36

5.4K 83 0
                                    


Sydney's POV


Bago ako pumunta sa room ni Bright ay dinaanan ko pa muna yung mga kaibigan ko para sabihin sa kanila na nagising na si Bright.

"Oh, Sydney!" tili ni Victor.

"Hi!" at niyakap ko sila ni Hailey.

"What's up, girl?" Hailey asked.

"Okay na okay na ako, girl. Kasi nagising na si Bright!'' masayang balita ko.

"Really? So, how is he?"

"He's doing good now! At nakakakita na siya ulit!"

"Really? That's good for him!" at halatang masaya rin silang dalawa sa sinabi ko.

"Oo nga sis, so ano tapos na rin ba ang pagiging personal nurse mo sa kanya?" tanong ni Victor kaya biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Damn.

"Hoy! Ano ka ba!" at hinampas siya ni Hailey.

"Eh, bakit ba?"

"You won't understand." at tinarayan pa siya nito.

"Kayo talaga, so ano na nga ang plano? Balik kana dito sa department natin uy."

Pilit akong ngumiti bago siya sinagot.

"Yeah, as soon as possible, babalik ako dito."

"Sabi mo yan ah!"

"Oo nga, teka na saan na pala si Sky?"

"Ewan, baka may babae na naman yun."

"Mabuti naman kung ganun para hindi tayo yung lagi niyang napapagdiskitahan." sabi ko at tumawa.

"Right, sis!"

"Okay, guys. Pupuntahan ko na muna si Bright sa taas ha."

"Sige, babye!" balik ka dito later. Sabay tayong mag meryenda.

"Okay, bye, mwa." at nagsimula na akong maglakad.

Nag elevator ako papunta sa floor ni Bright. Hindi ko maisip na matatapos na ang pagiging personal nurse ko sa kanya.

Paano kong matapos na ito, tapos hindi ko na siya makakasama ng ganun ka tagal tapos, makakasama niya na palagi ang asawa niya tapos marerealize niya na mas mahal niya pala ang asawa niya kesa sa akin.

Damn.

Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Pero there is a chance, right?

Damn it.

Biglang bumukas ang elevator, I'm already in Bright's floor. Kaya naman lumabas na ako.

Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa baba.

"Ouch!" natigil ako ng may nakabangga ako.

"Sorry, oww—" at ngumisi pa ito.

"O-oliver."

"It's you again, Sydney."

"A-ah, yeah. San ka nga pala galing?"

"I visited Bright and by the way, you are still Bright's personal nurse huh."

"Ah, oo."

"Walang pinagbago, maganda ka pa rin ah." at tumawa pa ito. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya ngayon. Close naman kami noon ah.

"I-ikaw talaga."

"So, kamusta kana pala, how's your love life?"

"Well, ito. Single pa rin." at tumawa.

"Bakit? You're beautiful kaya. Paano g wala?"

"A-ah, busy pa eh."

"Ganun ba."

"Oo eh."

"Pero wala ka na bang nararamdaman kay Bright?" he asked.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala lang, baka kasi bumalik yung nararamdaman mo sa kanya eh, lalo na ngayon na personal nurse ka na niya."

"A-ah, wala na nuh." I lied.

"Siguraduhin mo yan, Sydney." and then he smiled.

"O-oo naman."

"Good, baka kasi may pumutok na bulkan eh." and he laugh.

"What do you mean?"

"Ah wala, sige na I have to go."

"Sige."

"Bye, Sydney." and that gives me a creep.

Ano ba talaga ang meron sayo Oliver?

Tsk. Damn. Ano ba tong naiisip ko. He's Bright's best friend for pete's sake!

Damn. Makaalis na nga.

The Blind Love (REVISING)Where stories live. Discover now