CHAPTER 20

186 5 0
                                    

Chapter 20

"Congratulations!" Bati ni Mark.

It's graduation day

Dapat ay masaya ako dahil tapos na ang paghihirap ko sa law school pero hindi ko magawa.

I'm still not okay...

And I don't know when will I be okay.

"Come on, Jaja. Ngumiti ka naman, please. It's your graduation!" Mark keeps on cheering me up. Kanina pa niya ako sinusubukang pangitiin.

Seryoso ko lamang siyang tinignan, "Mark, stop it. Hindi ka ba napapagod?

"No. Bakit ako mapapagod? I want to see you smile. Gusto kong maging masaya ka. Your happiness is my priority, you know that." Priority. Buti pa siya kaya akong gawing priority. Buti pa siya hindi napapagod sa akin.

It's been a month since he broke up with me. Wala akong narinig mula sa kaniya. He never texted me again. Ni hindi ko nga siya makita, talaga atang iniiwasan niyang magtagpo kami. Sa buong buwan, lagi akong pumupunta sa bahay nila pero lagi din siyang wala.

Para siyang nawala bigla.

Hindi ko lang kasi maintindihan, akala ko okay na kami. Maayos naman kami before the exam, kahit na alam kong hindi na kami kagaya ng dati. I understand that. Hinayaan ko kahit gustong gusto kong magtanong sa kaniya.

Ganon ba talaga? Magigising ka na lang isang araw tapos ayaw mo na? Susuko ka na?

"Your parents are on their way." Hindi ako nagsalita. Okay na kami ng parents ko, hindi ko nga alam kung dahil lang ba sa wala na kami ni Ralph o talagang gusto nilang magkaayos kami. Pero kahit ano pa man ang dahilan, okay na. Ayoko din naman na hindi kami okay ng matagal. They are still my parents.

Nanatili akong nakatingin kay Mark. He's been with me for the whole month. Hindi siya umalis sa tabi ko. Tahimik lamang siya sa gilid kapag umiiyak ako o 'di kaya'y naglalabas ako ng sama ng loob.

He's very patient. Inaalagaan niya ako. Lagi niya akong nire-remind na kumain. Kahit na nasa opisina siya ay parati ang text at tawag niya sa akin. Maaga din siyang umaalis sa opisina para puntahan ako sa bahay. Iyon ang ginawa niya sa isang buwan.

"Jaja, we're here for you. Nandito pa kami, nandito pa ako. You know that I'll always be here for you. It's your day, dapat masaya ka." He said and he pinched my cheeks.

"Aray! Ano ba!?" Reklamo ko at sinuntok siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko.

"Seriously, Jaja. Life goes on. Nandito pa kami para sa'yo." Sabi niya.

"It's hard, you know." Sabi ko naman. Hindi naman ganon kadali 'yon. It takes time to be okay.

"I know. Pero kahit ngayon lang, Ja. Ang tagal mong hinintay 'to. Kahit ngayon lang. Kalimutan mo muna 'yan." Tumango ako. He smiled at me. Susubukan ko. Tama naman siya, matagal kong hinintay 'tong araw na 'to. I should atleast try to enjoy this day.

"Congratulations, anak!" Masayang bati ni mommy at niyakap ako. Ganon din ang ginawa ni daddy.

I smiled at them.

Tama si Mark. Atleast, I still have my family.

**

When the ceremony was over, pinuntahan ko agad sina mommy. Kita ko ang saya sa mga mukha nila. I know that they are proud of me.

"For you. Congratulations again!" Ani Mark at inabot sa akin ang bouquet of flowers. Napangiti ako.

"Oh, you smiled!" Masayang sabi ni Mark. Big deal ba talaga ang pag-ngiti ko?

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now