CHAPTER 10

4.9K 154 3
                                    

Pilit niyang kinalma ang sarili sa pamamagitan ng alak. Pumili siya ng mas matapang para tumalab agad sa kanyang katinuan ang epekto niyon.  Habang nakaupo sa counter  na may hawak na baso na may lamang Jack Daniel  ay inikot niya rin ang tingin sa paligid para maghanap nang prospect. Sa dami ng nagpapansin sa kanya kanina pa ay wala ni isa ang kanyang bet.  Siguro kailangan niya pa ng ilang boteng alak para magkaron ng lakas ng loob.
Nasa ganoon siyang pagmamasid ng may naupo sa kanyang tabi.
Napabaling ang tingin niya dito. Hindi pa siya gaanong lasing kaya klaro pa sa kanyang paningin ang mukha ng bagong dating. Naka side view pa lang ito pero ang gwapo na. He has a perfect jaw to die for. Nang masabi nito ang order sa bartender ay lumingon ito sa kanya at nahuli siyang nakatitig dito.

"Hi..." Lakas loob niyang bati. Parang naramdaman niyang namungay ang kanyang mga mata sa pagtitig dito.

"Hey to you. Are you alone?"
Tumango siya. Hindi niya na itinago ang mapang akit na ngiti. Hindi siya sanay sa ganoong bagay ngunit sanhi marahil ng epekto ng alak ay nagiging natural ang kanyang galaw.

"Until now." Hindi niya maiwasang mapalunok. The guy is a perfect catch. Kung ito ang makakuha ng kanyang virginity ay hindi na siya lugi. Bukod sa gwapo ito ay mabango pa.

"Uhh.. looking for hook ups?" Nakangising tanong nito. Saglit siyang natigilan. Ano nga ba ang pagkakaiba? She's there to f*ck. To get rid of her virginity. Anong pagkakaiba niya sa hooks up kung sakali. Dahil malakas na ang tama ng alak sa kanya, nawala ang kahihiyang nararamdaman niya. Hindi na siya nahiyang ilapit ang sarili dito at idikit ang bibig sa tenga nito.

"I'm looking for someone to deverginize me", mahina niyang sabi nang maidikit ang bibig sa tenga nito. Hindi naman kalakasan ang music sa loob kaya sigurado siyang narinig siya nito lalo na sa reaksyon nitong tila nagulat.

"You must be kidding me",awang ang mga labing wika nito. Hindi ito makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig niya. "Tell me, are you broken hearted? Did you caught your boyfriend cheated on you? Tell me."

Nailayo niya ang mukha dito. Inis niya itong inirapan. "Sabihin mo lang kung napapangitan ka sa akin at maghahanap ako ng iba."

Akala ba nito nagbibiro siya? At haler! Hindi porket nagbar at naglasing e brokenhearted na.

Brokenhearted my ass!

"You are really serious!" Namamalikmatang bulalas nito. "You're one of a kind. How old are you? I can't believe this."

"Twenty five", maikling sagot niya. Tinungga ulit ang baso at humarap sa counter. Gusto niyang mainis sa lalaki dahil parang pinagtatawanan siya nito.

"And still a virgin?"

"I am just desperate",tugon niya. "Para kasing sumpa sa akin na birhen ako. Hindi ko naman sukat akalain na magiging sakit ko pa pala." Sabay tungga ulit ng baso.

Pinigil ng lalaki ang kanyang kamay. "You better stop. Lasing kana. Alam mo kung anong kailangan mo?"

"Ano?"

"Come with me",mabilis na sagot nito. Hindi na siya nito hinayaang sumagot pa at basta na lang siya pinababa sa stool at hila-hila nito ang kanyang kamay palabas ng bar. Saka niya naalalang hindi niya pala kilala ang lalaki. Nasa labas na sila saka niya nagawang magsalita.

"Hey, where you'll gonna take me?"

"Tsk lady, I'm not gonna take you."

"That's not what I mean!" Malakas ang boses na singhal niya dito. Iba pala ang pagkaintindi nito sa kanyang sinabi. "I don't even know you!"

Tumigil naman sito sa paglalakad.
"I'm Benedict. Nice to meet you...?"

"Bettina", maikling sagot niya. Gusto niyang matawa sa pangalan nilang dalawa dahil magkakatunog ang umpisa. Alam niyang estranghero ito para siya sumama. Pero ano nga ba ang sadya niya sa bar na iyon,diba ang makahanap nang pagkakalooban ng virginity niya. At naisip niya, nasa tamang tao siya.
Hindi naman mukhang masamang tao ang lalaki. Siguro hindi naman siya makikitang palutang-lutang sa ilog pasig bukas. Wala sa anyo nito ang mamamatay tao.

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Where stories live. Discover now