Chapter 8

5.4K 157 8
                                    

"Sigurado ka bang magiging okay ka lang dito?" Ulit na sabi ni Rafa. Pang ilang beses na itong nagtanong sa kanya. "Gusto mo samahan na lang muna kita dito?"

"Rafa, I'll be fine. Just like before, remember? It's not really serious. Wala pa naman akong naririnig na namatay dahil birhen."

Bumuntung hininga lang ito. Alam na nito ang sitwasyon niya. Hindi nila parehong sineseryoso ang bagay na iyon dahil alam nilang pareho na darating din sa puntong mawawala iyon. At darating ang puntong iyon kung handa na siyang isuko ang kanyang pagiging inosente. Gusto niya minsan matawa sa kanyang sitwasyon. Sa dinami-dami ng babae bakit siya pa? Kung tutuusin hindi pa naman siya umaabot ng trenta? At ang masaklap pa, hindi pa niya natatagpuan ang lalaking pagkalooban ng bagay na iyon.

"Don't you think this is the right time besh? I mean, you're twenty five. Yung iba nga naiwawala nila ang virginity nila at teenage. I think it's not really a big deal kung isuko mo yan sa lalaking hindi mo mahal. Ang importante magiging okay ka lang."

"Rafa, ngayon lang to. When my period will be over wala na rin ang sakit. I appreciate your concern but I'm not ready okay? I am really not", paliwanag niya.
Wala naman itong nagawa at hindi na ipinagpilitan ang gusto. Laglag ang balikat nitong umalis. Kahit nagpumilit itong manatili doon ay hindi niya pinayagan. Gusto niyang mapag isa at mag isip. Ang nangyari kanina sa hospital ay paulit-ulit na umuukit sa kanyang isip.

Giuseppe's face. His scent. His concern voice. Mabilis niyang ipinilig ang ulo.  She shouldn't think about him. He is nothing but a worthless manwhore. A slut!

______
Ilang araw na siyang nagkukulong sa kanyang pad. Tinawagan din niya  si Jen na wag munang magbukas kahit isang linggo lang. Gusto niyang ipahinga ang isip. Ang sitwasyon niya. Kapag ganitong inaatake siya ng ganong karamdaman ay palagi siyang stress. Lalo pa at hindi normal ang paglabas ng kanyang regla. Normal daw iyon sa sakit niya ayon sa doctor. May araw na nawawala ang kanyang regla saka babalik na naman sa ibang araw.  Sabi pa, naaapektuhan daw ng kanyang sakit niya ang kanyang pag uugali. Na napatunayan na niya dahil sa pagiging mainitin ng kanyang ulo. Maikli ang kanyang pasensya at madalas pa siyang sumpungin. Daig pa niya ang nagmemenaupause. Ang bata-bata pa niya para maramdaman ang senyales ng tumatandang dalaga.  Sa mga naririnig niya ay madalas daw ganon ang ugali ng tumatandang dalaga. But she's just twenty five for goodness sake!

Nasa ganoon siyang pag iisip ng tumunog ang kanyang doorbell. Kumunot ang kanyang noo. Kakaalis lang ni Rafa kanina para dalawin siya imposibleng babalik agad ito.  Wala naman siyang naaalalang bisita sa araw na iyon dahil bukod kay Rafa ay wala na siyang ibang pinapatuloy  sa kanyang unit. Well, maliban sa impakto niyang kapitbahay.

Naalala niya ang pagtulong nito sa kanya. Dapat magpasalamat siya rito.
Mabilis din siyang umiling. Hindi niya hiniling dito na tulungan siya, ito ang nagpumilit. Kaya wala siyang ipagpasalamat dito.

Makulit ang tao sa labas. Wala itong balak tumigil sa kakapindot ng doorbell. Dahil naririndi na rin siya sa ingay niyon ay walang siyang nagawa kundi tumayo at tingnan ang tao sa labas. Hindi niya kasi pwedeng i-disable iyon dahil si Rafa ay lagi siyang binibisita.

Awtomatikong nagsalubong ang kanyang kilay nang  mapagsino ang tao sa labas. May bitbit itong bouquet ng tulips at ilang paper bags. Walang pag alinlangang sinarhan niya ulit ang pinto.

What's that moron want from me? Bakit hindi niya ako tantanan?

"C'mon Bettina. Open the door! Please!" Kasabay ng sunod-sunod na katok nito. Kung hindi pa ito titigil ay makakatawag na sila ng pansin sa katabing unit. Kailangan niya ring prangkahin ang lalaki na tantanan na siya nito. Hindi niya ito kailangan at ang awa nito.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora