Epilogue

27.5K 530 108
                                    

After 4 years...

ZELLE'S POV

Sa buong buhay ko ay hindi ko hinangad na magkaroon ng magandang mukha at magandang pangangatawan. Hindi ko rin hiniling na magustuhan ako ng maraming kalalakihan dahil sa kakaiba kong kagandahan. Kuntento na ako sa isang lalake na alam kong magmamahal sa akin ng tapat at totoo. Dahil sa ganitong klaseng itsura ko pati ang privacy at kalayaan ko ay napapahamak na. Sa tuwing nakikita ako ng kahit na sinong tao ay napapatingin at namamangha sila sa akin. I really hate attention pero wala naman akong magawa kung ganitong itsura ang ibinigay sa akin ni God.

Kung ang ibang kababaihan hinahangad na maging maganda at sexy, kabaliktaran naman nun ay ako. Sapat na sa akin ang normal na kagandahan at buhay na mapayapa kasama ang mga mahal ko sa buhay pero wala naman akong magagawa kung lumaki akong 'Ethereal Goddess' na palaging sinasabi sa akin nina Jade at Winona.

Apat na taon na ang nakakalipas pero naaalala ko pa rin ang mga nangyari noon. Dahil sa matinding obsesyon sa akin ni Mike ay muntik nang mapahamak ang buhay ni Eusev. Hindi ko aakalain na ang lalakeng pinagkatiwalaan ko at una kong minahal ay makakagawa ng isang bagay na makakapahamak sa akin at pati na rin sa ibang tao. Ang akala ko ay mahal niya ako pero hindi, makasarili siya dahil hindi niya inisip ang nararamdaman ko o kung makakasakit ba sa akin ang ginawa niya. Wala na siya sa katinuan at alam kong hanggang ngayon ay may galit at inggit pa rin sa puso ni Mike habang nasa kulungan siya.

Masaya ako ngayon kasama si Yves. Noong una ay hindi ko pa nalaman kung gaano ko siya kamahal pero ngayon napatunayan ko na siya na ang gusto kong makasama ng panghabang buhay. Alam kong mali ang ginawa niya noon kay Mike pero napatawad ko na rin siya dun. Sampung taon na ang relasyon namin at ngayon ay CEO na siya sa kompanya ng mga magulang niya habang ako naman ay graduated na rin sa kursong Business administration at tumutulong rin kay Kuya Gray at sa parents namin na magpatakbo ng business namin sa Russia. He's my fiance now at nagpropose siya sa akin last year na may basbas na ng pamilya at mga kaibigan ko.

Si Jade ay nililigawan ngayon ni Kuya Ian. Dahil sa torpe at tagal mag-move on ni Kuya Ian mula sa girlfriend niyang namatay sa sakit na si Ate Elise ay ngayon lang niya narealize kung gaano niya kamahal at iniingatan si Jade. Kung hindi pa nagtangkang manligaw si Henry na kaibigan ni Eusev ay hindi pa siya gagawa ng paraan para ligawan rin si Jade. Syempre si Jade naman ay tuwang-tuwa dahil alam naman naming matagal na siyang may gusto kay Kuya Ian at hinihintay nalang na magkagusto rin ang kapatid ko sa kanya pero hindi niya alam na matagal na siyang gusto nito. Indenial nga lang sa nararamdaman.

Si Winona ay boyfriend pa rin hanggang ngayon si Kyle at tatlong taon na sila. Ang akala nga namin ay hindi seseryosohin ni Kyle ang kaibigan ko dahil alam naman namin na playboy siya pero nagkakamali pala ako. Nawala na ang image niyang iyon nang dahil kay Winona.

Ang kapatid naman ni Jade at kaibigan rin naming si Clarence ay single pa rin hanggang ngayon at abala na ito sa mga art exhibits na sinasalihan niya sa Maynila at nananalo naman ang mga gawa niya. Umamin rin siya sa akin 4 years ago na siya ang nagvideo ng paghahalikan namin ni Mike sa parke at ipinaliwanag niya sa akin kung bakit niya nagawa iyon. Hindi naman ako nagalit sa ginawa niya at naiintindihan ko siya. Umamin rin si Clarence sa akin na gusto niya ako noon pa man pero syempre alam niya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at naiintindihan niya naman iyon.

Si Elijah ay busy sa pag-aaral ngayong college na siya. Nakita ko pa ang labis niyang pagkalungkot nang bumalik na sa amerika si Wendy simula nang makulong ang kapatid nitong si Mike dito sa Pilipinas. Aminin man niya o hindi pero alam kong matagal na niyang gusto si Wendy pero indenial lang siya at hindi niya masabi iyon. Sana balang araw ay maglakas ng loob si Elijah na umamin ng nararamdaman niya para sa babaeng mahal niya.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon