CHAPTER 21

161 5 0
                                    

Chapter 21

"Mark, nasabi mo na ba kay Janine?" Tanong ni Dad. Napatingin naman ako sa kanila.

"About what?" Tanong ko.

"We'll go to Florida." Sagot ni Mark.

"Why?" I asked. Bakit kailangang pumunta doon? I mean, I know that he's busy with their business.

"Hindi ka ba busy sa business niyo?" Tanong ko pa. He just smiled at me.

"Anak, you need a break. Didn't you tell us that you need to take a break first?" Sabi naman ni mommy.

Yeah, I can remember mentioning about having a break. Pero hindi naman kailangan na kasama ko si Mark.

"Okay. Pero hindi naman kailangang sumama ni Mark. Kaya ko pong mag-isa." Sabi ko. Seriously, may mga ibang pinag-kakaabalahan din naman si Mark. Yes, he's the one who's there for me for the past weeks pero hindi naman kailangan na samahan niya pa ako. Masyado ko na siyang naaabala.

"We know that you can go alone but Mark insisted. He wants to go with you." Ani Mommy kaya napatingin ako kay Mark.

"Mark Jameson." Mariin kong sabi at tinignan ko siya nang masama pero tumawa lang siya.

"Don't worry about the business. Meron naman si Dad, I'm sure he can handle those." Aniya at ginulo pa ang buhok ko.

"Hayaan mo na, anak. He needs a break too." Sabi naman ni Dad.

I guess, wala na akong magagawa. Alam ko naman na ideya lahat ito ni Mark. Ginagawa niya 'to dahil gusto niya akong tulungang makamove on. Well, I appreciate that but he doesn't need to sacrifice his time for me.

Sa ilang buwan, lagi siya ang kasama ko. Didiretso siya dito sa bahay pagkatapos ng trabaho niya, uuwi lang siya kapag nakatulog na ako. Minsan pa nga ay hindi na siya pumapasok para lang samahan ako buong araw. He doesn't want me to be alone, gusto niya lagi siyang nandiyan para makinig sa mga gusto kong sabihin.

"Kailan tayo aalis?" Tanong ko kay Mark kaya napatingin siya sa akin. Pumasok na sina mommy at daddy sa loob kaya kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa labas ng bahay.

He smiled, "Next week, may kailangan lang akong gawin bago tayo umalis. Are you excited?" Aniya.

Sinimangutan ko siya. Alam ko naman na sobrang busy niya talaga kaya hindi naman niya ako kailangang samahan. He can stay here.

"I am. But Mark, you don't have to go with me. You have work. I can go alone." Sabi ko. I'm trying to convince him to just stay here.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako nang seryoso.

"But I don't want you to go alone. I won't allow you." Aniya.

"Mark Jameson Alfaro!" Banggit ko sa buong pangalan niya.

"You know that I love it when you call me with my full name. Mas nakaka-inlove, Jaja." He said and smirked. Hindi nagtagal ay muli siyang sumeryoso, kinakabahan ako tuwing ganito siya, alam ko kasi na may sasabihin siyang seryoso.

"There's no giving up now, Jaja." Napatitig lamang ako sa kaniya and he's staring back. Para akong natutunaw sa kaniyang tingin.

Damn.

My heart's beating so fast.

Sobrang bilis ng tibok ng puso na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro. He has this effect on me. This effect that I keep on denying before, siguro nga all this time, tama si Ashley. Tama lahat ng sinabi niya pero pilit kong ipinagpipilitan ang nakasanayan ko.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon