Chapter 17

186K 5.1K 1.2K
                                    

Chapter 17
Single

"Dad, c'mon! Let's play!" Brayden shook my arms to get my attention that was sticking at the sight of Kiel and Xylia.

Pinunit ko ang aking tingin mula kina Kiel at Xylia upang ibigay iyon sa aking anak. I'll deal with them after I deal with my son. Titiisin ko muna ang sakit na makita silang dalawa.

"What do you want to play, little boy?" I asked him and smiled.

Kahit nasaskatan akong makita si Xylia na may kasamang iba, makita ko lang si Brayden ay kay dali lang mawala ang sakit. It's amazing how my son can take away the pain.

He enthusiastically raised two control cars. "Racing, Dad. Let's race!" he exclaimed and ran towards a box.

Lumapit din ako roon at sinilip ang laman ng box. Nandoon ang mga kagamitan upang maayos ang race track kung saan magkakarera ang mga laruang sasakyan.

"But first, we need to build the race track, right?" I asked him, and he nodded while clapping his hands.

"Yes, yes!" he cheered.

Napangisi naman ako at saka ginulo ang kanyang buhok bago namin sinimulan na ayusin ang race track sa garden upang makapaglaro na kami.

So, one of the things that my son likes is playing control cars. He likes control cars. Mukhang sanay na sanay na siya sa pagbubuo ng race track dahil alam niya kung saan dapat nakalagay ang bawat parte nito.

"Ready, set, go!" Clar shouted, and we both started to race as we manipulated the controllers.

I took a glance at my son and saw that he's fully focused in winning the race. Hindi niya na rin tinitingnan ang controller na kanyang hawak at diretso lamang ang tingin niya sa control cars. Napatigil ako sa pagpapatakbo ng laruang sasakyan habang namamanghang tinitingnan si Brayden.

"Daddy, why did you stop?" Brayden was frowning as he stared at me.

"Oh, sige, let's start again," natatawa kong sabi at sabay na naming pinabalik ang mga control cars pabalik sa starting line.

Nang makitang nakaayos ng ang mga sasakyan ay muling pumwesto si Clar upang sabihin ulit ang linya na palaging isinasatinig tuwing mayroong karera.

"Ready, set, go!" Clar shouted the tagline again to start the race.

Nauuna ako kay Brayden ngunit hindi rin naman siya nalalayo sa akin. Maikli lang din ang pagitan naming dalawa. Nang malapit na ako sa finish line ay pasimple kong binagalan ang takbo ng sasakyan kung saan hindi niya mahahalata na dahilan kung bakit ako natalo.

"I won!" Natutuwang sigaw ni Brayden at binitawan ang hawak kong controller upang yakapin ako ng mahigpit. "Gumagaling na po ata ako, Daddy. Hindi po kasi ako nananalo kay Tito Kiel, eh..."

My forehead slightly creased as he suddenly beamed. Mukhang may naisip siyang gawin at hindi nga ako nagkamali nang bigla siyang tumayo at tumakbo papasok sa bukana, papasok sa loob ng bahay kung saan nag-uusap si Kiel at si Xylia.

Napatigil naman si Xylia sa pakikipag-usap kay Kiel nang maramdaman ang paglapit ng aming anak. Nilingon na rin ni Kiel si Brayden na sa kanya dumiretso.

Maligalig na hinila ni Brayden si Kiel papalapit kung nasaan ako. Mukhang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin.

"Bray, 'wag kang masyadong makulit," malambing na pagsuway ni Xylia sa aming anak.

Make Her Mine In 50 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon