CHAPTER 23

147 5 1
                                    

Chapter 23

"Where are you going?" Tanong ni Mark nang makita niya akong nakabihis.

"Lalabas." Simpleng sagot ko.

"Lalabas na naman? For months, Janine, lagi tayong lumalabas." Aniya.

"So, hindi na pwedeng lumabas ganon?" I asked. Tinignan naman niya ako nang masama.

"I have things to do, hindi kita masasamahan." Aniya.

"It's okay. Hindi naman ako magpapasama sa'yo." Sabi ko naman. His forehead creased.

"Ano?" He asked.

I rolled my eyes, "Bingi ka ba? Sabi ko hindi naman ako nagpapasama sa'yo."

"You're going alone? No way! Hindi ako papayag." Sabi naman niya. Ito na naman tayo, lagi niya na lang akong hindi pinapayagang lumabas mag-isa. Ang tagal na namin dito, hindi naman ako mawawala atsaka pwede naman akong magtanong tanong sa mga tao dito kung mawala man ako.

"At bakit? Grabe ka kung makapagbawal. Tatay na ba kita ngayon Mark?"

"I won't allow you to go out alone. Papayagan lang kitang umalis kapag may kasama ka. Ate Mia's not here so no one can go with you." Sabi niya.

"May kasama naman ako." Sabi ko naman. I'm actually planning to text Clark and John to hang out with me para naman hindi si Mark ang palagi kong kasama.

"Sino?" Tanong niya.

"Secret."

"Sino nga?" Tanong niya ulit. Napaka-seryoso na niyang tignan ngayon.

"You don't need to know. Sige na, aalis na ako." Sabi ko at aalis na sana kaso hinawakan niya ang braso ko nang dumaan ako sa harap niya.

"What?" I asked.

"I said you can't go out alone." He said.

"Magpapasama nga ako kay Clark" When I mentioned his name, biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Wait for me, then. Magpapalit lang ako." Aniya.

"Akala ko ba may gagawin ka?"

"Sa tingin mo hahayaan kitang kasama mo siya? No. So, wait here." Sabi niya at umakyat na sa kaniyang kwarto para makapagpalit.

Wala naman akong magagawa. Umupo na lang ako sa sofa habang hinihintay siya. I decided to text John, medyo matagal na kasi kami dito pero hindi ko pa siya nakikita. Actually, we're here for almost a year now.

To: Janine

Hey! This is Janine. Got your number from Clark. Nagkita kami sa airport noon. I miss you!

I sent a text to John. Matagal ko na kasi talaga siyang hindi nakikita. Dapat ay magkaroon kaming apat ng reunion. Next time, I'll go back here with Ashley. Sigurado akong miss na din nila ang babaeng iyon.

From: John

Nandito ka sa Florida? Why didn't you inform me? Wala ding sinabi si Clark sa akin. Are you with Ashley? I miss you too.

Napangiti ako dahil sa bilis niyang mag-reply. Knowing John, hindi iyon nagbabasa madalas ng mga text niya. Noong high school kami ay ganon siya. Naalala ko noong high school kami, kung hindi pa naming sasabihin sa kaniya na may inannounce sa gc ay hindi niya talaga bubuksan iyon. He's not a fan of texting, he prefers calling. Kaya kapag kailangan na kailangan namin siya ay tinatawagan namin siya at hindi tinetext.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now