CHAPTER 12

127 6 0
                                    

Chapter 12

"What are you doing here!?" Napatayo ako dahil sa nagsalita. It's Maria.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan. Bakit ka nandito?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

Tumawa siya, "Nandito ako para bantayan si Ralph. He needs me." Sabi niya.

Ako naman ngayon ang tumawa. He needs her? Okay lang ba siya?

"Why would he need you here? Ako ang girlfriend, ako ang kailangan niya." Sabi ko naman. Kababalik ko pa lang dito ay nakita ko na naman ang babaeng ito.

"Girlfriend?" Tumawa siya.

"You're so funny, Janine. He got into an accident because of you tapos ano? Pag-gising niya malalaman niya na sumama ka lang pala sa ibang lalaki? Poor Ralph, he got cheated on." Aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya. 

She just laughed, "Ang lakas ng loob mong manampal. Patunay lang 'yan na totoo ang mga sinabi ko. Janine, wala ka bang konsesya? Naaksidente si Ralph tapos lumalandi ka lang sa iba?" Sinampal ko siya ng mas malakas.

"Lumalandi? Hindi ba't gawain mo 'yun? Kaya nga hindi maayos ang relasyon namin ni Ralph dahil sa'yo. Stop accusing me and get out of here!" Sabi ko.

"Dahil sa akin kaya magulo ang relasyon niyo? Come on, Janine. You know that I am better than you. Ralph deserves better, hindi 'yung niloloko." She said then she smirked. Mas lalo akong nagalit dahil sa sinabi niya. Nilapitan ko pa siya lalo. She stepped backward habang ako ay lumalapit. I slapped her again. Sinabunutan ko din siya.

"Damn it, Janine! Stop it! Nasasaktan ako! Ano ba!?" Malakas na sigaw niya.

"You deserve it." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko sa kaniya.

"You don't deserve Ralph. Tangina, Janine! Iwan mo na lang siya kung may iba ka na. Kawawa naman 'yung tao." Sabi niya kaya sinampal ko ulit siya nang malakas.

"Wala akong iba! You don't know anything!"

"Janine!" Sigaw ni Ashley nang makita kaming dalawa ni Maria. Napatigil ako nang narinig ko siya.

"Stop it." Ani Ashley at hinila ako palayo kay Maria.

"Ano ba'ng ginagawa mo, Janine?" Tanong sa akin ni Ashley.

"What do you think? Eh, siya naman 'yung malakas ang loob para pumunta dito. Sino ba siya sa tingin niya?" Sabi ko naman. She's the reason why Ralph and I are fighting. Siya na lang lagi. 

"Can you just please stop? Sa tingin mo ba may mangyayari sa ginagawa mo?" Ani Ashley. Natigilan ako. 

Nang kumalma kami ay umupo kaming tatlo. Nakaupo si Ashley at Maria sa couch at ako naman ay nasa upuan na malapit sa kama ni Ralph.

Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napatingin lamang ako sa gawi nila nang nag-salita si Ashley.

"Are you okay?" Tanong ni Ashley kay Maria. Binalik ko din ang tingin ko kay Ralph.

Tumango naman si Maria, "Yeah." Simpleng sagot niya.

"Hindi pa ba siya gumigising?" Tanong naman ni Maria.

Ashley sighed, "Hindi pa." Sagot naman niya.

"Maria, umuwi ka muna. You need a rest, remember? Tatawagan na lang kita kapag nagising na si Ralph." Nagulat ako sa sinabi ni Ashley kaya napatingin ulit ako sa kanila.

Pumayag naman si Maria sa sinabi ni Ashley at umalis na ng kwarto. HInatid naman ni Ashley si Maria sa labas. I am left alone in his room.

Tinitigan ko siya habang natutulog. Hindi ko napigilan ang iyak ko. Ang dami kong kasalanan sa kaniya. Siguro nga tama si Maria, I don't deserve Ralph because I'm just hurting him.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now