CHAPTER 35

217 4 0
                                    

Chapter 35

Isang linggo na akong hindi nakapunta sa bahay. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Kenzo, I only see him through video calls. My dad asked me to go to Palawan for a business, he asked me to attend a seminar here. Pumayag naman ako dahil wala nag-resign na ako sa trabaho ko. I don't know kung kailan ako ulit magta-trabaho sa firm. I might try what my mom suggested before.

It's been almost a month since I left our house. Lagi pa rin naman akong pumupunta doon sa bahay para kay Kenzo. Our parents didn't know anything about it yet, pati si Kenzo ay walang kaalam-alam dahil nakikita niya ako palagi sa bahay. Hindi ko alam kung kailan sasabihin ni Mark sa kanila o kung may balak pa ba siyang sabihin. Hindi naman namin napag-uusapan ang tungkol doon dahil busy ulit siya sa mga nakaraang linggo.

"Hello?"

"Ja? Ngayon ang balik mo, 'di ba? Pwedeng dumaan ka dito kahit saglit lang?" Tanong ni Ralph.

"Saan? Why?"

"Coffee shop. Actually, James planned this. He wants to see us, hindi ko alam kung bakit. But he told me to call you." Aniya. Ano na naman kaya ang naisip ni James at gusto niyang makipagkita.

"Alright. I'll be there."

"Want me to pick you up at the airport?" He asked.

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako." Sabi ko. Nagpaalam na ako at binaba ang tawag. I texted Mark before I turned off my phone. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil alam ko naman na wala siyang oras para magbasa ng text ngayon. I just want to inform him that I'm coming back so he wouldn't be surprise when I go to the house tomorrow.

Maaga na lang akong pupunta sa bahay bukas dahil kailangan ko pang dumaan sa kompanya nina Daddy mamaya.

The flight from Palawan to Manila was short. Sumakay na ako sa taxi para pumunta sa coffee shop. I am already 30 minutes late pero okay lang naman 'yon.

Pagkapasok ko sa shop ay nakita ko sila sa dulo na nag-uusap usap. Wala pang masyadong tao ngayon dahil tanghali pa lamang.

"Jaja!" Ani Anthony nang makita akong kakapasok lang. Nginitian ko siya at lumapit na sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Ralph dahil iyon na lang ang bakanteng upuan.

Wow. We're complete today. After the graduation, ngayon na lang ata kami nakumpleto sa mga pagkikitang ganito.

"So, bakit mo kami gustong makita? Miss mo na kami?" I asked James.

"I think the last time we're here, wala si Ralph. So, I want to spend some time with you guys. I mean, we're not getting any younger. Sooner or later, ikakasal na din kayo. Syempre, wala ng oras sa mga ganito." He said. Tama naman siya, kapag may pamilya na kaming lahat, we'll be busy with our family and it will be hard for us to meet our friends.

"Actually, kahapon dapat 'to pero sinabi ni Ralph na wala ka kaya ni-reschedule ngayon." Sabi niya pa.

"Saan ka pumunta?" Tanong ni Ashley na katabi ni Joseph ngayon.

"Dad asked me to go to Palawan for a seminar." I answered.

"And you didn't tell us? Si Ralph lang ba kaibigan mo, Ja?"

"Sorry, I forgot. And I was with Ralph last week kaya sa kaniya ko lang nasabi." Sagot ko. Palagi rin ako sa ospital dahil binibisita ko si Tito at sinasamahan ko si Ralph.

"Magkasama kayo?" Anthony asked.

"Yes. I accompanied him in the hospital."

Tumango-tangi naman sila. Tumayo naman ako para makapag-order ng inumin dahil naka-order na sila. When I went back, they are already talking about Ash and Joseph's wedding.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now