Prologue

71.2K 1K 48
                                    

Habang nanonood ako at nagche-cheer sa basketball game ng boyfriend kong si Yves ay ramdam ko ang malalagkit na tingin sa akin ng mga grupo ng kalalakihan na nasa likod lang namin.

"Girl, parang tutunawin ka na sa titig niyang si Eusev. Ang creepy ng lolo mo," Mahinang bulong sa akin ni Jade na katabi ko lang. Napansin niya rin pala na kanina pa ako tinititigan nila Eusev at ng grupo niya sa likod.

"Lumipat nalang kaya tayo ng upuan, Zelle? Ako ang kinakabahan sa lalaking 'yan. Kahit gwapo at macho pa siya ay nakakatakot talaga ang aura niya!" Takot na takot naman na sabi sa akin ni Winona.

Napatingin ako saglit kay Eusev at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya sa akin at nagtaas pa ito ng kilay.

Totoo nga, kahit gwapo at tahimik pa siya ay halos lahat ng tao ay kinatatakutan siya dito sa bayan namin. Kilala kasi itong bully at hambog. General rin ang tatay niya kaya walang bumabangga sa kanya at sa mga kaibigan niya.

Hindi na ako nagsalita pa at kaagad hinila ang mga kaibigan ko papunta sa ibang parte ng court. Napahinga naman ako ng maluwag nang makalayo na kami sa kanila na sinundan lang kami ng tingin.

"Buti nalang at nakalayo na tayo sa kanila." Sabi ko at bumuntong-hininga.

Natawa naman sila sa naging reaksyon ko at saka nagfocus na kami sa game nila Yves. Sa inaasahan ay nanalo nga sila sa game nila at ang kalaban nila ay sa kabilang bayan ng San Andres. Lumapit kami sa pwesto nila at habang papalapit ako sa grupo nila Yves ay ramdam ko lahat ng titig nila sa akin.

Ang awkward.

"Hon!" Masayang bati sa akin ni Yves nang makalapit ako sa kanya.

Ngumiti naman ako at inabutan siya ng mineral water at pagkatapos ay pinunasan ko ang pawis niya gamit ang hawak kong towel.

"Congrats sa inyo, hon. Ang galing niyo talaga." Masayang sabi ko.

"Talagang magaling kami dahil ginalingan rin nitong si Yves. Syempre nanonood ka at nagpapa-impress lang 'yan sa'yo." Nakangisi namang sabi ni Van. Isa sa mga kaibigan at kateammates ni Yves sa basketball.

"Nadale mo, Van!" Natatawa namang sabi ni Kyle. Isa rin sa mga kaibigan ni Yves saka ito sumulyap kay Winona at kinindatan ito. Kinilig naman ang kaibigan kong may gusto rin kay Kyle dahil dun.

Napailing nalang si Yves at inakbayan ako. "Saan mo gustong magdate tayo?" Tanong niya sa akin.

Ngumuso naman ako. "Kahit saan basta't kasama ka." Sabi ko at nginitian siya.

Namula naman siya sa sinabi ko na ikinatawa ng mga kaibigan ko.

"Nagbablush ang boyfriend mo oh, Zelle!" Nang-aasar na sabi ni Jade.

"S-stop that, Jade!" Nahihiya namang sabi ni Yves at napayuko nalang ito dahil sa hiya.

Ang cute talaga ng boyfriend ko.

Naputol lang ang tawanan namin nang may isang gwapo at matangkad na lalaki ang lumapit sa amin at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

After so many years, he's still attractive and mysterious but I know that he's not the Mike that I used to know before.

"Mike? Kailan ka pa nakauwi ng Pilipinas?" Gulat na tanong ni Yves.

Lumipat ang tingin sa akin ni Mike na walang ekspresyon ang mukha saka siya muling bumaling kay Yves.

Mike is back.

My first love.

---
WARNING: Some chapters of this story are rated SPG, which is not suitable for those who are closed-minded, sensitive, or disgusted by sexual content. This is a New Adult/Dark Romance story with a Reverse-harem twist.

2ND WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I'm not a professional writer so please bear with me. This is unedited so expect the errors. I'll edit this if I have time.

Please like my Facebook page:
"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2020 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon