27

5.4K 93 2
                                    


Sydney's POV



"Salamat, Kuya Ronald." sabi ko dito. Hinatid niya kasi kami ngayon dito sa hospital hanggang sa kwarto ni Bright. Siya ang nagtulak ng wheelchair ni Bright. Kasama rin namin si Tito Green at Tita Beatrice, nakauwi lang sila kaninang umaga.

"Walang anuman, Sydney." sabi nito habang palabas na ng kwarto.

"Sige po, ingat po kayo pabalik." sabi ko.

"Salamat Sydney. Sige, aalis na ako." at lumabas na nga ito.

Lumapit naman ako kay Bright at tinulungan si Tito Green na papaupuin si Bright sa kama nito.

"Aww, Son! Bukas na operasyon mo!" masayang saad ni Tita.

"Yeah, mom. Makakakita na rin ako."

"Oo nga."

"At makikita ko na rin yung mukha ng taong mahal ko." at ngumiti ito ng napakalapad dahil dun ay kumabog na naman yung puso ko.

"Oo nga anak, uuwi na daw bukas ang asawa mo." sabi ni Tito Green.

So, uuwi na rin pala siya.

"Mabuti naman at uuwi na siya." si Tita.

"Hon, kailan pa ba kayo mag-aayos ni Eunice, eh mabait naman yung bata ah." sabi ni Tito Green.

"Basta Green, hindi ko talaga siya matatanggap." sabi ni Tita at halatang naiinis ito ngayon.

"Mom, naman eh."

"Oh, bakit Bright? Bakit hindi na lang kaya si Sydney ulit ang mahalin mo." nagulat naman ako sa sinabi ni Tita.

"Gusto ko rin sana mom eh, pero ayaw naman ni Sydney." sabi ni Bright at tumawa.

"N-naku, kayo t-talaga." sabi ko habang nauutal. Kung nakakakita lang si Bright, makikita niya talaga yung nanlilisik kung mata.

"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan kay Sydney." sabi naman ni Tito Green.

"Eh bakit nga ba kasi kayo naghiwalay noon ha?" sabi ni Tita habang pangiti ngiti kaya namula na naman ako. Si Tita talaga.

"A-ah, Tita matagal na yun. Hayaan na lang natin yun."

"Oo nga naman Hon, hayaan na lang natin ang mga bata."

"Well, you can't blame me Green, I just really like Sydney for Bright but too bad, they didn't end up together."

Lumingo lingo naman si Tito Green at tumawa.

"Me too, but Hon, Bright have a wife now at si Eunice iyon."

Tita Beatrice just rolled her eyes.

Bigla namang may kumatok sa pinto at may pumasok. Nagulat naman kami kung sino yung pumasok.

Ngumiti ito at agad na lumapit kina Tita at Tito para bigyan sila ng halik.

"Tita, Tito.. Pasensya na po kayo ngayon lang po ako nakabisita." at ngumiti ito ng napakalawak.

Sina Tito at Tita naman ay hindi makapaniwala sa nakikita nila. Kahit ako naman.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko ngayon.

"O-oliver." nauutal na saad ni Tita.

"Hindi niyo po ba ako namiss Tita?" sabi niya habang ngumingiti ng malapad.

"We missed you p-pero—." pinutol agad ni Bright si Tita at nagsalita si Bright.

"Oliver? Ikaw ba yan?" tanong ni Bright at napangiti naman ito ng malapad. Matagal na kasi silang hindi nagkikita ni Oliver.

Kaya napatingin dito si Oliver. Nakita kong humigpit ang kapit ni Tita sa mga braso ni Tito Green.

"Yes, Bro. It's me. Kamusta kana." at agad naman itong yumakap kay Bright. Halatang tuwang tuwa si Bright ngayon sa kanya.
"Heto, okay na at maooperahan na raw ako bukas."

"That's good! Mabuti yan." at biglang dumako ang tingin sa akin ni Oliver. Binigyan ako nito ng nakakadudang mga ngiti.

"Oh, so it's really the story is really real huh, si Sydney nga talaga ang nag-aalaga sayo, Bright."

"Ah, oo. Siya yung personal nurse ko." sagot naman ni Bright.

"So, kamusta ka naman Sydney?" at lumapit ito sa akin.

Bakit parang nag-iba na ang tingin ko ngayon kay Oliver? Bakit parang may kakaiba na sa kanya.

"I'm f-fine. How about you?" and I tried to smile.

"I'm also good! Nice to meet you here, by the way. It's been a while since we last saw each other, right?"

"Yeah."

"So, Oliver, bakit ngayon ka lang pala nakabisita sa anak ko?" bilang tanong ni Tito Green sa kanya at lumapit din ito sa amin. Si Tita naman ay hindi umalis sa kinaruruan niya kanina at masama siyang nakatingin kay Oliver ngayon.

"Oh, I'm so sorry Tito, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng free time eh, sobrang busy po kasi talaga ako sa work." at nagkamot pa ito ng batok niya.

"Oh, really? Why? Where have you  been, Oli?" mapagdudang tanong ni Tito sa kanya.

"Ah, sa Germany po." sagot ni Oliver.

"Ohh, so nagkikita na ba kayo dun ni Eunice?"

"Ah, w-we haven't met there Tito eh, why did you asked?"

"Nandun din kasi si Eunice ngayon."

"Aw, so bad. We haven't meet there, Tito. Kung nalaman ko sana, nagkita man lang kami dun." sabi ni Oliver.

"Oo nga." at bigla naman itong lumapit kay Bright para kausapin siya.

Sana hindi lang totoo ang mga nakalap ng mga pulis na impormasyon tungkol sa kanya.

Sana hindi nga si Oliver, ang suspect.

Sana.



A/N: Hi readers, you can follow me on Wattpad for more stories of mine.  Thank y'all for supporting meee❤️

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now