CHAPTER 9

118 5 0
                                    

Chapter 9

It's been three days. I haven't heard anything from Ralph. Hindi ko alam kung nakabalik na ba sila galing sa bakasyon o nandoon pa din sila. Maria must be happy that she's with Ralph at nag-away kami dahil sa kaniya.

Napaisip ako.

Talaga bang kailangan niya si Ralph dahil sa pang-aabuso sa kaniya ng step mom niya? O ginagawa niya lang excuse 'yon para makasama si Ralph? I don't know anymore.

Sobra na akong nasasaktan sa ginagawa nila pero hindi ko magawang makipaghiwalay. Natatakot ako na baka kapag nawala siya sa buhay ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. He's my everything now. Kasama siya sa future na plinano ko. I can't even imagine my life without him.

Nanatili lamang ako sa bahay ng tatlong araw. I admit that I was waiting for Ralph. Umaasa ako na pupuntahan niya ako pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. Sa tatlong araw na nandito ako, hindi ko sinasagot ang mga tawag at text nina Mark at Ashley.

Mark keeps on calling and texting me. Chinachat niya din ako sa mga social media accounts ko pero hindi ko pinapansin.

Dahil wala akong magawa ay nag-facebooo muna ako. Ngayon ko na lamang bubuksan ang account ko dahil wala akong oras para dito.

Pinagsisihan ko ang ginawa ko dahil ang nakikita ko sa newsfeed ko ay puro picture ni Ralph na in-upload ni Maria. At ang iba ay picture nilang dalawa.

Napapikit ako.

Some people are asking if they are back together in the comments. It's a bad idea that I opened my facebook

Lumabas ako ng bahay. Pumunta ako sa park na malapit sa amin. Maraming mga bata doon na naglalaro. Napangiti ako. Buti pa sila walang pinoproblema.

Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Maria doon. Nananadya ba ang tadhana? Bakit nandito na naman ang babaeng 'to? She looks so happy. Of course, nasa kaniya na ang atensyon ni Ralph.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Kapag nakikita ko siya ay awtomatiko akong nakakaramdam ng galit. I understand her situation before pero ngayon ay naiinis na ako. It's too much. Masyado na niyang inaabuso ang sitwasyon. Isn't she aware na may nasasaktan siya sa ginagawa niya?

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad kong hinawakan ang kaniyang buhok at hinila siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Hey! What the hell? Bitawan mo nga ako!" Sabi niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya

"Stop it! Ano ba!?" Sigaw niya. Hindi ko siya pinakawalan. Galit na galit ako. Dinala ko siya sa banda kung saan wala masyadong tao.

"Stop it? Why don't you say that to yourself? Bakit hindi mo tigilan si Ralph!? Ha!?" Sigaw ko naman at tinulak siya nang napakalakas kaya napa-upo siya.

"Ano ba!? Wala naman akong ginagawang masama!" Aniya. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya. Hindi pa siya nadala sa nangyari sa Bohol.

"Wala kang ginagawang masama!? Ano sa tingin mo 'yang ginagawa ko!? You're ruining our relationship. Wala ka bang konsensya!? Tangina!" Sigaw ko sa kaniya at sinampal ulit siya nang malakas.

"Hindi ko kasalanan na nasisira ang relasyon niyo. It's not my fault that Ralph is choosing to be with me instead of you. Why don't you look at yourself? Tignan mo kung ano'ng kulang sa'yo na nahanap ni Ralph sa akin!" Sabi pa niya. Wow ha! Ang lakas ng loob! Sa tingin niya talaga pinipili siya ni Ralph? Tumayo siya ngunit sinampal ko ulit siya nang malakas at tinulak. Hindi siya natumba sa pagkakataong iyon.

"Gosh, Janine. Tanggapin mo na lang kasi na ako ang pinipili ni Ralph." Sabi niya bago siya umalis. She left. Just like that.

**

If We Never Met [Alfaro Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz