10

6K 104 4
                                    

Sydneys POV

Maaga ako ngayong nagising kasi dapat before 8 a.m ay nasa hospital na ako para bantayan si Bright.

Hindi ko pa alam kung paano ito sasabihin kay Mama baka kasi magalit ito sa akin kasi alam nito kung gaano ako naapektuhan sa hiwalayan naman ni Bright noon. I was in a big mess.

Hindi naman sana kami naghiwalay kung nagtiwala lang ito sa akin. At Naalala ko na naman ang lahat na nangyari noon.

[Flashback]

Hinihintay ko ngayon dito si Bright sa  parking lot ng mall kasi may nakalimutan pa raw itong bilhin sa loob.

"Hays! Ang tagal naman niya!" maktol ko dito.

Habang naghihintay ako dito ay may nakita akong pamilyar na lalake na papunta sa akin

Anong ginagawa niya dito?! "Hi, missed me?" he asked and winked at me.

It's Andrei! My ex-boyfriend. Baka kung makita siya ni Bright dito ay baka masuntok niya pa si Andrei. Seloso pa naman yung boyfriend ko.

"What are you doing here?" at tinarayan ito.

"How about you? What are you doing here?"

"Pwede ba Andrei, tumigil kana. Baka makita tayo dito ni Bright! Baka magalit na naman iyon." ilang beses na rin kasi itong pinagselosan ni Bright.

"Ah, sobrang mahal mo na talaga si Bright eh 'no?"

"Yeah, sobra pa sa sobra, Andrei. So, pwede bang umalis kana lang dito?" sabi ko.

He chuckled. "Bakit pinapaalis muna ako? Usap muna tayo besides Bright is not here naman eh." at lumapit ito sa akin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Andrei. At nag-usap na naman tayo kahapon diba? We're already done."

Pero patuloy lang ito sa paglapit sa akin at binigyan ako ng mapaglarong ngiti.

"Don't worry, hindi tayo makikita ni Bright dito."

Hindi ito maganda.

Nang makalapit ito sa akin ay bigla ako nitong binulungan sa tenga.

"But look who's coming." hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin niya don.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi. At hindi ako nakagalaw doon.

Damn.

He started to move his lips and I felt that his hands are already in my waist.

This is not good.

I was about to push Andrei, but someone grabbed him.

It's Bright.

Damn.

Damn.

He's so mad.

Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.

"Damn you, bastard!" at agad nitong sinapak si Andrei.

"Stop it, Bright!" at inawat ito.

Pero hindi ito nakinig sa akin at patuloy lang nitong sinusuntok si Andrei.

Nagdudugo na ang labi ni Andrei ngayon.

Agad kong hinatak si Bright at pumagitna sa kanila.

Madami ng pasa ngayon si Andrei sa mukha.

"Are you okay, Andrei?" I asked him pero ngumisi lang ito sa akin.

"At bakit mo pa tinatanong 'yan ha?!" galit na tanong sa akin ni Bright.

"Binugbog mo siya, Bright!" I understand Bright pero mali naman na bugbugin niya si Andrei.

"At kinakampihan mo pa siya ngayon, huh? Tell me Sydney, do you still love him?!" he asked me. What? Eh ang tagal na naming wala ni Andrei eh!

"Of course, not!" I said.

"Then why did you let him kiss you, huh? Did you like it, Sydney?!" he asked me.

"No! Ano ba ang—"

"Niloloko mo ba ako, Sydney?!" Bright shouted.

"What are you talking about?"

He gritted his teeth. "Huwag ka ng mag maang-maangan! Alam kong madami ka ng nakarelasyon and maybe isa na naman ako sa mga koleksyon mo diba!?"

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, Bright? I love you, okay?" at nilapitan ko na ito.

He looks so mad and he's not think properly.

"Tsk. Wag muna akong pinagloloko, Sydney. Paano mo ipapaliwanag ang pagkikita niyo kahapon ha? Nagkita kayo behind my back!"

Bigla naman akong natuod. He saw us yesterday from that Cafe?

"Oh, ano? Hindi ka makapagsalita?!" And he smirked.

"Bright, let me explain, please."

"No, I dont want to talk with liars anymore! Let's break up!"

Bigla naman akong nawindang sa sinabi nito.

"What? No....no....Please. Let me explain, baby. Please. Let me explain." pakiusap ko dito.

I'm crying right now kasi alam kong totohanin niya yung sinabi niya kanina na makikipaghiwalay sa akin. I know Bright and he is serious.

"No, simula ngayon, Sydney. Tapos na tayo."

Hinawakan ko ito sa kamay niya

"Please, Bright. Let me explain." binigyan lang ako nito ng masamang tingin. At iniwakli ang kamay ko.

"No, we're done now, Sydney." at iniwan akong umiiyak.

[End of Flashback]

I didn't notice that I'm already crying again.

I tried to talk to him after that incident but he didn't listen to me.

He never believe me.

Hindi siya naniwala sa akin. Siguro kung naniwala at nakinig lang siya sa akin ay baka nagkabalikan pa kami pero hindi eh. Hindi niya ako pinagkatiwalaan. And less than a year nalaman ko na lang na may bagong girlfriend na siya at ang sakit lang sa akin noon na nakahanap na siya kaagad ng bago habang ako ay nagluluksa sa pang-iiwan niya sa akin.



A/N: Please vote and comment readers.❤️

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now