CHAPTER 9

5.3K 150 9
                                    

Giuseppe

He never felt insulted in his entire life. Ngayon lang. Sa babae pang halos isumpa niya ang pamilya nito. Naihagis niya ang basong may lamang alak. Hindi niya matanggap na iisang kagaya lang nito ang magpaparamdam sa kanya ng insecurity. He never felt such thing, pero sa sinabi ng dalaga parang siya na ang pinaka nakakadiring nilalang sa balat ng lupa. How dare her? Hindi ba nito alam na halos lahat ng babaeng nakakasalubong niya ay halos magmakaawang ikama niya? Because he's Giuseppe Russo. He had everything. Pati social media ay kontrolado niya sa saklaw ng kanyang pagkatao. He has a title to take care of.

Mas lalong siyang nanggigigil na mapalapit dito. Gusto niyang ipakain dito ang lahat ng binitawan nitong salita. And the taught that she's a virgin made him desperate to have her. He promised to himself, that she will fall on his knees. And he can't wait for that day.
Hindi siya susuko sa pagpapaamo dito. Lalo pa at alam niya ang weakness nito. Food.

He lied when he said he saw her once. Dahil ang totoo lahat nang restaurant na napasukan nito ay alam niya. He always has an eyes for her. Hindi niya maiwasang mapailing tuwing naaalala kung gaano ito kalakas kumain. Mas malakas pa yata itong kumain kesa sa kanya.

"Ni hindi naman tumataba."

______
Tina

Gusto niyang mairita ng malabasan na naman niya ang mga bulaklak na iyon. Hindi ba nagsasawa ang lalaki sa ginagawa nito? Daig pa nito ang isang manliligaw kung makapagpadala ng mga bulaklak.

Todo effort para makatikim ng sex!

Ilang araw na niyang iniiwasan ang lalaki. Nakikita pa lang niya ito sa malayo ay umiiwas na siya. Dibale ng pagsabihan siyang duwag, wala siyang pakialam. Kung makikipagkaibigan man siya sa isang lalaki ay hindi sa katulad nito. Matakaw sa sex at walang pinipili. Seriously,hindi paba ito nagkakatulo sa iba't ibang babaeng natikman nito? Ipinilig niya ang ulo, hindi dapat niya pakaisipin ang lalaki. Bad vibes ito.

Ngunit sa kakaiwas niya, sa pagkakataong iyon ay hindi umayon ang panahon sa kanya. Pagpasok niya sa elevator ay siya ring pagpasok nito.

"You're really ignoring me", umpisa agad nito. Kung ang kamalasan nga naman kapag sunod-sunod. Bakit sa pagkakataong iyon pa na walang ibang lulan ang elevator kundi sila lang dalawa?
Malakas siyang bumuntung-hininga.
"Yes I am", prangkang wika niya. "And don't ask me why."

Nang huminto ang elevator sa ground floor ay mabilis na siyang lumabas. Mabilis naman ang hakbang nitong sundan siya. Sa pagkakataong iyon ay nahiling niya na sana may babaeng susulpot doon at lalandiin ito. Naiirita siya sa presensya nito.

Dahil lalakarin lang naman niya papunta sa kanyang boutique ay nagkaron ng pagkakataon ang lalaking sabayan siya.

"So this is your everyday routine?"

Malakas siyang bumuntung-hininga bago ito nilingon. "Ano pa ba ang kailangan mo? I'm okay now. I'm not sick anymore. Ano ba talaga ang gusto mo?"

"I just want to be your friend", mapagkumbabang sagot nito. Nauubusan siya ng pasensya dito sa totoo lang. Ano ba ang hindi nito naiintindihan? Ayaw niya itong maging kaibigan.

Marami siyang gustong ibatong salita dito ngunit pinili na lamang niyang itikom ang bibig at nagpatuloy sa paglalakad.

"Have some breakfast with me", sabi ulit nito. He is bribing her with food. Sorry na lang hindi siya marupok ngayon. Dahil hindi siya gutom.
Inignora niya ito at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

"Actually I've ordered a cheesy lasagna from Italiana's. We can eat it in your store."

Napatiim bagang siya. Pati pagkaing paborito niya ay alam nito. Kaya lang minsan sakit niya ang hindi makatanggi sa libre. Obvious na tinutukso siya nito. Hirap man siyang aminin sa sarili pero kinain din niya ang pinapadala nito laging pagkain. Ang rason niya, maraming nagugutom.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now