49

6.4K 83 8
                                    


Sydney's POV



After a week ay bumalik na rin ako sa trabaho kasi hindi ko kailangang magmukmok lang sa loob ng bahay, dahil nag-aalala na yung mga kaibigan ko lalo na si Mama.

"Mabuti naman sis at naisipan mo ng bumalik sa trabaho!" si Victor. Kasama ko silang dalawa ngayon ni Hailey dito sa office ni Sky at hinihintay namin siya para sabay na kaming mag lunch lahat.

"Oo nga eh."

"Ano sis, okay ka na ba?" tanong ni Hailey.

"What do you think?" tanong ko sa kanya habang ngumingiti.

"I can see that you're happy now ha, ano na ba ang ganap? Ayaw mo naman kasi kaming kausapin sa bahay niyo!"

"Oo nga Sydney! Ilang linggo ka rin kasing hindi nagpapakita sa amin." 

"Sorry na nga eh. Pero may balita ba kayo kay Bright?" I asked them.

"Wala sis, busy kami ni Hailey sa trabaho eh. Tapos ito namang si Sky ay may jowa na pala!"

"Talaga?! Sino?!" nawala lang ako mg saglit may jowa na pala siya.

"Hindi pa niya sa amin napapakila. Nakita niya lang daw sa isang restaurant."

"Ganun ba? Wow ha, sana mag tagal sila ni Sky! At dapat kilalanin natin ang girlfriend ni Sky! Sisiguraduhin nating matino yun." sabi ko.

"Oo nga!"

"So ano na nga, Sydney? Wala na ba kayong pag-asa ni Bright na magkabalikan?" tanong ni Hailey.

"Hindi ko alam, Hailey. Wala na kasi akong balita tungkol sa kanya. Baka galit na sa akin yun."

"Hindi naman niya sigurong kayang magalit sayo diba?"

"Hindi ko alam Hailey, kasi kung maging maayos ang lahat ay babalikan ko siya, babalikan ko si Bright."

"Mabuti yan Sydney."

"Oo nga sis, total okay na rin naman si Tita eh at baka malay natin pinirmahan na pala ni Eunice ang divorce papers at babalik ulit sayo si Bright.

"Sana nga."

Bigla naman kaming natigil sa pag-uusap ng biglang pumasok si Sky.

"Oh, Sky! Sa wakas nandito kana! Tara na mag lunch na tayo!" sabi ko sa kanya.

"E-eh kasi ano..." at nagkamot pa ito ng ulo niya.

"Ano?"

"Si Bright..."

"Bakit? Anong meron sa kanya?" nagtatakang tanong ko.

"Sydney."At may biglang pumasok na lalaki.

Si Bright! Bigla namang nagwala ang puso ko.

Damn. I missed him so much!

"B-bright." at hindi ko maiwasang mapangiti. He's here!

"A-ah, labas muna kami ha." sabi nina Hailey at Victor.

"S-sige." at lumabas na silang tatlo kaya kami na lang ni Bright ang naiwan dito.

Tinitignan lang ako nito.

"S-so, ano k-kamusta ka na?" medyo nauutal na sabi ko.

"I'm good."

"M-mabuti."

"Eh ikaw? Kamusta ka na Sydney?"

"O-okay, lang din. Bakit ka nga pala napunta dito?" tanong ko sa kanya.

"Diba sabi ko sayo hindi na kita gagambalain pa, pero ito pa rin ako, ginagambala ka." at tumawa siya.

"N-no, it's fine." it's totally fine Bright.

"Yeah, maybe. Pasensya ka na ha. Pero pumunta lang ako dito kasi may sasabihin sana ako sayo."

"Ako din Bright." may gusto rin akong sabihin sayo, Bright. At gusto ko ng magkabalikan tayong dalawa.

"Ganun ba? Sino yung mauuna satin?"

"I-ikaw na muna." sabi ko dito.

"Okay, Sydney..."

"Ano yun?"

"Gusto ko lang mag pasalamat sa sinabi mo sakin noon."

"Ang alin Bright?"

"Yung sabi mo na pagtuunan ko ng pansin yung asawa ko." at ngumiti siya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Alam mo, tama ka dun eh. Maybe it's time to love my wife too, kasi I realize that she's the one who's always there for me. Siya yung nandiyan palagi. In better and especially for worse." and he smiled.

Damn.

Ang sakit.

Pero diba ito naman ang gusto mo noon, Sydney.

"T-talaga?"

"Oo, Sydney. And we're leaving tomorrow. Pupunta kami ng states para doon na muna tumira. At para gumawa ng mga bagong alaala, at syempre makalimutan na ang nakaraan."

Relax, Sydney. Pigilan mong wag tumulo ang mga luha mo.

Wag kang iiyak, kahit na sobrang sakit na.

"M-mabuti yan."

"Oo nga eh. And maybe doon na kami boboo ng pamilya, at sana maging maayos na ang lahat doon."

"Magiging maayos yan."

"Salamat."

"Ano ka ba, wala yun!" at pilit na ngumiti.

"Oo nga pala, diba may sasabihin ka sakin?"

"H-ha? A-ah wala wala."

"Sabihin muna."

"A-ah wala, nakalimutan ko na yun."

"Ganun ba?"

"Oo." at tinignan ko ito sa mata niya. I can't see any emotion there.

"Sige, aalis na rin ako kasi susunduin ko pa ang wife ko, sa photoshoot niya." ang sakit naman na marinig galing sa kanya yun.

"S-sure."

"So, it's a goodbye?" he asked.

No.

I want to stop him. I want him to stay, and come back to my life.

"Y-eah."

"Alright, I have to go." at tumalikod na ito sa akin para makalabas na.

No... don't go Bright. Dont leave me.

Huminto ito sa pintuan. He stayed there for almost 5 seconds. Umaasa pa rin ako na mag s-stay ka at mahal mo pa rin ako.

Bright please...

Please.

Don't leave me, I love you so much.

Lingunin mo lang ako Bright at hinding hindi na kita iiwan.

Pero umasa lang ako sa wala.

Binuksan na nito ang pintuan at tuluyan ng lumabas.

Ang sakit. Ang sakit sakit na maiwan.

Ito rin ba yung naramdaman mo noon, Bright? Ito ba? Ang  sakit pala, at hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'to.





A/N: Epilogue na next chapter.

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now