Chapter 13

154K 4.2K 706
                                    

Chapter 13
Watch

"Brendt, Clar's already downstairs—"

Napatigil naman si Ate Christine nang makita ang polaroid na kanina ko pa tinititigan na para bang makakakuha ako ng sagot sa mga katanungan ko kung tititigan ko ang batang lalaki na kasama ni Clar.

I kept on picturing myself with the boy on the picture. He reminded me so much of me, back when I was still a child. I know it might be impossible, but... what if this little boy's my son?

It's really impossible... This boy is Kiel's nephew. I wonder who among his cousins is the mother or father of this boy. If the boy is his nephew, it should be one of his cousins who's the parent of this child. It can't be Kelsey since she's already dead. Dalawa lang naman silang magkapatid.

Nilingon ko naman si Ate Christine habang tangan-tangan pa rin ang polaroid picture. "Where's Kuya?" tanong ko. "Is he still watching a movie downstairs?"

Ate Christine shook her head. "He's inside the study room," she answered. "Kami nalang ni Clar ang nanonood sa baba. May kailangan daw kasi siyang asikasuhin."

Muli kong binaba ang aking tingin sa polaroid picture. Maybe Kuya would be able to answer my questions about this boy. Hindi ako mapakali hangga't hindi ako nakakasigurado.

"Nakita mo na ba siya?" bigla namang tanong sa akin ni Ate Christine na bahagya nang nakalapit sa akin.

"Who are you pertaining to?" I asked her back.

"I only knew her before as Vince's first girlfriend and first love. Hindi ko alam na siya rin pala ang ex-fianceé mo," sabi ni Ate Christine. "Nalaman ko lang noong nakita namin siya sa mall."

Kumunot naman ang aking noo. "Nakita niyo si Xylia?"

Ate Christine nodded. "She was with a man and a little boy that time..."

Nagulat naman ako sa walang pasabing pagkabog ng aking puso. Pakiramdam ko'y malapit ko nang makuha ang mga kasagutan na gusto kong malaman kaya ganito na lamang ang pagkabog ng puso ko.

A little boy...

"W-When did you see her?" halos mautal-utal ko nang tanong.

"Last week," agad niyang sagot. "Ang sabi ni Vince ay kakauwi lang daw no'n mula New York."

Kumunot naman ang aking noo habang isa-isa nang naglalaro sa isipan ko ang mga katanungan. "Bakit hindi sinabi sa'kin ni Kuya?"

Kuya Vince should've told me about it. He knew how much I've wanted to see Xylia again. Alam niyang hinihintay ko ang pagbalik nito ngunit napili niyang itago sa akin. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit niya inilihim sa akin.

"I don't know," sagot naman ni Ate Christine. "Lumayo na kami ni Clar sa kanilang dalawa dahil alam kong may dapat silang pag-usapan at mayroon nga. I just don't know what, but I trust your brother."

My eyes suddenly widened when a wild guess started to formulate inside my mind. It may be impossible but... what if Kuya Vince's cheating on Ate Christine? What if Kuya and Xylia are having an affair after all these years? Kaya alam ni Kuya na nakabalik na si Xylia at hindi niya man lang sinabi sa akin.

Napailing-iling naman ako sa aking pag-iisip. "No..." bulong ko. "I won't let that happen..." sabi ko at agad na naglakad papalabas ng kwarto upang mapuntahan si Kuya Vince.

Make Her Mine In 50 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon