2

8.7K 161 4
                                    

Sydney's POV

Kakatapos ko lang ayusin 'yong mga gamit ko at naghahanda na akong umuwi. Tapos na rin kasi yung shift ko kaya pwede na akong umalis.

"Sydney, uuwi kana ba?" tanong ni Hailey, kasama ko dito.

I nodded while packing my things. "Oo eh."

Lumapit naman si Victor sa amin. "Nako! Mamaya ka nang umuwi. Kumain muna tayo ng hapunan sa labas." sabi naman niya. Sila nga pala 'yong mga naging kaibigan ko rito simula nang nakapasok ako sa hospital na ito. I'm so lucky to meet the both of them. Sobrang bait kasi nilang dalawa sa akin.

I massaged my temples. Pagod na rin kasi ako e, parang gusto ko na munang magpahinga. "I think... I can't come with you, Victor. Kayo na lang muna ni Hailey ang kumain sa labas. Uuwi na kasi ako eh."

He stomped his feet. "My gosh, Sydney! Ano ka ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na Vicky na ang itawag mo sa akin, at huwag na ang Victor!" at umarte pa itong nasusuka. Agad naman akong napatawa sa inasta ng kaibigan ko. Well, Victor is gay and accept naman namin 'yon. In fact, he's a kind of friend na matatakbuhan mo.

Magandang lalaki naman si Victor kaya naman marami pa itong nakarelasyon kaysa sa amin ni Hailey. Marami nga ring nagkakagustong mga babae sa kanya eh, pero basted lang sila ni Victor kasi pareho lang sila ng hinahanap.

I grinned. "Okay...Victor." and I laughed. Kaya mas nagalit ito sa akin ngayon. I love calling him Victor eh, and I am doing it on purpose to annoy him more.

He rolled his eyes and crossed his arms. "Argh! Tayo na nga lang ang kakain sa labas, Hailey! Tara na, iwan na natin si Sydney Thenesis dito!" at diniinan pa niya ang pagtawag sa akin ng Thenesis.

Alam niya rin kasi na naiinis ako kapag tinatawag ako sa second name ko. Ganito kami lagi magbangayang dalawa palagi.

"Nye! Nye! Victor!"

Hailey shake her head. "Kayo talagang dalawa." she also grabbed her things. "Are you sure na hindi ka sasama sa amin Sydney?"

I nodded, "Yeah."

"Alright, aalis nalang kami ni Vicky."

"Sige, mag-ingat kayo ni Victor!"

Victor's eyebrows met, "Bye, Thenesis!" and he waved goodbye.

I just laughed. We're not teenagers anymore but we still act like one.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. And it's already 7pm.

I need to go para maabutan ko pa 'yong kapatid ko na gising.

Nagsimula na akong maglakad at napadaan pa ako sa Emergency room.

Nakita kong nagkakagulo doon at may nag-iiyakan.

Parang pamilyar lang ang mga tao na nandoon sa akin. Kaya naman parang may tumulak sa'kin na pumunta malapit doon.

Lumapit ako sa ER at nakita ko ang isang babaeng umiiyak habang yakap ang isang lalaki.

T-teka lang.

Si Tita Beatrice to at Tito Green ah! A-anong ginagawa nila dito? Sino ang nasa loob ng ER?

Bigla naman akong kinabahan at agad na lumapit sa kanilang dalawa.

"T-tita? T-tito?" agad silang lumingon sa akin. Nakita kong namumula ang mga mata ni Tita Beatrice sa kakaiyak.

Nagulat din sila ng makita ako dito. "Sydney? Hija!" at agad itong lumapit sa akin at agad akong niyakap.

I am nervous, why are they here? "Tita? Ano po ang nangyari? Bakit po kayo nandito?" I asked her at hinagod ko ang likuran nito.

It's been two years since we last saw each other at ngayon lang ulit kami nagkita.

"Hija...." at patuloy lang ito sa pag-iyak.

"Tita? Ano po ang nangyari?" Kumawala na ito sa pagyakap sa akin.

She looked at me. "It's B-bright..." at biglang kumabog 'yong puso ko ng marinig ulit 'yong pangalan niya.

"Ano po ang nangyari kay Bright?"

She tried to compose herself once again. "Naaksidente si B-bright Hija. Nasa l-loob siya ng Emergency room ngayon." I froze.

Ano?! Si Bright?

He's the one who's inside the ER!?

I started to panic as well. "Bakit Tita? A-ano po ang n-nangyari sa kanya?" at nauutal na ako sa kaba.

We didn't see each other for years, tapos ito ang maririnig ko. "Hindi rin namin alam, Sydney. Tinawagan nalang kami ng hospital na naaksidente raw ang anak namin sa sasakyan niya. Mabuti na lang at may nakakita sa kanya at agad itong  nadala sa hospital." sagot ni Tito.

"Ano?! P-paano nangyari 'yon Tito at sino ang nagdala sa kanya dito?"

"Umalis na, Sydney. Pero hindi namin kakilala...pero mabuti nalang at may mabuting taong katulad niya na nagdala ng anak namin sa hospital." sagot ni Tita.

"Pero bakit siya naaksidente, Tita? Lasing ba si Bright habang nagmamaneho?" tanong ko.

"Hindi pa rin namin alam Sydney pero papa-imbestigahan namin ito sa mga police." seryosong saad ni Tito Green.

I nodded trying to calm down."Sige po, Tito. Pero na saan na nga pala ang a-asawa ni Bright diba dapat nandito siya?" parang bigla namang kumirot ang dibdib ko sa pagkasabi ng asawa ni Bright.

Bright is already married and I'm still in love with the person who's already taken.

Tita's attitude changed. "Si Eunice ba kamo?! She's nowhere to be seen! Her husband got into an accident but we cannot still contact her! What kind of wife is he!?" puno ng galit na sabi ni Tita Beatrice.

"A-ano po? Natawagan niyo na po ba?"

Tito Green sighed. "Oo, Hija. Hindi sumasagot."

"She's not here when her husband needed her the most!" ewan ko kung bakit pakiramdam ko na galit na galit si Tita Beatrice sa kanya.

Simula kasi noong naghiwalay kami ni Bright ay wala na akong kumunikasyon sa kanilang lahat.

"Tita...kalma lang po." at hinawakan ito sa kamay para pakalmahin.

She holds my hand as well. "This won't happen if you and Bright are still together." at umiyak na naman si Tita.

I felt a pain in my chest. Tita Beatrice is still the same because since day one she liked me for Bright. Botong-boto ito sakin para sa anak nila.

"Tahan na po Tita, hintayin na lang po muna natin ang Doctor. And let's hope that Bright will be okay." at pinapakalma si Tita. Kahit ako ay 'di ko pa rin mapigilang kabahan.

"You're right, Hija. I hope the Doctors can save my son."

I hope so, Tita.

Please...sana maging maayos lang si Bright.



A/N: Please vote and comment guys.💕

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now