CHAPTER 8

137 7 0
                                    

Chapter 8

Two months had passed since the talked about me and Ralph breaking up happened. And so far, we haven't talked about it again. Sa loob ng dalawang buwan na 'yon ay ilang beses ko lang atang nakasama si Ralph. Of course, I didn't mention anything to him kapag nagkikita kami, wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang lahat. I want to fix everything first before I tell him. At sa loob ng dalawang buwan ay lagi kong nakakasama si Mark kahit na sobrang busy niya sa trabaho ay nagagawa niya pa ding puntahan ako.

Those two months, nagisip-isip ako kung ano'ng gagawin ko. Sinunod ko ang advice sa akin ni Ashley. I need to think. At kailangan ko nang mamili kung ano'ng gagawin ko para matapos na 'to.

Bakasyon namin ngayon. Ang plano ng aking mga magulang ay mag-bakasyon kasama si Mark but Mark is really busy with their business. I told him that he shouldn't cancel his meetings. Kaya kami lang ang natuloy sa bakasyon namin at kasama namin si Ashley. I invited Ralph pero sabi niya kailangan saw siya ni Maria. Nasaktan ako nang sinabi niya iyon pero wala naman akong magagawa and I think it's better without him here, baka magkagulo lang kami ng pamilya ko.

We went to Panglao Island in Bohol.

"Ang ganda dito. Excited na akong pumasyal bukas." Masayang sambit ni Ashley nang makapasok kami sa aming kwarto. She's right, Panglao Island is the most popular tourist spot here in Bohol at madaming pwedeng gawin dito.

Sabay kaming napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito. It's Mark, he's calling.

"We just got here, miss ka na niya agad?" Pang-aasar niya. Ashley and Mark are okay, sumasama kasi si Ashley minsan kapag lumalabas kami ni Mark. They are friends, actually.

Ngumiti na lang ako at inabot ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Hi. Nakarating na kayo?" Tanong niya.

"Yeah. Bakit ka napatawag? May sasabihin ka?" Tanong ko naman.

"Wala naman. I just want to talk to you. Medyo stress sa work, so I need to atleast hear your voice since you're not here." Sagot niya at napangiti ako.

"I miss you..." Dagdag pa niya. Hindi ako sumagot.

"Sige na. I need to work. Magpahinga ka na. Bye." Sabi niya at binaba na ang tawag.

"Ja, you know what..." Panimula ni Ashley. Napatingin ako sa kaniya.

"What?"

"You look so happy when you're talking to him. Matagal ko nang napapansin 'yan kapag magkasama kayo. I've never seen you like that before. Ganiyan ba talaga ang epekto niya sa'yo?" Ani Ashley. Do I really look so happy?

"I don't know. I'm just happy to talk to him." Sagot ko.

"You really like him, huh? So, what will you do now? Are you choosing Mark over Ralph?" Tanong niya. Napatigil ako.

"I love Ralph. That won't happen." Sagot ko ngunit umiling-iling siya na parang hindi siya satisfied sa narinig niyang sagot mula sa akin.

"You love Ralph but it's obvious that you like Mark. Baka hindi mo mamalayan si Mark na ang mahal mo because you know what, you're getting there. Nakasanayan mo lang si Ralph ang mahal at ayaw mi lang aminin sa sarili mo. I'm not saying this because I'm pushing you to choose Mark. I'm just saying this to help you, kasi ayaw mong umamin sa sarili mo, e." Sabi niya. Ako naman ngayon ang umiling.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Where stories live. Discover now