CHAPTER 14

123 7 0
                                    

Chapter 14

That night, I got a lot of missed calls from Ralph. Hindi ko nasagot ang tawag niya dahil hindi ko naman hawak ang cellphone ko. I waited for hours but he didn't call again. I even tried calling him but he's not answering, baka nakatulog na siya agad dahil napagod siya sa kaniyang byahe.

I understand. Wala naman siguro akong ikakabahala, he's in Bohol. Malayo siya kay Maria.

Dalawang araw na ang nakalipas nang umalis si Ralph papuntang Bohol. Nakakatanggap ako ng mga text galing sa kaniya ngunit hindi madalas. Siguro ay sobrang busy niya sa kanilang business especially that he's the one who's in-charged of everything right now.

From: Ralph

Hi. Kumain ka na ng lunch. Kakain na din ako. Sorry, I'm just busy. I'll call you later, promise. I miss you, baby. I love you

Napangiti ako sa kaniyang text. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita para na rin masabi ko sa kaniya ang tungkol kay Mark. I can't tell him thru phone kasi tuwing sinusubukan ko ay kinakailangan na siya sa business nila. And also, I want to tell him in person.

Bumaba ako para kumain. Wala kaming pasok ngayon kaya nandito lamang ako sa bahay. I was surprised when I saw Mom and Dad. Ang akala ko ay magiging busy sila ngayon dahil 'yon ang sinabi nila.

"Anak, ipapatawag sana kita. Halika, let's eat." Ani mommy. Ngayon na lamang ulit kami nagkasama-sama sa lunch dahil may pasok naman ako tuwing weekdays at kapag weekends naman ay wala sila at ako lang ang kumakain mag-isa.

Umupo kami at nagsimulang kumain, walang nagsasalita ng ilang minuto. I can sense that they will say something that can annoy me again.

"Mark will be here later." Sabi ni Dad kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit na naman? I mean wala namang kaso sa akin kung nandito si Mark pero dahil si Daddy ang nag-sabi ay hindi ko mapigilan ang kabahan.

Mukhang hindi naman nagulat si Mommy sa sinabi niya. Maybe, she knew it and maybe they are planning something.

"Akala ko po ba next week pa ang dinner kasama sila?" Tanong ko. 

"Yes, next week pa. Bakit? Hindi ba pwedeng pumunta si Mark dito? I invited him." Sagot ni Dad. He invited him... And that makes it doubtful. But of course, I didn't said that so I just shook my head. Wala naman akong magagawa at wala naman talang problema kapag nandito siya, it's just weird that Dad was the one who invited him.

"By the way, about Ralph. Wala na ba kayo?" Tanong ni mommy. Napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya? Ito pa din ba ang issue? Akala ko wala na 'to dahil hindi na namin pinag-uusapan.

"Mom, you know that I can't do that. Mahal ko si Ralph." Sagot ko naman.

"Mahal? Anak, he'll be happy with someone else. He can love someone else. Why can't you just be happy with someone else too? Someone who will not hurt you?" Aniya. Hindi ako makapaniwala na pinipilit pa din nila ang bagay na 'to. So what kung masaktan ako ni Ralph? For fuck's sake, that's part of being in a relationship.

I'm annoyed. I wanted to get mad but I tried to remain calm.

"Mom, let's stop talking about this. Kumakain po tayo." Sabi ko ngunit hindi pa rin siya tumigil.

"Kung hindi nating pag-uusapan ito ngayon, kailan pa? Alam mong hindi ito maiiwasang pag-usapan." Sabi niya. Tumigil ako sa pagkain. Ngayon na nga lang kami sabay na kumain ng lunch, ganito pa ang mangyayari?

I sighed, "Bakit po ba gustong-gusto niyo kaming maghiwalay?"

"You're getting married. Ikakasal ka sa iba. It's better to break his heart now. Mas gugustuhin mo bang sabihin sa kaniya the day of the wedding?" Sabi naman niya kaya napapikit ako. I really can't believe it. They are still pushing that idea?

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now