21

5.4K 92 1
                                    

Sydney's POV

"Masaya ka ata ngayon Sydney ah." sabi ni Ate Fey habang nagliligpit ng pinagkainan namin. Kakatapos lang kasi namin mag hapunan.

"Ah, hindi naman po."

"Asus, ang lapad nga ng ngiti mo oh." at tinuro pa ang mga labi ko.

Ganun ba talaga kahalata?

Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin kahapon ni Bright. At simula kahapon ay naging maayos naman na kami. At okay na ako sa ganun, masaya na ako na maging okay na kami ulit kahit hanggang magka-ibigan lang.

"Ah, kahapon kasi nag-usap kami ni Bright ng matino, kaya ganun."

"Sus, baka mag kabalikan na kayo niyan ah." biro pa ni Ate Fey.

"Naku po, hinding hindi yan mangyayari Ate Fey."

"Talaga lang ha?"

"Opo, sige na po. Papainumin ko na po ng gamot si Bright, para makatulog na siya ng maaga."

"Oh, siya. Sige. At ako'y maghuhugas pa ng pinggan."

"Sige po." at umakyat na ako kwarto niya. Pero bago ako pumasok ay kumatok muna ako pinto niya.

"Pasok." at pumasok naman ako.

Nadatnan ko itong nakikinig ng balita sa tv habang nakahiga.

"Bright, nandito na ang gamot mo."

Umupo naman ito sa kama niya.

"Eto oh uminom kana." kinuha ko ang iinumin niya at pinainom sa kanya yon.

"At papatakan pa natin yang mga mata mo ng gamot para hindi mamaga ha."

"Sige."

Kaya kinuha ko naman yung gamot sa bulsa ko.

Mukhang mahigpit yung pagkasara ko ata dito kagabi kaya medyo nahirapan akong buksan iyon.

Kaya naman pwersahan ko itong binuksan at sa sobrang lakas ata ng pagkabukas ko ay natapon ko ang takip nito at napunta sa ilalim ng kama ni Bright.

"Ay, Bright. Teka lang ha, natapon yung takip." at agad ko namang sinilip ang ilalim ng kama ni Bright.

Nakita ko ito sa bandang kanan ko kaya agad ko itong inabot. Pero may nakita din akong pamilyar na kahon sa ilalim ng kama ni Bright.

Don't tell me...

Kinuha ko din iyon at tumayo ako.

Damn.

Naaalala ko to, ito pa yung binigay ko sa kanya noon eh. I gave this to him when we celebrated our first anniversary. Puno ito noon ng mga litrato namin. Bakit nandito pa 'to?

"Oh, Sydney. Nakuha muna ba?" tanong nito.

"A-ah, oo." damn. Sasabihin ko ba sa kanya na nakita ko 'to.

Na curious naman ako kung may laman pa ba 'to kaya binuksan ko ito at nagulat ako ng makita ang mga larawan namin doon.

Damn. Gusto kong umiyak. So, tinatago niya pa rin pala to?

Ang saya namin dito noon. Ang saya saya.

"B-bright...."

"Oh?"

"Bakit nandito pa rin to?" tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito na naguguluhan.

"The p-pictures Bright, nakita ko to sa ilalim ng kama mo." at kinakabahan ako sa magiging sagot nito.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko ngayon. I don't know what to feel right now.

Ngumiti ito bago nagsalita.

"So, you found it."

"Yes, at bakit hindi mo pa itinatapon? Eh diba naiinis ka nga sakin."

"Yeah, I hate you badly but I don't know too. My wife saw it before she told me to throw it away, but when I looking at it. I realized that I can't afford to throw it, especially when I know to myself that I still love you." and there it goes. Kumalabog na ng sobra ang puso ko and his wife know me. Kaya pala ganun nalang ito umarte sa akin.

"Y-you still love me?" nabuhayan naman ako ng loob.

Huminga ito ng malalim at tumingin ito sa banda ko.

"I'm sorry but, no. I don't love you anymore. Maybe noon, oo mahal kita, pero dati pa yon. I realized na sana noon ko pa yan tinapon."

Bigla namang pumatak ang mga luha ko sa mga pisngi ko. At nahirapan akong huminga kasi ang sakit pa rin. Akala ko... Okay na ako na maging kaibigan lang kami pero... Akala ko lang pala.

"A-aww, t-that's good! O-okay na rin naman k-kasi ako eh. Nakamove on na din n-naman ako m-matagal na. Ahh, L-lalabas muna ako ha." kahit nahihirapan na akong huminga ay pinilit kung makapagsalita ng maayos na hindi niya mahahalata na naiiyak na ako.

"S-sige."

At tuluyan na akong lumabas sa kwarto niya.

Damn it. Sydney.

The Blind Love (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon