CHAPTER 3

184 13 0
                                    

Chapter 3

"I wanted to meet you because I want to give you a chance to explain yourself and I also want to apologize." Kalmado kong sabi kaya nagulat siya lalo. He shouldn't be, I am really mad. He shouldn't think that I will still give him the chance. Heck, pagkatapos kong malaman na naghintay ako ng matagal tapos kasama niya pala si Maria? No.

"But you missed your chance. Now, I'm thinking if you still deserve to have a chance. Sobra mo akong nasaktan, Ralph. I'm supposed to be reading pero naghintay ako dito. And with the thought of you being with Maria bago ka pumunta dito? It hurts like hell." Pahayag ko sa kaniya.

"I've been waiting for hours tapos malalaman ko na kasama mo lang pala si Maria? Why do you always have to be with her? Ano ba'ng mayroon sa inyo? Do you still love her, Ralph?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Tinititigan niya lang ako at nakikinig lang siya habang nagsasalita ako.

"No. I love you, okay? Ikaw ang mahal ko." Sagot niya.

"Are you sure? Because I can't feel your love, though?" Pahayag ko. It's true, hindi ko nga alam kung kami pa ba dahil sa ginagawa niya. Wala na siyang oras sa akin. Halos lahat ng oras niya ay nakalaan kay Maria.

"I love you... I love you." Paulit-ulit niyang sabi. I looked away.

"Sinasabi mo ba 'yan dahil 'yan ang totoo o sinasabi mo lang 'yan para ipaalala mo sa sarili mo na mahal mo ako kasi ang totoo, hindi na?" Tanong ko sa kaniya.

"Jaja..." Aniya.

"I'm sorry, Ralph, kung may pagkukulang man ako. Pero ginagawa ko naman ang lahat." Sabi ko. Hindi na ako nag-dalawang isip at umalis na agad ako doon. Sa paglabas ay sabay nito ang pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Umiiyak na naman ako dahil sa kaniya.

Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto. Umiyak lang ako nang umiyak sa gabing iyon.

**

Kinaumagahan ay hindi ako pumasok. I didn't read last night, ayaw ko namang pumasok na hindi handa. Atsaka hindi rin naman ako makaka-focus kaya pinili ko na lang na hindi pumasok. Ngayon lang naman. I don't want to see Ralph in school too.

I really wanted to forgive him yesterday pero nang malaman ko na kasama niya si Maria? I just can't do it. I thought I can endure the pain but I was wrong, I'm not strong enough, hindi ko pala kaya. Pero mas hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. We've been together for 5 years now, I already planned my future with him because I was so sure that I'll end up with him, we already planned everything.

We planned that after I passed the BAR, we will get married. At kapag stable na, doon kami bubuo ng pamilya. Pero ano'ng nangyayari ngayon? Bumalik lang si Maria, masisira kami?

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok. Pumasok si Manange Nena.

"Bumaba ka na para makakain ka na, hija. Nasa baba din si Ralph." Sabi ni Manang Nena.

"Wala po akong ganang kumain. Pakisabi na lang po kay Ralph na umuwi na siya." Sabi ko. Tumango na lamang si Manang Nena at umalis na.

I was about to sleep again when the door opened again. I saw Ralph.

"Jaja..." Ani Ralph. Kita ko sa mga mata niya ang pagod. Nakakaawa siyang tignan, parang sobrang dami niyang problema.

"Bakit ka nandito? 'Di ba sabi ko umuwi ka na?" Tanong ko sa kaniya.

He sighed, "Let's talk, please?" Aniya. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan.

"You're just wasting your time here. Bumalik ka na sa school or just go home. Or you can just go to Maria since you like being with her, right?" I said and I looked away. Hindi ko siya kayang tignan, pinipigilan niya ang sarili niyang umiyak.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now