32

5.4K 85 7
                                    

Sydney's POV



Mahigit apat na oras din yung operasyon kanina ni Bright. And the operation was successful, we're just hoping that he can see again.

Now, Tita Beatrice let me go home and have some rest daw, kasi bukas ng umaga babalik din ako ulit ako doon.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay namin at kumatok muna ako sa pintuan namin. Minutes passed, ay binuksan din ako ni mama.

"Sydney?!" agad ako nitong niyakap.

"Ma." masayang bati ko.

"Kamusta kana ha?" tuwang tuwa ito ng makita ako. Mahigit isang linggo din kasi nung huli kaming  nagkita, puro lang kami usap sa telepono.

"Namiss kita anak." at hinalikan ako sa pisngi.

"Ako din, Ma." at nginitian ito.

"Halika, pasok ka muna." at tinulungan niya akong dalhin ang mga gamit ko papasok sa loob ng bahay.

"Ah Ma, si Samara po na saan?" tanong ko.

"Naku, Sydney. Natutulog na yung kapatid mo. Pagod kasi yun kanina sa P.E nila." napatingin naman ako sa orasan it's almost 8:30 na pala.

"Talaga po? Sayang naman. Binilhan ko pa naman yun ng paborito niyang Ice cream." sabi ko. Ito kasi yung paborito niyang pasalubong ko.

"Ilagay mo na lang muna yan sa ref, anak. At ibigay mo na lang sa kanya bukas, okay?" sabi ni mama.

"Sige po, Ma." at pumunta na ako kusina para ilagay yung Ice cream sa refrigerator.

"Teka anak, kumain kana ba ng hapunan mo?"

"Opo, Ma. Kasama ko po yung mga kaibigan kung kumain kanina sa labas. Kayo po ba ma? Kumain na ba kayo?"

"Tapos na rin ako nak, siya nga pala kamusta na si Bright?"

"Okay na po siya Ma, successful yung operasyon niya kanina. Maghihintay na lang daw kami bukas sa resulta kung magising na siya."

"Mabuti yan, sana gumaling na siya ano."

"Oo nga Ma eh."

"Teka lang, diba sabi mo sa akin sa telepono na may mga taong gustong pumatay sa kanya at hindi aksidente yung nangyari kay Bright, dahil sinadya iyon kasi kinuha ang break ng sasakyan niya. Alam na ba ng mga pulis kung sino ang salarin?" tama si Mama. Nakwento ko rin kasi iyon sa kanya.

Bigla naman akong napatunghay kasi hanggang ngayon wala pa ring patunay na si Oliver nga yung may kasalanan.

"Hindi pa ma, pero may suspect na ang mga pulis."

"Talaga? Sino?"

"Si Oliver po."

"Si Oliver?! Diba malapit na kaibigan siya ni Bright?"

"Oo nga po eh."

"Paanong si Oliver, ano ba ang nagawa ni Bright para pagtangkaan niya ang buhay ni Bright."

"Yun din nga po Ma eh, wala namang maisip na dahilan sina Tita at Tito na dahilan dahil simula naman noon, malapit na silang magkaibigan ni Oliver. At kahit noon pa ay naman mabait ng tao si Oliver at hindi ko din maisip na siya ang may pakana ng lahat na ito dahil hindi ganuon ang pagkakakilala namin sa kanya."

"Sana hindi lang talaga Oliver nu. Sana mali ang suspetya ng mga pulis na yan."

"Oo nga Ma."

Sana nga.

Sana mali lang sila, dahil alam kung masasaktan ng lubusan si Bright kung mismong kaibigan niya ang may pakana ng lahat.




A/N: Sino ang suspetya niyo guys? Si Oliver din ba?

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now