Chapter 10

167K 4.2K 2.1K
                                    

Chapter 10
Revelation

"I'm gonna miss Davao..."

I smiled while looking at Xylia, admiring my hometown for the last time before we go back to Manila for our upcoming wedding. Pagkatapos ng kasal namin doon ay iuuwi ko siya pabalik at kung papayag siya'y papakasalan ko siya ulit dito.

"Mamimiss ka rin daw ng Davao," I heard Kuya Vince said.

Bago ko pa siya malingon ay nakita kong agad na siyang nakalapit kay Xylia upang yakapin.

Napakunot naman ang aking noo habang pinagmamasdan ang aking kapatid na hinahagkan ang aking mapapangasawa lalo na nang nakita ko ang pagbulong nito. I don't know why I'm getting jealous. He's my brother and he already has a wife.

Pakiramdam ko'y mayroon silang sikreto na hindi ko alam. That kind of thought made me feel so frustrated. I want to know what they're talking about. I hope they will stop whispering to each other already.

"Kuya, magkikita pa rin naman kayo bukas," hindi ko na napigilan ang pagsingit sa kanilang masasayang sandali. "Masiyado na kayong close na dalawa."

Mas lalo naman akong nakaramdam ng pagkakairita nang humalakhak si Kuya na tila iniinis pa ako. Nang pakawalan niya si Xylia ay agad ko itong hinatak pabalik sa tabi ko.

I'm getting really paranoid. I'm not really a fan of the kind of feeling that I'm feeling whenever she's far from me.

Pakiramdam ko'y kapag hinayaan ko siyang makakawala sa aking bisig kahit saglit lang ay magkakaroon siya ng tiyansang lumayo ng mas malayo sa akin.

"Baka nakakalimutan mong kasal na ako, Brendt. Huwag mo na akong pagselosan," pagpapaalala sa'kin ni Kuya Vince.

"I'm not jealous," I defended myself that only made Kuya Vince laughed harder.

Nang makabalik ng Manila galing Davao ay iniuwi ko na si Xylia sa aking bahay. There's no use in going home to her unit, when she's going to live here after two days. My home is already her home.

"I'm so sleepy!" Xylia whined as she dropped herself on the couch.

I tried to purse my lips, not to smile but she's too cute. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko habang tinitignan siyang parang bata na pagod.

Napasadahan naman ng aking tingin ang center table kung saang nakaipit pa rin sa ilalim ng vase ang invitation nina Sean at Sandra. Nawala ang aking ngiti nang maalalang ngayon nga pala ang kanilang kasal. They'll get married again today to renew their vows.

If I decided to attend their wedding, I still have enough time.

But I can't bring Xylia with me. She's tired from our trip. Maaga pa naman kaming nagising kanina para sa aming flight pabalik dito sa Maynila. And I also don't want her to think that I'm still not over Sandra, just because I want to attend their wedding. That's not the reason I have in mind.

It's best if she would just stay here under my roof.

Muli kong nilingon ngayon si Xylia na nakatingin na rin sa invitation.

"Are you tired or sleepy?" tanong ko naman sa kaniya upang kuhanin ang kaniyang atensyon. "You can rest at my room."

"Ikaw din. Samahan mo ko," sabi niya at saka inabot ang kaniyang kamay.

Make Her Mine In 50 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon