he drove home he got an accident. Actually ngayon lang siya nakakatayo ulit. Ninang choosed to keep it from you because she believed that you don't deserve his love."

Napasinghap siya.

"Yes Tina. He does love you. Giuseppe is kind of guy that's not good in words. But he will just show you that he cared. Alam mo minsan, gusto ko nang mapikon dahil tuwing magkasama kami, kapag binibigkas niya ang pangalan mo ay puno iyon ng pagmamahal. Even his eyes twinkled like a love sick person. But he is actually."

"I saw you two kissed",nanulas sa kanyang bibig. Namasa na rin ang kanyang mga mata.

Napatawa ito ng pagak. "Yeah he kissed me. He kissed me because he want to show you that he will do whatever you ask him to do. He knew that you can see us from the window that's why he did that. But regrets it after."

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now