CHAPTER 15

153 5 1
                                    

Chapter 15

Nanatili ako sa labas habang patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko. Umiiyak na naman ako.

Naramdaman ko ang paglagay ng jacket sa akin ni Mark.

"Let's go inside. Malamig, baka magkasakit ka." Aniya at hinawakan ang balikat ko. Sumunod ako sa sinabi niya. I can't be sick, kailangan kong magpaliwanag kay Ralph at kailangan kong ayusin ang relasyon namin.

Dumiretso kami sa dining area. Pinaupo niya ako at kumuha naman siya ng tubig. Inabot niya iyon sa akin kaya tinanggap ko iyon. Umupo siya sa harap ko at tinitigan ako. Umiwas naman ako ng tingin. Lagi na lang ba akong umiiyak kapag nakikita ako ni Mark?

"M-mark." Nanghihina kong tawag sa kaniya. Nawalan ako ng lakas dahil sa nangyari kanina. Sobrang sakit. Sobrang nakakahina.

"Yes?"

"A-anong gagawin ko?" Tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang, kahit na gustong gusto kong ayusin ang lahat, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko makakausap si Ralph?

"Let's talk about it later. Kain muna tayo? Hindi ka pa kumakain." He said instead of answering my question.

"What do you want to eat? Gusto mo bang bumili ako? Meron pa namang bukas na fast food chain. Or should I cook for you?" Sabi pa niya. Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko sa kaniyang mata kung paano siya nag-aalala sa akin ngayon.

"Huwag na. Hindi ako gutom." Sabi ko na lang. Hindi ako makaramdam ng gutom. Nawala ang gutom ko dahil sa nangyari kanina.

"But you didn't eat dinner. You need to eat." Pagpupumilit niya.

"Ikaw na lang, wala akong gana." He sighed because of what I've said.

"Okay, hindi na." Aniya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ako sa kaniya.

"I'm sorry. I shouldn't have stayed in your room." Again, he's apologizing. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Kahit na ilang beses kong sabihin na tigilan na niya ang pagso-sorry dahil wala naman siyang ginagawang kasalanan ay palagi niya pa ding ginagawa.

"You should rest first, Ja. Kausapin mo na lang siya mamayang umaga. Or better, give him time. Hayaan mo muna siya, galit siya ngayon, mahihirapan kang magpaliwanag." Sabi niya. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinabi niya o hindi. Ayaw kong ganito kami ni Ralph ng matagal. Gusto kong makapagpaliwanag na at maayos na kami.

Tumango ako sa sinabi niya. Hinatid niya ako sa aking kwarto.

"Uuwi na din ako. Babalik ako mamaya. Matulog ka, okay? I'll see you later." Sabi niya at pinatay na ang ilaw ng aking kwarto. Lumabas na rin siya. Natulala lang ako dahil sa nangyari kanina. I can't sleep knowing that Ralph and I are not okay.

Instead of sleeping, nag-isip ako ng pwedeng gawin para maayos na ang relasyon namin. Alam kong galit na galit siya at hindi ako sigurado kung makakausap ko siya ng maayos ngayon. I want to do what Mark said but there's a part of me saying that I should fix everything now. Wala ng ibang panahon, ngayon na dapat.

Sa tagal ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang umaga na. I didn't sleep. Agad akong tumayo at nag-ayos. Pupuntahan ko si Ralph.

Alas sais pa lamang ng umaga ay lumabas na ako ng bahay. Ginamit ko ang aking sasakyan. Naisipan kong magtungo sa bahay nina Ralph, siguro ay nandito siya.

Nang makarating ako doon ay ang katulong nila ang una kong nakitang naglilinis sa labas ng bahay nila.

"Good morning po." Bati ko sa katulong nila. Napatigil naman siya pagwawalis at tumingin sa akin.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now