CHAPTER 24

142 7 0
                                    

Chapter 24

When Saturday came, maaga akong gumising kahit na after lunch pa naman ang usapan naming tatlo. I cooked our breakfast. Tulog pa si Mark at ate Mia kaya naisipan kong magluto na lang ng kakainin namin. At para na rin makipag-ayos na ako kay Mark, simula kasi noong lumabas kami ni John ay hindi niya ako kinakausap. Sasagot lang siya kapag nagtatanong ako pero hindi nagtatagal ang pag-uusap namin.

Binuksan ko ang ref nila, I decided to cook egg and bacon for our breakfast.

"Hello?" John called so I answer it immediately at ni-loudspeaker ko pa iyon dahil magluluto ako.

"Good morning." Bati niya.

"Bakit ka napatawag?" I asked, ang aga pa kasi.

"I just want to inform you na ako ang susunod sa'yo, may dadaanan pa daw kasi si Clark" He answered. Ang plano kasi ay si Clark ang susundo sa akin.

"Yeah, he already told me." Sabi ko naman.

"Alright. See you, Ada!" Aniya at binaba na ang tawag.

Habang niluluto ko ang fried rice ay dumating si Mark. He's still sleepy dahil papikit-pikit pa siya habang naglalakad palapit dito sa kitchen.

"Why are you smiling?" Tanong niya. Ang cute niya kasi kapag bagong gising. Napaka-inosente niya tignan tapos para siyang bata pero ang gwapo pa rin niya.

"Wala." Sagot ko. I don't want to say that I found him cute, paniguradong magyayabang lang siya.

"Sinong kausap mo kanina?" He asked. Buti naman at kinakausap na niya ako.

"Si John." Sagot ko kaya kumunot naman ang noo niya.

"Umagang umaga tumatawag na siya? Is there something going on between you two?" Tanong naman niya. Agad akong napangiti, nagseselos na naman.

"Wala. I already like someone else." Sabi ko naman. And I think, I'm already falling in love with him.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Nilapitan pa niya ako at hinawakan ang mga braso ko.

"What did you just said?" Tanong niya. Ngumiti naman ako.

"I said I already like someone else." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

"What the hell? Are you serious? Sino ang gagong 'yun?" He asked. Tinawanan ko naman siya.

"You'll know soon. Soon." I said and I smiled at him.

Umupo naman siya sa upuan at pinapanood akong magluto.

"Malapit na itong maluto." Sabi ko kaya tumayo siya at inayos ang mesa. He made a coffee for us too.

"Buti naman naisipan mo ng kausapin ako." Sabi ko habang nilalapag ko ang mga pagkain sa mesa.

"Hindi ko na kayang hindi ka kausapin, e. I was just really jealous." He said and he looked away.

"Bakit mo ba kasi pinagseselosan si John. Kaibigan ko lang naman siya." I said and I went closer to him. He just shrugged and he hugged me. I really love it when he hugs me, it's so comforting. It feels like home when I'm in his arms.

"Good morning. Ang aga namang gumising ng mag-asawang ito." Sabi ni ate Mia na natatawa. Agad naman akong humiwalay kay Mark.

I smiled, "Good morning, ate." Sabi ko.

Mark smirked, "Yeah. Mukha talaga kaming mag-asawa 'no?" Sabi ni Mark at inakbayan pa ako. Kinurot ko naman siya kaya napatawa nang malakas si ate Mia.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now