7

6.5K 116 1
                                    

Sydney's POV

"Hoy!" agad akong tinapik ni Victor.

Nabalik naman ako sa reyalidad. "Nako, Sydney! Kanina ka pa namin kinakausap eh, tapos nakatulala ka pala diyan" sabi nito at kumain.

Kasama ko sila ngayon na kumakain ng hapunan. Sumama na ako ngayon sa kanila kasi ang kukulit.

"Oo nga! Simula kaninang umaga ganyan na 'yan eh!" sabi ni Hailey habang nginunguya 'yong pork.

Hindi ko namamalayan na nawawala na pala sa usapan nila. Simula kasi ng matapos ang pangyayari kahapon ay pakiramdam ko naging masama ang pakiramdam ko. 

I cannot forget what happened yesterday because I'm still affected.

I looked down. "I'm sorry, guys. May nangyari lang kasi." sabi ko.

"May problema ka ba, sis?" tanong ni Victor sa akin. Even when we bricked a lot, he's concerned about me.

I shake my head. "Nako, wala...wala." at umiwas ng tingin kay Victor. Ayoko namang mag open up tungkol sa nangyari kahapon.

Susubukan ko nalang na kalimutan na ang lahat.

"Anong wala ka diyan! Kilala ka na namin Sydney Thenesis, sabihin muna kung ano ang problema mo at ng matulungan ka namin ni Hailey." tumango tango naman si Hailey sa sinabi ni Victor.

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kanila o hindi na lang.

Kilala rin kasi nila si Bright eh, kasi nasabi ko na noon sa kanila kung ano ang meron kami dati ni Bright. "Vicky is right, Sydney. Tell us what happened."

"Oo nga, Sydney. Magsabi ka ng totoo o itutusok ko 'tong tinidor sa pisngi mo." sabi ni Victor at natawa naman ako sa kanya. Nakuha niya pa rin akong patawanin.

"Huwag naman 'tong pisngi ko." at hinawakan pa ang pisngi ko.

"Sabihin muna kasi sa amin kung ano'ng nangyayari sayo. Ano ba ang problema mo ha? May nangyari ba sa bahay niyo?" At talagang sinusuri talaga ako ni Victor.

I'm left with no choice. Maybe, I should tell them what happened since they are my friends. Hindi rin naman sila titigil kakakulit kapag hindi ako magsabi sila kung ano ang nangyayari sa akin. "Okay. I'll tell you everything basta huwag kayong magugulat ha?" paninigurado ko.

"Oo naman! Ano ba 'yan ha?" sabi ni Hailey.

I sighed. "Basta huwag kayong magagalit ha?" paninigurado ko ulit sa kanila. I know them kasi eh.

"Oo nga! Ano ba yan, sabihin muna nga!Kating kati na akong marinig yan eh." Victor sounds so impatient right now.

I took a deep breath, "Si ano kasi eh..."

"Sino?" And their eyebrows met.

"Si B-bright."

"Do you mean your ex-boyfriend, slash first kiss, slash unforgettable boyfriend, slash first love kahit maraming naging ex?" Hailey asked.

"Yeah."

"At anong meron kay Bright na 'yan ha?" tanong ni Victor, at nagtaas pa ito ng kilay niya.

"Hindi ko pa nasabi 'to pero siya yung sinasabi ko sa inyo na binabantayan ko noong nakaraan at kahapon.The one who lost his vision." at agad akong napapikit kasi sumigaw agad si Victor.

Sabi na nga ba eh. "What!?" at tumayo pa ito sa kinauupuan niya. Kaya naman napatingin na sa amin ang mga tao dito. Nakakahiya talaga 'tong si Victor.

"Hoy, Vicky! Tumigil ka na nga! Ang OA mo masyado eh!" saway sa kanya ni Hailey.

Parang kanina lang siya 'yong OA ah. "Ay, sorry. Nabigla lang." at umupo na rin ito ulit. Pero tinignan ako nito ng masama.

"Bakit, Sydney? Anong ginagawa mo doon ha!?" he asked seriously.

Alam kong galit silang dalawa kay Bright dahil sa hiwalayan namin noon. But me, hindi ko magawang magalit sa kanya kasi ganun ko siya ka mahal.

Bright is my first of everything kahit na hindi siya ang naging first boyfriend ko. He's my first kiss, my first love, and my first heartbreak. When I was struggling with my studies before he was there to cheer me up and guide me in everything. Inaamin ko na naging malaking tulong siya sa buhay ko and one of the reason kung bakit nakamit ko ang profession ko ngayon because of his overwhelming support before.

Nang maghiwalay kami ay hindi na ako nakahanap pa ng iba. Kasi hanggang ngayon si Bright pa rin ang tinitibok ng puso ko. I'm still madly in love with him.

"I can explain."

Hailey crossed his arms. "Explain."

"Kasi guys, I accidentally met Tita Beatrice and Tito Green sa ER, they are Bright's parents. Hindi ko naman alam nung una na si Bright pala yung nasa loob ng ER at doon na rin nagsimula ang lahat. Syempre ayaw ko namang magalit sa akin si Tita at isa pa may pinagsamahan din naman kami ni Bright kaya tumulong akong magbantay sa kanya noon."

"Ano naman ang reaksyon ni Bright ng makita ka?"

Naalala ko na naman kung gaano ang pakikitungo niya sa akin. "He's blind now, but he's still mad at me."

"Wow ha! Siya pa talaga ang may ganang magalit sayo eh no?" sabi ni Hailey.

"Hailey, please 'wag na kayong magalit kay Bright. Lalo na ngayon na may pinagdadaanan pa siya at hindi pa biro 'yong pagkabulag niya." I explained.

"Hays, eh paano na ngayon 'yan ooperahan ba siya?" tanong ni Victor.

I nodded. "Yeah, maybe it will take 2 to 6 weeks pa bago ang surgery niya kasi kailangan niya munang magpakalakas because of his injuries from the accident." I said.

Hailey sighed. "Somehow, I feel bad for Bright. There's a 50-50 chance, right?"

"Yeah." at bigla naman akong nalungkot. Paano na pala kung hindi gumana sa kanya at tuluyan na siyang hindi makakakita.

"So, have you already met her wife there?" Hailey asked out of curiosity.

Bigla akong natigilan at tinignan si Hailey.

"Oo nga, nakita muna ba?" Victor asked.

I smiled bitterly. "Yeah, I did. We met."

"Oh, is she pretty?"

"Oo sobra...wala nga akong panama dun eh."

"Sus! Mas maganda ka pa dun! Nakita ko na 'yon sa internet! Parang retokada naman, Sis!" biro pa ni Victor.

Hinampas ko naman siya. "Hoy, grabe ha!"

"Mas maganda pa nga ako dun no!" sabi ni Victor at tumawa nalang kami ni Hailey sa kanya.

Well, I'm just happy now, kasi nasabi ko na rin sa kanila yung tungkol kay Bright. Wala na rin akong dapat ikabahala kasi wala na akong tinatago sa mga kaibigan ko.

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now