Epilogue

9.5K 123 111
                                    


Sydney's POV


                             3 years later

"Tumahimik ka na nga diyan Sky!" sabi ni Dianna sa kanya.

"Eto na po, tatahimik na." mabilis na sagot ni Sky.

"Nagpapa-under ka na naman kay Dianna eh!" sabi ni Boun at doon na kaming tumawang lahat.


Tatlong taon ng magkasintahan sina Sky at Dianna, siya pala yung sinasabi sa amin noon na bagong girlfriend ni Sky, at akalain mo nga naman ang liit liit lang ng mundo.


Sa tatlong taon na yun ay mas naging malapit kaming lahat, yung mga kaibigan ko sa hospital at kina Dianna.


Marami na ang nagbago ngayon. Si Hailey ay buntis na at nagbabakasyon sila ng asawa niyang foreigner sa Switzerland.


Si Louie naman ay may girlfriend na, si Boun at Premo naman ay hindi pa rin sinasagot ng mga nililigawan nila. Mga mahihina, at kami naman ni Victor ay ito. Single pa rin. Inaasar na nga kami eh.

"Okay lang, mahal ko naman to eh." at kinurot niya pa sa pisngi si Dianna. Nandito kasi kami ngayon sa restaurant ni Dianna at siya na ang nagmamay-ari nito. Nagtipon tipon kaming lahat ngayon dito kasi sinagot na kanina ni Dianna ang alok ni Sky sa kanya na magpakasal.

"So cheesy, Sky. Tigilan mo na nga yan!"

"Eto naman." tumawa na lang kami sa kanilang dalawa. Ganyan naman talaga sila palagi eh. Pero mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Oo nga pala guys! I have to say something!"

"Ano yun Boun?" tanong ni Premo.

"Nakauwi na pala si Bright kahapon, sabi sa akin ni Tita kanina." bigla namang kumabog ang puso ko dun.

"Ano ka ba! Magagalit sayo si Sydney eh!" at hinampas siya ni Victor.

Simula kasi ng umalis si Bright ay pinakiusapan ko silang lahat na wag na wag mag babanggit nga kahit ano na tungkol sa kanya at ayoko ng makarinig ng kahit anong balita tungkol kay Bright at sa asawa niya. Gusto ko lang kasing makalimot na. At sa tingin ko hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

"Naku, okay lang yan." sabi ko at pilit na ngumiti.

"Okay ka lang ba, Sydney?" tanong ni Louie.

"Oo naman, matagal na yun. Siguro okay na rin kaming dalawa." sana okay lang talaga ako diba.

"Sigurado ka ha." paninigurado nila.

"Oo nga."

"Sige guys, kukuha lang muna ako ng pizza sa kitchen ha." sabi ni Dianna.

"Sige, mahal. Sasamahan na kita." sabi ni Sky.

"Sige." at umalis na silang dalawa.

"Oh, ito kumain ka pa Sydney, para tumaba ka naman." biro ni Premo.

"Ikaw talaga!"

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now