CHAPTER 32

142 4 0
                                    

Chapter 32

It's been a month after James' wedding. Sa loob ng isang buwan, puro lang ako trabaho at sa pamilya ko. Naging busy din kasi talaga si Mark kaya ako ang sumusundo kay Kenzo sa bahay nina Tita. And I became busy too. Sobrang daming kaso ang dumadating pero updated pa din naman ako sa mga nangyayari. So far, hindi ko pa naman ulit nakita si Ralph. Hindi ko alam kung nasaan siya, wala naman siyang nababanggit sa group chat naming magkakaibigan.

"Love, are you ready?" Napatingin ako kay Mark na nasa pintuan.

"Yes. Kunin ko lang bag ko." Sabi ko. Tumango naman siya at umalis na. May usapan kasi kaming pumunta sa mall ngayon para mag-bonding na din. Sobra kasi kaming naging busy ni Mark, and now we want to spend time with our son.

Pagbaba ko ay naabutan ko silang dalawa na nakaupo sa sofa.

"Let's go." Napangiti ako dahil sabay pa sialng lumingon sa akin. They are matching clothes. Napaka-cute nilang dalawa.

"Daddy, I want to go to Bohol, too." Sabi ni Kenzo nang nasa sasakyan kami. He's talking nonstop. Simula noong umalis kami sa bahay ay nagku-kwento siya.

"Ask mommy." Sabi naman ni Mark kaya napatingin sa akin si Kenzo.

"Mommy, let's go to Bohol?"

"Okay, baby."

"Yay! Thank you, mommy!" Masayang sabi niya at hinalikan pa ako sa aking pisngi.

"Kailan ka ba babalik doon?" Tanong ko kay Mark.

"Next week."

"Okay. Magli-leave ako."

Excited na bumaba si Kenzo sa sasakyan. Dumiretso kami sa bilihan ng sapatos. Gusto daw nilang bumili. Napakadami nilang sapatos sa bahay at pipigilan ko sana sila kaso ayoko namang malungkot si Kenzo kaya hinayaan ko na lamang sila sa gusto nila.

Hawak ni Kenzo ang kamay ni Mark habang naglalakad sila. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng picture.

"Mommy! What do you want?" Lumapit si Kenzo sa akin kaya niyakap ko naman siya.

"Why? Are you going to buy one for me?" I asked, still hugging him.

"Daddy will buy for you." Sabi niya at tinuro pa ang tatay niya. Mark looked at us and he smile. Lumapit din siya at hinalikan si Kenzo sa noo pagkatapos ay ako naman.

"Choose what you want. Dito muna kami ni Kenzo." Ani Mark at umupo sa inuupuan ko kanina.

"Hindi na kailangan." Sabi ko naman. I still have a lot of shoes and I don't need a new one. Mas mabuting ibili na lang sa mas mahalagang bagay ang ipangbibili ng sapatos. I know that money is not a problem with him but he should know the limitations.

"Sige na, love. Choose what you want." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi na, Mark. Bayaran mo na 'yung napili niyong dalawa para makaalis na tayo dito." He sighed but he smiled after. Tumayo siya at nagbayad na.

Kenzo and I waited for him to finish. And when he's done, agad niyang pinalupot ang kamay niya sa bewang ko. He's so clingy.

"Where do you want to go next, baby?" He asked Kenzo.

"I want to watch, dad." Tumango naman si Mark at hinawakan ang kamay ni Kenzo.

We let Kenzo choose what to watch. Siya naman ang may gustong manood ng sine, e. I volunteered to buy the tickets habang sila ay bumili ng snacks.

Pumasok kami sa sinehan, medyo maraming tao ngayon dahil weekend. Pumwesto kami sa may gitna. Nasa gitna namin si Kenzo na sinimulan na ang pagkain sa popcorn na binili nila. Hindi nauubusan ng kwento si Kenzo kaya habang hinihintay namin ang palabas ay nagku-kwento siya sa tatay niya, nakikinig naman sa kaniya si Mark nang mabuti.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now