29

5.4K 109 2
                                    


Sydney's POV



Gabi na pala at nandito pa rin ako sa hospital. Kasama ko ngayon si Tita na nagbabantay kay Bright pero uuwi rin daw ito maya-maya. At si Bright naman ay nakikinig lang ng balita sa Tv.

"Iha, maraming salamat sa pagbabantay kay Bright ha." sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko. Nakita kong naka focus lang si Bright sa pakikinig ng balita at hindi niya naman siguro maririnig  ang pinag-uusapan namin ni Tita kasi malayo naman yung couch sa kama niya.

"Naku, Tita. Trabaho ko po iyon." sagot ko

"Kahit na, malaki pa rin ang naitulong mo sa paggaling ng anak ko." she genuinely smiled.

"Walang ano man po." at nginitian ito.

"Bukas maooperahan na ang anak ko, at sana makakakita na siya ulit." at tinignan ni Tita Beatrice si Bright.

"Oo naman, Tita. Mag tiwala lang tayo."

"Oo nga, naku mabuti ka pa at palagi kang nandito para kay Bright. Pero yung asawa niya naman ay wala palagi."

"May trabaho po kasi Tita, baka busy lang talaga."

Tinignan ako ni Tita Beatrice at ngumiti.

"Alam mo ba Sydney, hindi ko alam king anong pumasok sa utak ng anak ko at kung bakit pinakasalan niya agad yang si Eunice ng ganun ka bilis. Alam  ko namang hindi niya ganun kamahal si Eunice."

"Tita—"

"Kasi alam kong ikaw lang naman talaga ang mahal niya." at nginitian ako nito.

"Tita hindi ko po kayo maintindihan."

"Alam kong naiintindihan mo ako Sydney, I know how my son gets crazy over you. Mahal na mahal ka niya Sydney, kung alam mo lang."

"Tita, iba na kasi ngayon." at nginitian siya ng mapait.

"What do you mean, Sydney?"

"Tita, mahal na mahal ko din naman po ang anak niyo hanggang ngayon, pero he already have Eunice Tita, at hindi ko na mababago iyon."

Tumawa lang si Tita Beatrice at bigla namang nangunot yung noo ko.

"Yan lang ba ang problema?"

"Tita—."

"Iha, there's a solution. Divorce. Uso naman yan ngayon" at ngumiti pa ito sa akin.

"Sana ganun nga lang po yun kadali. Pero hindi eh."

"Iha, pag-isipan mo ng mabuti, okay? Bago na naman mahuli ang lahat at baka magsisi ka lang rin ulit sa huli." at tinapik pa nito ang balikat ko.

"Pag-iisipan ko po."

"You should, Sydney. Ikaw pa naman ang gusto ko para sa anak ko. You're one of a kind."

"I really appreciate it, Tita. Thank you so much for appreciating me, mahal na mahal ko po si Bright pero hindi ko pa po alam ang desisyon ko."

"It's okay, Sydney but you just have to follow your heart, for you to be happy." that line breaks through my heart.

"Opo, Tita."

"Okay, I have to leave now, bukas kasi maaga pa kaming babalik dito para sa operation ni Bright.'' At tumayo na ito. Lumapit na rin ito sa anak niya.

"Bright, son. I'll leave now, alright?"

"Sige po, Mommy. Ingat po kayo pabalik." hinalikan ni Tita si Bright sa noo at nginitian ako.

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now